3rd Person's POV;
"Kace."ani ng binatang si Vlad ng makita ang binatang umiinom mag isa sa bar ng pent house na pagmamay ari ng apat.
"Gusto ko ng makita ang mama ko Tito."malamig na sambit ng binata bago laklakin ang hawak nitong beer.
"Kace alam mong ginagawa namin ang lahat para mahanap ang mam---."
"Kung isa nanaman yan sa kasinungalingan niyo tito tigilan niyo na dahil hindi ako natutuwa."putol ng binata bago lingunin ang tiyuhin na nasa pinto na kinatigil ng binatang si Vlad lalo na ng makita ang madilim nitong anyo.
"Hindi mababaliw at magkakaganun ang mama ko kung hindi niyo kami tinago at sinabing patay na!"Bulyaw ng binata at walang kaano anong binasag ang hawak nitong bote gamit ang isang kamay.
"Kace hindi mo naiintind---."
"Ako ang hindi niyo naiintindihan tito."putol ng binata bago tumayo habang nakayukom ang mga kamao na dahilan sa mga nabasag na bote dumugo ito na kinaalala ng binatang si Vlad.
"Gustong gusto kong patayin ang matandang yun simula pa lang ng malaman ko ang ginawa niya sa mama ko at pagtangka niyang gahasain ang kakambal ko."ani ng binata bago madilim ang anyong tingnan ang tiyuhin.
"Pero hindi ko magawa dahil kung ako lang ang masusunod gusto kong mamatay ako kasama ang matandang yun para makaganti ... pero sa tuwing iisipin kong mag iisa si Kacey at kasalukuyang naghihirap si Mama nawawalan na ako ng pag asa."dagdag ni Kace bago maglakad at lampasan ang binata.
"Patawarin mo kami Kace...Almira."bulong ng binata habang nakayukom ang kamao at nakayuko.
---
"Rade andiyan ka ba?"tanong ng dalaga habang pilit inaaninag ang paligid.
"Lakas naman ng pandama mo."komento ng binata bago tapikin ang dalaga mula sa likod.
"Yung amoy mo kasi...gabi na bakit hindi ka pa umuuwi?gwardya kana din ba?"tanong ng dalaga bago lingunin ang binata at bahagyang kapain ang dibdib ng binata.
"Hindi ah...nakita kita sa guidance kanina...alam kong gagabihin ka kaya inantay na kita bulag ka pa naman."ani ng binata na kinasimangot ng dalaga.
"Wow sa bulag ah hindi ba pwedeng malabo lang mata ko."sagot niya na kinaismid ng binata bago hawakan ang mga kamay nito.
"Tara na hatid na kita sa Dorm mo madilim na sa hallway madapa ka pa."sagot ng binata na kinangiti ng dalaga.
"Salamat Rade ah."ani ng dalaga bago nakangiting pinisil ang kamay ng binata.
"Rade."ani ng dalaga na kinalingon ng binata.
"Bakit mo ito ginagawa?...Imean wala pa tayong isang buwan magkakilala pero ang bait mo na sakin."tanong ng dalaga.
"Kahit di ko nakikita gwapo ka base sa mga reaction ng mga kaklase ko kaya nga nila ako lagi pinagtitripan kasi nagseselos sila...sakin ka lang kasi nalapit---."
"Hindi naman kailangan ng rason para lumapit ako sa isang tao."putol ng binata sa dalaga.
"Ganun ba."malungkot na sagot ng dalaga bago bumitaw sa hawak ng binata.
"Dito kana lang...bawal ang lalaki sa Dorm."ani ng dalaga bago tumalikod pero bago pa ito makahakbang hinawakan na siya sa braso ng binata.
"Hindi diyan ang daan papunta sa Kwarto mo."ani ng binata bago hawakan ulit ang mga kamay nito at interwined na kinagulat ng dalaga.
"Masyado kang makulit naiirita ako."dagdag ng binata na kinaiwas ng tingin ng dalaga habang pinipigilang mapangiti.
----
"Ang mga anak ko!"sigaw ng dalaga ng makakita ng dalawang batang naglalaro na nasa edad tatlong taong gulang.
"Ang mga anak ko."naiiyak na sambit ng dalaga bago sunggaban ng yakap ang dalawang bata na kinasigaw ng mga tao.
"Mama!Mama!"
"Mama!"
Sigaw ng dalawang bata at natatakot na kumawala sa yakap ng dalaga at takot na takot na tinulak ang dalaga.
"Bitawan mo ang anak ko!"sigaw ng babae ng makitang hinihila ng pulubi ang anak mga anak niya na kinaiyak ng sobra ng dalagang pulubi.
"Ang anak ko ibalik niyo siya nagmamakaawa ako."umiiyak na sambit ng dalaga habang nakaupo sa gilid ng kalsada.