BANGS Kahit puyat ako kagabi ay maaga pa rin akong nagising ngayong umaga at hinintay ang pagdating ng aking ama. Cam told me that he is planning to take Mama out for shopping para na rin magkasarilinan kami ni Tatay. Nakaligo na ako pero hindi ako makapagdecide kung ano ang susuutin ko. Ito kayang black na long sleeves at white jeans? Mukha naman akong nagluluksa nito. I want something with colour para naman kahit papaano ay isipin ni Tatay na masaya akong makita s'ya. I settled for a white long sleeves and khaki pants. Pinaresan ko 'yon ng nude pumps at kung aalis kami mamaya ay magpapalit na lang ako ng caramel coloured boots. Mama has been a great help with my wardrobe. Ipinapakita ko sa kanya sa message ang litrato ng napili kong item at itatanong kung ano ang bagay. She's really