Chapter 21

1759 Words
Kung normal lang na tahimik kami ngayon ay hindi na titingin pa ang ilan sa mga kasama naming pulis. Hindi ko lubos akalain na dahil lang sa ebidensiya ay nagkaroon ng seperasyon sa pagitan namin ngayon. Natural lamang sa akin ang hindi magsalita at magmasid sa kanila ngunit ang ikinikilos ni Officer Hanz ay kakaiba. Kanina ko pa din napapansin ang titig nito kay Officer Leo.  "Officer, musta naman kayong dalawa? Haba ng day off niyo ah?" Hindi na ako nag abala pang tignan si Officer Juarez sapagakt nakafocus ako ngayon sa maaaring dahilan ng madalas na pagtingin doon ni Officer Hanz. Sinabi na nito sa akin na binabantayan ni Officer Leo ang ebidensiyang itinago niya. Ayokong mag isip ng kung anong maaaring kahihinatnan ngunit kailangan kong malaman ang simpleng pagtitinginan nilang iyon. "Invisible ba ako? Hoy! Ang tahimik niyo masyado?" Maya-maya pa ng biglang tumayo si Officer Leo at nagtungo palabas ng opisina. Hindi na ako nag abala pang sundan ito at saglit pang tinignan si Officer Hanz na tututok na sa binabasang dukumento. " Nag day off lang kayo, nabingi na kayo parehas?" "What?" Ganoon na lamang ang nagugulat na reaksyon nito dahil sa ginawa kong pagpansin sa kaniya. "naririnig mo pala ako, Officer?" Saglit pa akong napapabuntong hininga bago muling tumingin sa kaniya at tumayo. "Officer Hanz, siguro mas maganda kung mag roaming na tayo ng maaga." "Hindi muna ako makakasama, Officer. Siguro si Juarez na lamang ang isama mo dahil mukhang hindi naman siya busy." Sa unang pagkakataon ay nagugulat ako sa sinabi nito. Hindi nito ugaling tumanggi kahit na trabaho naman niya ang gagawin nito. "Okay." Hindi na ako nag abala pang pakinggan ang rason niya at tumingin na lamang kay Officer Juarez na mukhang nagugulat din sa sinabi ni Officer. "Sigurado ka, Officer? Nalilimutan mo yatang trabaho mo yun?" "Parang kaylan lang nung-" "Oo na! Tara na Officer, masyado pang maraming sinasabi eh." Saglit ko pang tinitigan si Officer Hanz bago sumunod kay Juarez. Matapos makaalis sa police station ay saglit ko itong pinahinto hindi kalayuan sa stasyon. Wala akong planong gawin nga ang sinabi ko dahil balak ko sanang kausapin siya. Hindi normal ang ikinikilos ni Officer kaya upang makasigurado ay kailangan kong manatili at manman ang ginagawa nito. "Bakit ka huminto?" Imbes na sumagot ay lumabas ako ng sasakyan at tumanaw sa hindi kalayuan. "Officer?" "Hindi normal ang ikinikilos ni Officer Hanz." Yun pa lamang ang sinasabi ko ay nagin interesado na siya. Pumunta pa ito sa tabi ko upang usisain ako. "Pansin ko din. Baka naman masama ang tyan? Hindi naman siya madalas pagpawisan eh pero kanina kahit may electric fan naman ay naiinitan pa din siya." Nanatiling naroon ang paningin ko sa lugar ng istasyon hanggang sa hindi inaasahan ay lumabas ito sa istasyon na ani mo'y may pupuntahan. Mabilis akong sumakay sa sasakyan bago ito sinundan.  "H-hoy! Teka dahan dahan naman sa pagmamaneho officer!"  Doon ko lamang napansin na may umaaligid ding mga nakaitim na sumusunod dito.  "Officer?!" Hindi na ako nag abala pa at binilisan ang takbo at mabilis na iniikot iyon sa direksyon ni Officer Hanz. Ganoon na lamang ang gulat sa mga mata nito ng matapatan ng ilaw. "Sakay!" Matagal pa itong tumitig sa hindi kalayuan bago inatim na sumakay doon. Hindi ko lubos akalain na bubulaga ang isang van sa isang gilid kaya pinabilis ko ang pagtakbo ng sasakyan. "Ano bang nangyayare?!" Wala akong balak ihinto ito hanggang sa tuluyan naming mailigaw ang mga kalalakihang nakaitim na nakasakay sa isang puting van. Mabilis akong lumabas ng sasakyan bago hinila palabas si Hanzel at galit itong sinigawan. "Ano bang ginagawa mo?!" "Wait?! Anong nangyayare? Officers?" Nagugulat pa din ang reaksyon nito kanina habang ako naman ay umiinit na agad ang ulo dahil sa pangyayaring iyon. Ilang saglit lang ay padabog kong tinanggal ang kamay ko sa damit niya at napahinga ng malalim. "What was that?" "H-hindi ko alam!" Napapahilamos pa siyang naglakad ng kaunti dahil hindi siya makapaniwala sa nangyayare. "Tinawagan ako ni Officer Leo at mag uusap daw kam-" "Are you crazy?!" Hindi ako nagkamali sa isiping maaaring gumagawa na ng paraan iyon upang burahin siya sa mundo. This is not the first time I saw someone who would do anything just for his sake. "Gusto mo bang mamatay?!" "Ano ba talaga yung nangyayare? Kanina may nakita akong mga armadong lalake na may dalang baril. Kung hindi lang kame dumating ay sigurado akong mababaril ka n'yon officer- Officer De Luna!" Mabilis kong kinuha ang baril sa tabi ng bewang at mabilis ko iyong itinutok sa ulo ni Officer Hanz.  "Easy. T-teka..Officer.." Nanatili akong nakatitig dito na ani mo'y nag uusap kami gamit ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit isinama ko pa dito si Juarez kahit alam ko namang wala naman siyang nalalaman sa ikinikilos namin.  "Gusto mo bang makita na ang asawa mo?" Kalmado ngunit seryoso. Ganoon ang estado naming dalawa habang ang isa naman ay inosente pa din sa nangyayare. "Bakit mo pa isinama si Officer Juarez dito?" Saglit na katahimikan bago ito nagtanong. Hindi ako sumagot ngunit nanatili pa din ang baril sa kanyang ulo. Nang matapos pa ang ilang segundo ay tinanggal ko na din iyon at napapabuntong hininga pa. "Nalalaman mo na siguro ang maaring kahihinatnan ngayon? Ano ang susunod na plano?" "Ganyan ba talaga kayo? Parang wala ako dito ha? Parang kanina lang magbabarilan pa kayo, ngayon naman ay parang wala man lang bahid ng trahedya kanina!" Matagal kaming nagpahinga doon sa isang madilim na bahagi bago tuluyang bumalik sa pagroroaming ng hindi pinag uusapan ang susunod na plano. Para bang hindi na namin alam ang susunod na gagawin dahil sa pangyayare. Alam kong naduduwag din si Officer Hanz ngunit hindi na kame pwede pang bumalik sa umpisa dahil na-umpisahan na. natapos ang gabing iyon na pawang tahimik at nag iisip. Nang makauwi ay halos hindi din ako nakatulog at napag isip isip na lamang na puntahan ang anak ni Hanzel upang makasigurong nasa maayos itong kalagayan. Hindi ako mapakaling kaunting kalabit pa lamang ng nakaraan ay agad na silang maglilitawan. Ayokong ipasok sa isip na maaaring may kinalaman ang Juarez na iyon sa pangyayare dahil sa ilang taong magkarelasyon namin noobn ay hindi ko naisip na kayo niyang gawin ang ibinibintang ni Officer...Ngunit iba na ngayon. Maaring nag iba na ang pananaw nito sa buhay. Maaaring pakitang tao lang pala lahat ng pinaramdam nito sa akin noon. Hindi ko malilimutan na siya ang kaisa isang taong nagmulat sa akin ng self defense ngunit hindi ko mapigilang mangamba sapagkat maaaring may hindi ako nalalaman sa pagkatao nito. Matapos na malamang maayos naman ang kalagayan ng bata at saglit pa akongnagtungo sa opisina ng magaling kong kapatid upang humingi ng tauhan upang bantayan ang mag amang ipinahamak ni lolo. "Tinawagan ako kaninang umaga ni Officer Hanz. Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko sayo kagabi?" "Kailangan ko ng ibang tauhan para bantay ang anak niya. Magpadala ka ng tauhan gayun din kay Hanzel." "Himala at Hanzel ang tawag mo? Something strange?" Saglit pang sumilay ang ngiti nito na ano mo'y nang aasar. "Pumapayag na ako sa alok mo para mapapayag si Juarez sa proyekto mo." Saglit siyang nagulat dahil sa biglang sambit ko. Alam kong may nalalaman din siya sa ipinupunto ko. Kailangan kong gumawa ng hakbang upang mabilis na matapos ang kasamaan ng kriminal. "Sakto ang pagpayag mo sapagkat sa isang linggo ay may okasyon ang pamilya nila. Birthday ng bunso ng mga Juarez kaya inimbitahan tayong pumunta doon. Ang bunsong Juarez ay nakakasama ko kaya nakakasiguro akong yayayain ka din niyang dumalo sa birthday niya." "Gusto ko din kausapin si lolo. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya para sa susunod na plano niya."  "Pwede mo naman siyang kausapin anytime. Alam kong matutuwa iyon kung makakausap mo siya." "Did you already it.. or did you sleep?" Sa hinaba haba ng pag uusap namin ay ngayon pa ito nagtanong kung kumain o natulog na ako. Kahit na ako kase ay nalimutan na iyon at may pasok pa ako mamaya ngunit hanggang ngayon ay kahit na isa sa mga ito ay hindi ko pa nagagawa. "Let's have a lunch? Hindi pwedeng tumangi. I know you are worried so please take care yourself." Nanatiling blangko ang paningin ko habang nakatingin sa mga pagkaing inorder niya nang makapunta kame sa isang malapit na restaurant. Nagpumilit akong mag order na lamang ngunit hindi siya pumayag kahit na sabihin ko pang maaaring may nagmamanman sa amin. Ang hindi ko lamang ikinatuwa ay ang sinabi nito. "I want to get involve. Atleast I could claim that you still have a family. I am still your brother kahit na anong mangyare that's why they need to try me first before you." Kung hindi ko lamang siya kapatid ay nakakasiguro akong hindi ganito ang magiging reaksyon ko. Ayokong mangyare ang sinasabi niya ngunit kilala ko ang kapatid ko. Kahit na hindi kame madalas magkita ay alam kong kayang kaya niyang makisali sa gulong maaaring kalabasan ng paghahalungkat namin sa kasong ito.  " Hindi ako mahilig kumain ng marami." Hindi na ako nakipagtalo pa at nag umpisa na lang kumain dahil kailangan ko pa ding matulog kahit na kaunting oras. Ang akala kong tapos na ang pagkikita namin ng sariling kapatid ay niyaya niya pa ako sa condo na bagong bili niya. "Napuntahan ko na ang apartment na tinutuluyan mo. Hindi nababagay sa babaeng tulad mo ang tumira d-" "No." Alam ko ng pag aawayan na naman namin ang tungkol sa lugar na tinitirhan ko kaya inunahan ko na siya." "Leigh?" "I have to go. May duty pa ako mamaya." Hindi ko na siya hinintay pa at umalis na kahit na isang sasakyan lang ang dala namin pa tungo sa condo na iyon. **** "MGA TANGA TALAGA KAYO! SINABI KO BANG MAGPAKITA KAYO SA KANIYA?!" Matapos sumigaw nito ay binatukan niya pa ang isa sa mga tauhan niya bago muling umupo at huminga ng malalim. "Sorry Boss, hindi namin alam na bigla silang susulpot eh." "Bibigyan ko kayo ng isang araw para tapusin ang isang iyon dahil kung HINDI KAYO ANG IPAPALIT KO AT IBABAON SA HUKAY NA YAN!" "Huminahon ka muna. Alam kong matatapos ng mga tauhan mo ang pinagagawa mo. Don't stress yourself, okay?" Kung ano man ang gusto nitong alamin ay nakakasiguro akong malalaman din namin iyon. Hindi na siya nadala pa. Kulang pa siguro ang isang buhay na nawala sa paligid niya upang alamin ang totoo.   "Ano pang hinihintay niyo?!" Mabilis silang nagtakbuhan paalis habang ako naman ay napapasandal na lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD