BANGS Natulog kami na magkatabi ni Cam kagabi at walang nangyaring kababalaghan. Nagkwentuhan kami habang magkayakap at iginalang n’ya ang pasya kong maghintay sa pagpapakasal. Ngayon ay natutulog pa rin s’ya habang ako naman ay nagkakape sa balkonahe. Since Cam is still sleeping, naisipan kong maglakad-lakad sa baba at magbasa ng paa sa tabing dagat. Napakaraming nangyari sa akin simula nang mawala si Nanay at pawang magaganda. Umpisa na siguro ito ng pagbangon ko. Ganoon pa man ay ipinangako ko sa aking sarili na gawin ang lahat para maging maayos ang aking buhay. Bukod dito, gusto kong mailipat ng libingan sina Nanay at Lola. Iyong mas maayos at hind isang lugar na patong-patong ang nitso. They deserve better than that. Isa pang hindi nabibigyan ng linaw ay ang dalawang pangyayari