Keizha's POV Sinubukan ni Calix na akbayan ako pero ako na ang umiwas dahil naiilang ako dito. I don't know pero nakakaramdam ako ng iba dito kahit alam kongm abait dito lalo at wala itong ginawang anumang malisya sa akin o kabastusan. Pero I can sense something that makes me feel weird about him. O baka ako lang itong feeling weird ngayon at nag-iisip ng kung ano at napapraning dahil sa mga nangyari at lahat ay pinag-iisipan ko ng masama. Ganoon pa man ay ayokong maging ganoon kalapit sa kanya sa ganitong sitwasyon na hindi pa ako nakakmove-on at hindi ko alam kung hanggang kailan. " Umuwi ka na, Calix. Alam kong hindi ka pa gaanong nakakapagpahinga at may pasok na tayo bukas. Pero baka hindi muna ako makapasok at magpapahinga mu