FIOLEE's POV *Dug Dog Dug Dog* Ang lakas ng t***k ng puso ko, ‘yung hininga niya ramdam na ramdam ko, ang higpit ng pagkakayakap niya sa’kin at ang himbing ng tulog niya. Nakokonsensya tuloy akong alisin ‘yung kamay niya na nakapaikot sa katawan ko. At take note nakadantay pa ang mga paa niya sa’kin! gawin ba naman akong unan? Pero sa totoo lang hindi ko alam ‘yung nararamdaman ko ngayon, may parang ewan na gumagalaw sa tyan ko tapos nararamdaman ko din ang mabilis na pagtibok ng puso ko feeling ko masosuffocate na ko anytime. No, scratch that! Masosuffocate na talaga ako dahil hindi na ko makahinga sa ginagawa niyang yakap sa’kin tapos nakasubsub ba ang mukha ko sa dibdib niya. Amoy na amoy ko ang fabric conditioner sa damit niya. Amoy baby! Tumingala ako para tignan ang mukha ng kab