"Hindi ko alam na kailangan mo pa talaga ang librong ito para lang matapos mo ang iyong gawain."
Hindi ko maiwasang matawa dahil sa pagkunot ng kaniyang noo habang masamang nakatitig sa librong hawak hawak ko.
"Sapagkat hindi ako mapakali hanggat hindi ko natututunan ang mga laman niyan. Kung sa bagay hindi mo ako maturuan kaya ako na ang gumagawa ng paraan upang turuan ang sarili ko."
"Sinabi ko naman sayong tuturuan kita ngunit hindi pa sa ngayon. Sinisigurado ko lang na tapos ka na sa iyong mga gawain bago ang ensayo."
"Kailangan ko nang matuto ng taekwando o karate," tila may umuungot ko pang tinig.
Napabuntong hininga naman siya dahil sa biglaang pagiging isip bata ng boses ko.
"You have the book, so study that by yourself."
Napapabuntong hininga ako ng bigla siyang mag walk out dahil sa inis. Simula kase ng malaman kong marunong siya ng ganung klaseng depensa at proteksyon ay ipinipilit ko na ang aking sarili upang maturuan niya.
"Hoy! Kung ayaw mo akong turuan kay Deo na lang ako magpapaturo! Bahala ka diyan. Atleast yun marunong pumayag!"
Napahinto pa siya dahil sa pangambang magpapaturo nga ako kay Deo na isa sa mga varsity sa departamento ng Criminology.
Bigla akong napamulat dahil sa pagpapaalala ng oras ng duty sa istasyon.
Natutulala pa ako sa kisame bago balaking tumayo upang tignan ang oras sa tabi ng sariling higaan.
Sa loob ng maraming taon nakakatawang ngayon pa ako nanaginip ng ganoong klaseng eksena.
Mabilis na tumayo upang maghanda na't iwaglit sa isipan ang panaginip na matagal ng naglalagi sa isip ko. Lutang pa akong pumasok sa opisina bago inayos ang nakatokang lamesa.
"Aga mo Officer."
Binubuksan pa lamang ang sariling computer ay agad namang lumitaw si Officer Juarez sa harap ko.
"Ako ulit ang kasama mo. Kailangan pa natin magawan ng solusyon ang murder case sa building ng tinutuluyan mo."
Ibinaba niya ang isang folder at prenteng umupo sa silya sa tapat ng mesa ko at saka naman nakangiti siyang tumingin sa gawi ko.
"Kahapon ka pa seryoso ah? Huwag kang mag alala dahil hindi ka naman witness sa kaso. At isa pa, si Officer Hans pala ay next week pa makakabalik sabi ni Chief kanina pag dating ko."
Kinuha ko ang folder at tahimik na tinignan ang laman niyon. Wala ako sa mood upang sumagot pa sa mga tanong niya. Base sa laman ng folder ay ang may pinaka hindi kapani paniwalang alibi sa apat na suspek ay si Mang Raul at ang sariling Kaibigan ng biktima. Marahil makukumpirma ko ngang totoo ang sinasabi ni Mang Raul ngunit may kung ano sa loob ko na nagtataka sa ikinikilos niya noong araw na iyon.
"Hanggang ngayon ay nagtataka ako kung bakit ka inilipat dito ng main. Hindi ka naman taga rito. Ilang buwan ka palang sa lugar na ito pero parang nangunguna ka pa sa mga beterinaryong pulis dito."
Saglit akong napatigil sa pagbubuklat ng folder dahil sa biglaang pagsasalita niya.
Napasulyap pa ako sa kaniya at hindi umiimik na ibinalik ang mata sa hawak hawak na folder.
"Ito ang pinakamaliit na distrito sa buong Probinsya ng Cavite ngunit heto ka't wala man lang side comment para ibalik ka sa main. Teka, saan ka nga pala talaga nakatira? Sa limang buwan na narito ka ay hindi ka pa namin nakikilala. Maraming kuryoso sa iyo pero tignan mo nga naman at pipe pa ang kinakausap ko."
"Can you please shut up? Hindi ako ang suspek dito para alamin mo ang background ko. Just do your job," napapakunot noo ko pang saad dahil sa inis na nararamdaman ko.
"Naawa tuloy ako bigla kay Officer Hans dahil sa pagiging workaholic mo."
Napapailing pa siyang nagsasalita ngunit isinarado ko na ang sariling isip at itinutok iyon sa kasong kailangan naming maayos.
"Officer, case close na."
'Uso na talaga dito ang biglang pasulpot sulpot kasabay ng pagsasalita? Tsk.'
"What do you mean case close?" nagugulat na sagot naman ni Officer Juarez.
"Ngayon lang, umamin na yung tunay na pumatay sa biktima. They are also surrendered evidences at ang kutsilyong ginamit sa pagpatay sa biktima."
"Who?"
Naagaw niyon ang interest ko sapagkat wala namang kahina hinala sa mga suspek sa kasong ito.
"Si Mrs. Frucoso, ang ina ng biktima. Matapos sumuko ni Mrs. Frucoso ay sumunod din ang kaibigan ng biktima na si Mico Fuente."
Isang pulang folder ang ibinigay niya sa akin bago ko binasa ang mga nilalaman niyon.
"Bakit ang bilis? Natulog lang ako kanina sumuko na agad?!"
Nanatili akong napatitig kay Officer Leo ngunit ipinagsawalang bahala niya ang tanong ni Officer Juarez at nagpaalam na itong umalis.
"Ice pick, kutsilyo at face towel ang natagpuan sa mga suspek. Ayon sa testimonya ng kaniyang ina ay amoy alak na itong umuwi sa kanilang bahay ng tanghali at may dala dala itong supot na naglalaman ng mga alak at junkfood. Nang mga oras ring iyon ay naabutan niya ang kaniyang ina at kaibigang si Mico na nagtatalik at mabilis ang naging pangyayare hanggang sa magpang abutan sila at masaksak ng sariling ina si Gael gamit ang ice pick."
Tahimik akong nakikinig sa kuwesyonableng pagbabasa ni Juarez sa folder na ibinigay ni Officer Leo sa amin.
Hindi ko maintindihan kung dapat nga ba akong mangamba ngunit parang may kakaiba sa kasong ito. Sumuko ang mga suspek at mabilis nilang isinara ang kaso ng wala man lang ibinabahaging imbestigasyon. Sa aking pagkakaalam ay ibinigay niya sa amin ang kaso upang solusyunan ngunit tila hangin na mabilis ding lumampas din sa sariling kamay ko iyon. Wala na sana akong pakialam ngunit ramdam ko ang kakaibang pag iisip ni Officer Juarez. Kakaibang nababasa ko ang kaniyang komento sa isip kahit pa hindi naman ito nagsasalita at tahimik na binabasa ang folder sa kaniyang kamay. Mas mataas ang katungkulan ang mayroon si Officer Leo kumpara sa posisyon ko ngunit makikinita mong kakaiba nga ang pamamalakad na ginagawa niya rito.
Kahit na ganun ay mas nagiging determinado akong mabago ang lugar na at wakasan ang masalimuot na nakaraan na dumungis sa magandang bayang ito.
Sa ngayon ay isa lamang ang namamalagi sa isip ko, ang matunton ang files na kailangan ko.