BANGS First time kong lalabas ng bansa bukas kaya kanina pa ako check ng check ng mga gamit ko at baka may maiwan. Cam decided to stay in my apartment at dito na kami magmumula papuntang airport. Ang Mama n'ya ay ihahatid ng driver at doon na kami magkikita-kita. Naramdaman ko na lang na may nanonood sa akin at nang lumingon ako ay nakita ko si Cam. Nakasandal s'ya sa hamba ng pinto at pinapanood ako. "Bakit ka nand'yan?" "Pinapanood ka. Baka sakaling pakasalan mo na ako," sagot n'ya sa akin. Napatawa ako sa sinabi n'ya kaya saglit kong iniwan ang ginagawa ko at naglakad papunta sa kanya. "Kulit mo." "Pogi naman ako. Kaya naman kitang buhayin. Mabait pa ako lalo na kapag matutulog na --- aray ko!" "Cameron, napaka-pilyo mo talaga." Hinapit n'ya ako sa baywang palapit sa kanya