3rd Person's POV;
"Almira Sullivan!"napangiwi ang dalaga ng isigaw ng prof nila ang buo niyang pangalan na kinatawa ng buong klase.
"Hindi porket school director ang Tito mo dito papayagan ko na ang ganitong patakaran mo!ineng fourth year kana graduating tapos bibigyan mo ako ng 4 sa exam out of 70!"ani ni Mrs.Dimadakma.
"Eh ma'am mahina talaga ulo ko anong gagawin ko naman dun?"sagot ng dalaga na kinatawa ng buong klase.
"Nung mga kapatid mo ang nag aaral dito nakikipagtalo pa ang mga yan samin kung anong tama o mali sa tinuturo namin pero ikaw?jusmiyo porsanto kahit anong posisyon namin sa pagtuturo sayo hindi ka matuto tuto!"bulyaw ni Mrs.Dimadakma sa dalaga ng--.
"Excuse me ma'am."napalingon ang buong klase sa binatang kumatok sa pinto na---.
"Kyahh!"
"Ohmygosh si Rade!"
"Kyaaah Rade!"
"Quite!"sigaw ng teacher na dahilan para impit na magtilian ang mga estudyanteng babae.
"Sinong nagpapatawag sakin Rade?"napairap ang dalaga ng parang nagpabebe ang boses ng guro na kulang na lang lapain siya kanikanina lang.
"Pinatatawag daw kayo sa Principal office."sagot ng binata habang nakatingin sa dalaga na kasalukuyang pinupunasan ang malaking salamin na suot habang nakasimangot.
"Ikaw na muna bahala dito Rade babalik din ako agad."ani ng guro na parang nagpapakyut pa sa binata na tuloy tuloy lang na pumasok at umupo sa teachers table.
Nang makaalis na ang teacher nanlaki ang mata ng dalaga ng parang nagkaroon ng riot ang room nila ng dali daling tumayo ang mga babae at pinalibutan ang binata.
"Ano bang problema nila?...may artista ba?"bulong ng dalaga habang naniningkit ang matang tiningnan ang mga kaklaseng babae na nagkakagulo sa unahan.
"Malabo na talaga ang mata ko wala na akong maaninag sa salamin na ito."bulong ng dalaga bago tanggalin ulit yun at punasan.
---
"Ahhh!"tili ng dalaga ng madapa ito na kinatawa ng buong klase.
"Bulag na nga lampa pa hahaha."ani ng dalagang si Aubrey na kaschoolmate ng dalaga.
"Yung salamin ko."ani ng dalaga habang kinakapa kapa ang sahig kung saan nahulog ang salamin.
"Ohmygosh."
"Si Rade."
"Yung salamin ko nasaan---."napatigil ang dalaga ng imbis salamin ang makapa pares ng sapatos ang nahawakan niya na dahilan para mapaangat ang tingin nito.
"Hindi mo ba nakikita ang sarili mo ngayon?"walang emosyong tanong ng estrangherong binata bago lumuhod na kinatigil ng dalaga.
Malabo ang paningin nito kaya hindi maaninag ang mukha ng binata pero---.
"Ang ganda ng mata mo kulay green."bulong ng dalaga bago ilapit ang mukha nito sa binata na kinareact ng mga estudyanteng babae.
"Green nga."ani ng dalaga ng magtama ang ilong ng dalawa napasinghap ang dalaga ng marealize na sobrang lapit niya sa mukha ng binata.
"P-Pasensya na m-malabo mata ko kaya kailangan kong---."naputol ang sasabihin ng dalaga ng walang kaano anong isuot ng binata ang salamin ng dalaga pero bago pa ulit matingnan ng dalaga ang mukha ng binata tumayo na ito at naglakad palayo.
"Simpleng landi din eh."
"Gosh kadiri talaga balak niya ba talagang halikan ang Prince Rade natin."
Ilan lang yan sa bulungan ng mga estudyante na hindi narinig ng dalaga dahil nanatili lang ang focus nito sa papalayong bulto ng binata.
"Kailangan ko ng bagong salamin pero wala pa sina Kuya."bulong ng dalaga habang nakatingin sa salaming pinupunasan.
Nang isuot ito ng dalaga napabuga ng hangin ang dalaga ng parang ang layo ng kutsara at plato niya kahit nasa harap niya lang.
Nang kapain niya ang gilid ng plato kinuha niya yung kutsara at kumain.
"Nakakatawa siya kumain...yung ulam nasa lamesa na haha."napatigil ang dalaga ng pagtingin niya halos lahat ng tao sa cafeteria nakatingin sakanya.
"Wag mo na lang sila pansinin."napatingin ang dalaga sa harap niya ng may binatang umupo sa harap niya at---.
"Teka pagkain---."
Naputol ang sasabihin ng dalaga ng palitan yun ng binata ng may malalim na lalagyan.
"Wala ng laman itong plato mo nasa lamesa na lahat."ani ng binata na kinapula ng pisngi ng dalaga ng makitang nasa lamesa na nga lahat ng yun.
"A-Ano s-salamat."ani ng dalaga habang nahihiyang sumubo.
"Ako si Rade."ani ng binata na kinatigil ng dalaga.
"Ikaw ba yung laging pinaguusapan ng mga estudyante at teachers dito na scholar?"tanong ng dalaga na kinangiti ng konti ng binata lalo na ng makitang hindi ito nakatingin sakanya kundi sa gitarang nasa kabilang gilid niya na mukhang napagkamalang siya.
"Working student din ako dito...tuwing recess nasa library ako,lunch sa cafeteria at pagkatapos ng klase nilolock ko ang mga classroom ng school."ani ng binata.
"Masipag ka naman pala at matalino."komento ng dalaga na kinatawa ng binata.
"Pano mo nasabi?"tanong ng binata na kinasimangot ng dalaga.
"Makakapasok ka lang ng scholar dito pag naperfect mo ang mga exam noh."sagot ng dalaga habang kinakapa kapa yung tubig sa lamesa.
Nang makita yun ng binata pasimple niyang inusod ang baso para mahawakan ng dalaga.
"Kailangan mo ng magpalit ng salamin."ani ng binata na kinabuga ng hangin ng dalaga pagkatapos uminom ng tubig.
"Hindi pa kasi umuuwi mga kuya ko sila kasi nagsasama sakin para magpagawa ng salamin."sagot ng dalaga.