CHRISTINA Matapos naming kumain ng brunch, nagbihis kami ni David at muling namasyal sa iba't ibang lugar dito sa Macao. Kumain kami sa iba't ibang restaurant na panibago sa akin. Pinaranas sa akin ni David ang ganda ng bansa. Mga magagandang larawan ang naging alaala ko dito. Nang gabing iyon balak akong dalhin ni David sa sikat na bar sa Macao. I wear my evening dress for tonight, syempre with my boyfriend's approval. Nang masigurado na payag si David sa suot ko excited akong nag-ayos ng aking sarili at lumabas sa kwarto. Hinagod ako ng tingin ni David mula ulo hanggang paa. Tumango ito bilang approval at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Masaya ko itong inabot kaya sabay kaming naglakad palabas ng aming suite. David decide na sa bar ng hotel na lang kami pumunta dahil sikat din