Vivian
Ano vivian?Sinong inaasahan mong kakatok sayo?ha?Gabi gabi bang kinakatok dito kaya hindi mo inasahan na ako ang kakatok ngayon?
A-anong ginagawa mo dito?! Pinilit kong pakalmahin ang boses ko para hindi mautal, Hindi ko inaasahan na si mama ang kakatok ngayon,Letse!Saan ba kasi si lander..
Mag usap nga tayo Vivian,may relasyon ba kayo ni lander?
Ano ba yan! Ginising mo ako para lang jan?Ha?
Sagutin mo ako!!!!!
Wala!!!!
Umalis kana matutulog ako ulit,Pagod ako pwedi ba!
Bastos ka talag bwesit ka! Sagutin mo ako ng maayos!
Matagal na akong bastos, pwedi ba wag kang umasta na parang takang taka, Umalis kana!Bago pa ako maubusan ng pasinsya sayo!
Lumayas ka Dito!Hayop ka!
Ahhh,Sh*t!Hindi ko napaghandaan ng bigla nalang niyang hinila ang buhok ko,Bitawan moko!!!Bitaw!!Tinatanggal ko ang dalawang kamay niya na nakahawak sa buhok ko, Natatakot ako baka mahulog kami sa hagdan..
Ma!Ano ba mahuhulog tayo!
Wala akong pakialam, Kasalanan mo ang lahat ng to malandi kang bata ka,!
.Baliw kana!Nabaliw kana da-Dahil sa lalaking yan!Buti sana kong mahal ka!Halata naman na ikaw lang ang nagmahal!
Napahinto si mama sa paghila sa akin kaya dalidali ko kong hinila ang buhok ko,Pinaayaw ko talaga nasisira ang buhok ko e-Ahhhh, Nabingi ata ako ng tumabingi ang pisngi ko sa kaliwa,Hindi ko nakitang gagawin niya yon dahil busy ako sa pagaayos ng buhok ko..Aray!Peste ka!Hindi pa tapos dahil kabilang pisngi na naman,Hawak ang dalawang mukha ko habang nakatingin sa kanya,!
Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito, Dalawang beses na niyang ginawa to ng dahil lang sa lalaking yon,Napaka walang kwentang ina niya talaga..
Lumayas ka dito!
Huh,?Ako lalayas?Ikaw ang dapat lumayas,dahil wala kang kwentang in-Fvck!Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng sinampal na naman niya ako..
Nanalilisik ang mata ko ng lumingon sa gawi niya,Sinasagad niya talaga ako,!Hindi ako makakapayag na hindi makaganti,
Pak!
Pak!
Kaliwat kanan din ang Ginawa kong sampal,Gaganti na naman sana siya pero tinulak ko siya,
Ahhhhh,, Vivian!Tang ina mo!Hayop ka...
Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng nakita ko ang dugo sa paanan ni mama, Nanginginig ako habang umiling iling..Sya ang nauna ,Gumanti lang ako...
Ahhh,Ang sakit,Si mama habang hawak ang tiyan niya..
Ang baby ko, tulong!!! Tulong!!!Ahhhh..Agh!!! Please Vivian...
No!
Wala akong kasalanan!
Anong nangyari dito?!
Dumadagondong ang boses ni lander sa buong bahay at humahangos papunta sa gawi namin.. Nanlaki ang mata nito ng nakita niya si mama puno ng dugo ang paanan niya...
Honey tulong,Ang sakit ..
Nakatulala lang si LANDER na nakatingin ksy mama,Bigla nalang siyang natauhan ng nagsalita si mama..
Fvck! Sorry,Come here, Dadalhin kita sa hospital..
Vivian mag usap tayo mamaya!
Nanginginig ako sa takot habang Nagsasalita na wala akong kasalanan, Wala akong kasalanan..Wala,Wala akong kasalanan,Oo tama kasalanan niya,Siya nauna hinila niya ako tama, Pinagtagol kolang sarili ko..Wala akong kasalanan! Please maniwala ka!Wala talaga akong kasalanan..
Hindi!Hindi magagalit si lander sa akin dahil wala akong kasalanan, Wala talaga Akong kasalanan lander, Huhuhu hindi ko na kinaya at gusto ko nalang magwala,Hindi naman mangyayari yon Kong hindi niya ako ginising eh,Kong sana naniwala nalang siya sa sinasabi.ko hindi kami hahantong sa ganon..
Sa sobrang pagiisip hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako, Hindi ko alam ilang oras na akong tulog Dahil sa lalim ng tulog ko hindi ko na namalayan ang pag dating ni lander,Sabi niya kanina bago umalis maguusap kami..
Dahan dahan ako bumaba,Para hindi makalikha ng ingay, Ingat na ingat ako habang pababa baka kasi nandito lang si lander,Isang hakbang nalang ng biglang napahinto ang isang paa ko sa paghakbang ng may Nagsalita sa likod ko,"
Saan ka pupunta? Vivian!!
Huh?
Ano-Ku-Kuwan kakain lang gutom ako tama, Hahaha..
Nang ganyang kilos?Daig mo pang magnanakaw ayaw mong makalikha ng ingay?Takot kaba?O nagiguilty dahil sa ginawa mo sa mama mo?
Huh?Bakit ak-Ako mag-Guilty?Wala akong kasalanan lander, Promise.. Nagising nalang ako sa katok niya galit na galit, Sinabihan niya akong layuan ka,Pinaamin niya ako pero syempre hindi ako umamin, Hanggang nagalit siya hinila niya ako lander,Dahil gusto kong kumawala at ng nakawala ako sa paghila niya sa buhok ko,doon na siya natumba..
Aksidente ang nangyari,Hindi ko ginusto,Kahit naman ganun kapatid ko pa yon kahit galit ako kay mama hindi ko kayang gawin yon sa Kapatid ko..
Pero iba ang sinabi niya!Sinadya mo raw itulak siya para makunan siya!Ikaw daw nauna, Vivian huwag ka ng nagsinungaling,Alam ko naman ayaw mo sa pinagbubuntis ng mama mo dahil sa akin,At lalong lalo na hindi kayo magkasundo,Pero sana naman para nalang sa bata nagpakumbaba ka sana dahil alam mo buntis ang mama mo!
Hindi ko na alam kong sino ang paniwalaan sa inyu,Pero gaya ng sabi ko buntis ang mama mo,Masilan ang kalagayan niya dahil narin sa dinugo na siya noon,Isa nalang Vivian,Isa beses nalang na duguin pa ang mama mo,Maari na siyanh makunan...
Sana isantabi mo muna yang galit mo sa kanya,kong maari lang kong makita mo siya umiwas kana, Hanggat maari huwag na muns mag cross ang landas nyu,At dahil jan ako na ang gagawa ng paraan dahil alam ko naman hindi matatahimik..
Tang ina bakit ba kasalanan ko pa,hindi naman ako mang aaway kong hindi siya nauna,Hindi ko pa nga inamin eh,Paano na kaya kong aaminin ko.. kinabahan man pero kailangan kong magpakatatag ano man ang sasabihin niya kakayanin ko.
Ilalayo ko muna ang mama mo,Sa probinsya muna kami kong saan ang nanay ko, Hanggang sa makapanganak siya, Kailangan niya maging ligtas..
Huh?Sige Kong yan ang gusto mo,Sana maging masaya ka sa desisyon mo..
Paano pala ang trabho mo?
Magle leave ako ng ilang buwan para sa mama mo,Para maalagaan ko sila, Huwag mong pabayaan ang sarili mo vivian..
Umiwas ako ng tingin dahil baka biglang tutulo ang luha ko,Bakit ang sakit wala naman siyang sinabi na hiwalay na kami at pinipili niya si mama,Paano ako?Parang ganun narin yon..
Huwag kang maglala sa allowance mo,Ako na ang bahala sa lahat,Basta magaral kalang!
Hindi mo ako responsibilidad! Intindihin mong magina mo!Okay lang ako..Sige na nagugutom na ako..
Vivian please,Ngayon lang intindihin mo naman ako,Hindi ko rin naman gustong iwan ka,Pansamantala lang ito v.Please...
Umalis kana!Ayos lanh diba?Wala tayong relasyon lander, kaya malaya kanb umalis kahit saan mo gusto,"
Mahal kita v,Totoo.. Hindi ko alam kong kaylan,Basta alam ko mahal kita.
Hindi kita mahal!!!
©M.A Stories