Four
Jake...
Naiinis siya kung bakit napapayag ng ganun nalang ni Carla sa gusto nitong mangyari.
Gusto lang naman ni Carla na maging tago ang relasyon nila kung ayaw daw niyang maghiwalay sila.
FLASHBACK
"Magbreak na tayo"
Mahina lang iyong pagkakasabi ni Carla pero sapat na para marinig niya iyon ng malinaw. Napapalatak siya sa kinauupuan niya ngayon.
Pambihira naman kasi, halos dalawang araw pa lang mula ng sapilitan siyang sagutin ni Carla.
Pilitan na nga ang nangyari sa kanila ni Carla tapos hindi man lang nagtagal kahit life time lang ung tipong mga 90 years old na sila ni Carla kung makaisip si Carla na hiwalayan siya. At dahil matatanda na sila hindi na itutuloy ni Carla ang plano niyang pakikipaghiwalay sa kanya.
"Nakikinig ka ba?"tanong pa sa kanya nito.
"Is it because of what happened?"nanghihinayang na tanong niya.
Natahimik naman si Carla at mukhang malalim ang iniisip nito.
"Carla wag naman ganito. Kakasimula pa lang natin hiwalay na agad. Nakuha na nga kita sa pilitan"nakapout niyang turan.
"Iyon na nga, pilit lang naman ang lahat. Kaya wag na nating ituloy"naiiritang sagot sa kanya nito.
"Ayoko!!!"
"Bahala ka basta ako ayoko ng ituloy"pagmamatigas nito.
Naiinis siyang nagdrive na paalis sa Mall.
Pahamak na Mall iyan...
Hindi niya binalik sa boarding house nila si Carla bagkus sa may Condo niya dinala ang dalaga.
"Bakit mo ako dinala dito? Tsaka asan ba tayo?"pagtataray na naman sa kanya nito.
"Sa condo ko"walang gana niyang sagot dito.
Hindi na niya ito hinintay na magsalita o sumagot man lang sa kanya. Kahit naman naiinis siya dito hindi pa din mawawala ang nararamdaman niyang pag-iingat sa dalaga.
Pinagbukas niya pa din ito ng pintuan ng sasakyan niya.
"Bakit mo ba ako dinala dito?"pagtataray na naman sa kanya nito ng makababa na ng sasakyan.
"Para mag usap. Hindi ako payag sa gusto mo"nakasimangot na paliwanag niya.
Laking pasasalamat nalang niya at hindi na nakipagtalo pa ito sa kanya ngayon.
"Lucy!"
Ayaw niyang maging bitter pero naiinis siya sa nangyari. Pahamak talaga ang Mall na iyan bakit ba naman kasi niya naisipan na doon dalin si Carla. Gusto niyang sabunutan at bugbugin ang sarili niya.
"Aww...ang cute"narinig niyang sigaw ni Carla.
Biglang nalighten up ang mood niya ng makitang masaya na si Carla ng makita niya ang alaga niyang aso.
Isang Pomeranian dog na halos limang taon na niyang kasa-kasama sa bahay.
a/n : Pomeranian puppy
Nanlaki ang mata niya ng makita niyang binuhat ito ni Carla at hinalikhalikan.
"Teka nga, nakakaselos naman. Ako isang halik lang tapos nakaw pa, si Lucy nakarami na agad."saway niya sa dalaga.
Tumatawa itong bumaling sa kanya.
"Lucy ang pangalan niya? ang cute niya naman kasi, hindi katulad mo nakakatakot"sagot nito sa kanya.
Nakasimangot na tinitigan niya ang dalawa habang naglalambingan ang dalawa. napailing nalang siya at nagderetso sa kwarto niya para kunin ang medicine box na iniwanan ng mommy niya.
Nakita niya ang dalawa na naglalaro na sa sahig ng sala niya.
Close na agad ang dalawa samantalang ang tagal niyang kinuha ang loob ng dalawa.
Sa katunayan nga magkaugali si Carla at ang alaga niyang si Lucy. Parehas na masungit. Natawa naman siya sa naisip niyang ugali ng dalawa.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?"pagtataray na naman sa kanya ni Carla.
Napapakamot sa ulo na lumapit nalang siya sa mga ito. naupo din siya sa tabi ng mga ito.
"Akina nalang ang braso mo, gamutin natin ang mga gasgas mo"pag-iiba niya ng usapan.
Doon lang parang naalala nito ang mga masasakit sa katawan nito.
"Sorry talaga sa nangyari kanina my Loves."bulong niya habang ginagamot niya ang mga sugat nito.
"Hindi naman ako nagalit dahil 'don...hindi ako galit"ganting bulong nito.
"Eh ano bakit nakikipagbreak ka na sakin?"nagtataka niyang tanong dito.
Matagal itong hindi nakaimik mukhang nag-iisip ito ng isasagot sa kanya. siya naman hinihintay lang ang isasagot nito.
"Hindi maganda na magkasama tayo as couple. Wala pa nga tayong isang araw na magkasama bilang magboyfriend napaaway ka na agad."halos pabulong na nitong paliwanag.
"Hindi mawawala iyon, binastos ka ng gago na iyon ano mananahimik nalang ako"naalala niya ang lalaking nakaaway niya.
"Kaya nga, hindi tayo pwede"bulong na naman nito.
"Tsk...hindi ako papayag na maghiwalay tayo"pagmamatigas niya.
"Anong sinabi mo?"nakakunot ang noo na tanong nito sa kanya.
"hindi ako payag na maghiwalay pa tayo"pagmamatigas niya.
"Wala ka namang magagawa, hiwalay na tayo"kampante nitong sagot.
Hinila na nito ang braso nito na ginagamot niya at nagsimula na namang makipaglaro sa aso niya.
"Kainis ka naman my Loves, I finaly have you as my girl, hindi birong pamimilit ang ginawa ko. Tapos mauuwi lang sa wala"reklamo niya.
"Hindi mo bagay, ang laki mong damulag kung magtantrums ka kala mo isa kang 2 years old na baby"sita sa kanya nito.
"Ahh basta hindi tayo maghihiwalay, hindi na kita palalabasin dito. Tatawag ako sa parents mo sasabihin kong tinanan na kita na may nangyari na satin para ipakasal ka na nila sakin. That move hindi ka na makakaalis sakin"nakasimangot niyang tugon sa dalaga.
Nanlalaki naman ang mata nitong nakatingin sa kanya.
"Hindi mo gagawin iyan?"galit na sagot nito.
"Gagawin ko!"pananakot niya.
Lihim siyang nagbubunyi, mukhang nakuha na niya ang weakness nito ngayon.
"Fine!!!..sige hindi na kita hihiwalayan in one condition"inis nitong sagot.
"What condition?"excited niyang tanong sa dalaga.
"Our relation will remain secret to everyone. Kapag may nakaalam kahit isa sa mga kakilala o kung sinoman, break na tayo. Deal?"sagot nito.
Napalunot naman siya ng paulit-ulit. Hindi niya kasi maintindihan, girlfriend niya si Carla pero sa kanila lang dalawa.
"Sandali, paliwanag mo munang mabuti"mahina niyang sagot.
"Girlfriend mo ako, pero thru text or tawag lang. kapag kasama mo ako you will pretend na nanliligaw lang, bawal ang lahat ng sweet moment, bawal ang kiss, bawal ang holding hands in short boyfriend kita sa text lang"paliwanag nito.
"Ang daya naman, pero sige payag ako atleast girlfriend kita. But lets add something in the deal."pagpayag niya.
No choice, hindi niya kayang pakawalan si Carla ng ganon nalang.
"And what it is?"
"Kapag magkasama tayo na tayo lang dalawa you will act as my girlfriend, as in girlfriend ko my loves. Means yong bawal na kiss, holding hands, sweet moments lahat iyon hindi bawal kapag tayo lang dalawa, ano deal?"panghahamon niya dito.
"No deal..."sagot lang nito na hindi man lang nag-isip.
"Naman eh my loves"napakamot siya sa ulo.
"Kung ayaw mo sa inooffer ko sayo edi wala ng deal"wala lang nitong paliwanag sa kanya na hindi man lang siya tinapunan ng pansin kasi nasa aso niya ang attension nito.
"Kainis naman, pero sige deal"wala siyang magawa kundi ang pumayag sa gusto ni Carla.
"Okay"nakangiti nga ito pero nakay Lucy naman ang mata nito.
"Lucy baby...ako na mommy mo ha"kausap pa nito sa aso niya.
Natuwa naman siya kasi kahit paano may something common pala sila ni Carla. They both love dogs.
End of Flashback
"Tsk"problemado niyang ininom ang alak na hawak niya.
"Problemado?"tanong naman sa kanya ni Benjamin.
Nasa loob sila ngayon ng opisina ni Benjamin, gabi na rin naman kaya pwede na silang uminom ng alak ngayon. Isa pa palagi naman na silang nag-iinom na magkakaibigan doon.
"Iisa lang problema ng dalawa na iyan"si Malik ang sumagot para sa kanya.
Doon naman niya tiningnan ang kaibigan niyang si Marco na nakatitig sa cellphone nito na mukhang masisiraan na din ng bait kakatitig sa cellphone nito.
"Wala, pagod lang ako"pagdadahilan niya.
Walang pwedeng makaalam ng lihim nila ni Carla. Mahalaga ang mga kaibigan niya pero mahalaga din naman ang dalaga sa kanya. unang una his earning Carla's trust first, kapag nagtiwala na ito sa kanya baka sakaling magbago na ang isip nito at sabihin na nito ang totoo estado ng kanilang relasyon.
"Pagud na kakahabol?"kantiyaw ni Benjamin sa kanya.
"Hindi ahh, ako pa"sagot niya dito.
"mauna na ako sainyo"paalam ni Malik.
"Hoo...iiscore ka lang"kantiyaw ni Benjamin sa kaibigan nila.
"Ulol"natatawang sagot lang ni Malik dito.
.................