Nine Carla... Nagising siyang parang binabarena ang ulo niya sa sobrang sakit. Hindi niya agad maimulat ang mata niya sa sobrang sakit ng ulo niya. Sa pagkakatanda niya, isang baso lang naman ng alak ang nainom niya kagabi iyong binigay sa kanya ni Oliver. Speaking of Oliver ang lakas ng loob ng hayop na iyon na lapitan siya kagabi after ng nangyari sa kanila years ago. Hindi niya naman maiwasan kasi baka isipin nito na hindi pa siya nakakamove on sa ginawa nito sa kanya. Bwisit na iyon kapal ng mukha... Wala pa sana siyang balak na gumising dahil sobrang sakit talaga ng ulo niya kaso bigla may yumakap sa kanya. "Hmmm..."ungol pa ng lalaking katabi niya. Bigla naman siyang napamulat ng mata ng wala sa oras. Paglingon niya sa bandang kaliwa niya nakita niya si Jake na mukhang nanana