FIOLEE's POV
Madilim.
Sobrang dilim.
Asan ba ko? bakit sobrang dilim?
*tik tok tik tok*
Orasan? na saan ba ko bakit wala akong makitang kahit ano?
*tik tok tik tok*
Naririnig ko ‘yung orasan pero kahit ano wala akong makita.
*tik tok tik tok*
Nararamdaman ko na may parang mainit na bagay sa talampakan ko, madulas siya, parang tubig? pero parang malagkit?
*tik tok tik tok*
Kinapa ko ‘yung talampakan ko.
Saka ko nakita kung ano ba ‘yung likidong natapakan ko.
Hindi pala tubig ‘yun kundi dugo.
Dugo? napakadaming dugo!
Kumakalat na siya sa buong paligid, ang dating kulay itim lang na lugar na ito ay napupuno ng dugo. Nagmimistulang pintura na binabalot ang buong kwarto na ito.
"Fiolee."
Napalingon ako sa likod ko pero walang tao.
"Sino ka?" naging malikot ang mata ko.
"Fiolee, kailangan kita,” sabi ng boses ng lalaki na parang galing sa pinakailalim ng lupa.
"Sino ka ba?” Natatakot na ko.
"Fiolee tumingin ka sa taas.” walang ano pa man ay tumingin ako sa taas at doon ko nakita ang isang lalaki na nakaitim, ‘di ko maaninag ang mukha niya, nakikita ko lang ang sobrang itim niyang buhok at ang kaniyang mapupulang labi.
Habang nakatingin ako sa kaniya unti unting nababalutan ng liwanag ang katawan niya, liwanag na parang lalamunin ang buong lugar na ‘yun. Sobrang nakakasilaw.
"Fiolee gising na!"
"Hmmm? ma?” hinawi ni mama ‘yung kurtina para pumasok ‘yung liwanag sa kwarto ko.
"Sport fest niyo ngayon ‘di ba? malalate ka pag nagtagal ka pa d’yan sa kama mo,” sabi niya saka lumabas ng kwarto ko.
"sport fest?” ha? ano ba ngayon? Tumingin ako sa kalendaryo at.
"SPORT FEST!" saka ko lang na alala sport fest pala namin ngayon. Masyado ako na dala sa panaginip ko.
Habang naliligo ako hindi pa rin mawala sa isip ko ‘yung panaginip ko, kadalasan kasi puro zombie at kakaibang bagay ang napapanaginipan ko. Pero ngayon parang totoo siya. Ano kayang ibig sabihin nun?
❧❧❧
Pagkatapos ko mag-ayos ay agad na kong bumababa para kumain.
"Nak, ito ‘yung baon niyo oh, ‘di ba hanggang hapon kayo doon?"
"Opo mama,” sagot ko sabay lunok ng nginunguya kong tinapay.
"Oh ‘tong isa para kay Marshall ah.” nag nod na lang ako, kada taon naman kasi pagsumasapit ang sport fest lagi niya kami pinababaunan ni Marshall. Parang anak niya na din ata ‘yun ugok na ‘yun tsk.
Umalis na ko ng bahay at naisipan kong dumaan kala Marshall para sabihin na din na ‘di na siya kasali sa cheering namin.
"Marshall!” kinatok ko pa ‘yung pinito pero walang na sagot.
*tok tok*
"Marshall!” Wala pa rin, kaya pinihit ko ‘yung doorknob at nalaman kong bukas naman ito kaya pumasok na ko.
"Papasok na ko ah.” inilapag ko ‘yung baon namin sa lamesa.
Napakagulo sa bahay niya, nagkalat ang mga gamit at pagkain niya sa kusina. Burara talaga ‘yung lalaking ‘yun.
"Marshall tara pasok na tayo!” na saan ba ‘yun?
Hinanap ko siya sa kitchen niya pero wala, miske sa CR wala rin. Kaya pinasok ko na rin ‘yung kwarto niya at doon ko siya nakita, nakaupo sa gilid ng kama niya at nakayuko.
"Umalis kana!” natakot ako sa boses niya dahil parang galit na galit ‘to, bakit wala naman akong ginagawa sa kaniya ah? Galit ba siya kasi pumasok ako ng walang paalam?
"Marshall!” Lumapit ako sa kaniya pero ang ikinagulat ko ay ng tabigin niya ko nang napakalakas kaya napahagis ako malapit sa pinto. Sobrang lakas niya ang sakit ng katawan ko.
"FIOLEE!"
MARSHALL POV
"FIOLEE!” ‘di ko sinasadyang tabigin siya nang napakalakas, natatakot lang ako na baka anong magawa ko sa kaniya.
Natatakot akong masaktan ko siya dahil ‘di na ko ‘yung Marshall nakilala niya, iba na ko. hindi na ko katulad nila.
"Grabe Marshall galit ka ba talaga sa’kin?” Itinayo ko siya.
"hindi Fiolee, sorry! pero kailangan mo na talaga umalis diito!” yumuko ako para ‘di niya makita ‘yung mga pangil ko, ‘di mawala ‘yung pangil ko habang nakakaramdam ako ng gutom, o sabihin na nating uhaw sa dugo.
"Baliw ka ba? sabay na nga tayo papasok eh. Saka dinalhan kita ng pagkain galing kay mama oh. masarap ‘yun,” sabi niya sabay batok sa’kin. Dati pagbinabatukan niya ko babatukan ko din siya para makaganti pero ngayon natatakot ako gawin ‘yun. Baka masyadong malakas ang pwersa ko dahil ‘di na ko normal, isa na kong halimaw.
"Tamo ‘yang itsura mo, namumutla kana oh parang kulay violet na ewan na ‘yang balat mo.” nag-unat siya pero halatang masakit ‘yung katawan niya sa ginawa ko kanina.
"Umalis kana sabi eh!” ayaw ko na maulit ‘yun.
"Marshall.” Hahawakan niya sana ako pero tinabig ko na ito.
"Alis sabi!” na gulat siya sa naging reaksyon ko kaya pagkasabi ko nun, tumalikod siya sa’kin at padabog na sinara ‘yung pinito.
"Kapal ng mukha mo ikaw na nga ‘tong iniintindi eh! Mabulok k asana d’yan!” sigaw ni Fiolee.
Oo tama, sana mabulok na lang ako rito sa lugar na ito. Dahil isa akong halimaw.
Isa na kong bampira.
TO BE CONTINUED