BANGS Naulit ang pagsundo sa akin sa trabaho ni Sir Cam. At kahit sa part-time job ko ay nakaabang s'ya kung kailan ang tapos ko. At kahit ramdam ko na maganda ang intens'yon n'ya, wala s'yang sinasabi na mahal n'ya ako o gusto n'ya ako. Hanggang sa isang araw ay pinuntahan ako ng isang babae sa firm makalipas ang isang buwan. "I am looking for Ivanka Llarena," sabi n'ya sa receptionist namin. "Good morning po, Ma'am. Saglit lang po at tatawagin ko s'ya." Nang puntahan ako ng receptionist namin ay mukha s'yang ninenerb'yos. "Bangs, may naghahanap sa iyo. Mukhang istrikta, May kamag-anak ka bang mayaman?" tanong n'ya sa akin. Napakunot ako ng noo. May kaya ang mga kamag-anak ni Nanay pero hindi naman nila ako pupuntahan dito. Isa pa ay maayos ang pagbabayad ko ng loan kaya hindi nila