Deserie ‘Andeng’ Salvacion Walang humpay na tumutulo ang aking luha habang katabi si Sandro na nakaratay sa higaan. Pisil-pisil ko ang kanyang kamay upang iparamdam na narito na ako ngayon sa tabi niya. Dumadampi ang aking labi roon at taimtim na nananalangin na sana maging maayos muli ang kanyang kalusugan. ‘Ilang buwan lang ako nawala, bakit ganito na ang nangyari? Sabi mo okay ka lang. Sabi maayos ka lang. Pero bakit kailangan mong ilihim ang totoong kalagayan mo?’ kausap sa aking isip. ‘Sa tingin mo ba hindi ako masasaktan sa ginawa mo? Mas naging mabigat sa puso ko na dadatnan ka ng ganito. Sana hinayaan mo na lang akong kasama ka habang nakikipaglaban sa natitirang buhay mo.’ Hindi ko na naman mapigilan humagulgol kahit ayaw ko. “Sandro? Vita Mia?” usal ko nang pisilin niya rin a