BANGS | PALAWAN I love you. Tatlong kataga pero hindi nagpatulog sa akin ng ilang gabi. Nang gabing sagutin ko si Cam ay sinabi n'ya sa akin ang nararamdaman n'ya at totoo nga siguro 'yong sinasabi nilang feeling nasa cloud nine. Nang sabihin n'ya sa akin 'yon ay para akong hindi makahinga sa sobrang saya. We shared our first kiss at Skyranch dahil isinakay n'ya ako sa isang ride. Iyon bang may malaking barko na gumagalaw na parang pendulum. Halos maihi ako sa takot noong nagswing na at ang ginawa n'ya para mapakalma ako ay bigyan ako ng isang halik. Masuyo 'yon at walang pagmamadali. Ni hindi ko alam ang gagawin ko dahil si Cam ang unang lalakeng humalik sa akin. Hindi nagtagal at ginaya ko ang istilo n'ya at narinig ko pa ang pagtawag ng operator. Tapos na daw ang ride at pwede na kam