Chapter 11

2066 Words

Matapos kumain ay nag-toothbrush lang si Keizha at humiga na para magpahinga. Mula ng kumain sila kanina at hanggang ngayon ay hindi niya masyadong pinagkikibo si Aaden dahil nahihiya pa rin siya sa nangyayari. Sa tuwing mapapatingin siya rito ito ay nag-iinit ang kanyang mga pisngi. Kaya naman iniiwas niya ang pagtingin dito lalo na ang mapatitig sa mga mata nito. Hindi niya alam kung napapansin ba ito ni Aaden. Pero noong gusto niya ng umakyat ng kwarto ay hindi siya naglakas loob na magpaalam sa lalaki at basta na lang itong tinalikuran. Isang oras na siyang nakahiga sa kama habang nakatulala at pilit hinahanap ang antok pero ayaw siyang dalawin nito. Napabuntong hininga na lang siya.                           Ramdam niya ang lamig ng aircon ng kwarto. Halos manginig na ang laman niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD