Prologue

1539 Words
ALLESA Philippines "ITO BA ANG GUSTO MO?" Halos matulig ako sa lakas ng boses ni Josh nang itanong iyon. "Sa tingin mo ba mawawala ang galit ko sa'yo dahil dito?!" Inisang hakbang nito ang pagitan namin at mariin akong hinawakan sa aking balikat sabay salya sa akin sa kama. Napaigik ako sa sakit nang tumama sa gilid ng kama ang balakang ko pero kahit nakita niya akong nasaktan ay hindi man lang nagbago ang bangis ng mukha nito. "J-Josh..." Naiiyak na sambit ko habang nakatingin sa nag-aapoy sa galit nitong mga mata. At kung nakamamatay lamang iyon marahil ay kanina pa ako bumulagta sa sahig. "Ito ba ang gusto mo, ha?" Nanlaki ang mga mata ko nang gigil nitong haklitin ang damit ko. Napunit niyon at hindi ko malaman kung paano tatakpan ang dibdib ko na tanging bra na lamang ang tumatakip. "J-Josh..." Nanginginig ang boses na sabi ko. "Josh, please..." Hinawakan nito nang mariin ang panga ko. "Please what? Huh?" "N-Nasasaktan ako, Josh." Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng dalawang butil ng luha. "Nasasaktan ako." Marahas nitong binitawan ang panga ko at itinulak ako pahiga sa kama. "Josh!" Lalong nanlaki ang mga mata ko nang marahas nitong haklitin ang bra ko dahilan para ma-expose ang kahubdan ko. Pinanlamigan ako ng buong katawan nang makita ang pagnanasang rumehistro sa madilim nitong mukha. "Josh!" Walang anu-ano'y sinunggaban nito ang mayayaman kong dibdib at gigil na kinagat. "Josh, 'wag!" Madilim ang mukhang tumunghay ito sa akin. "Huwag? Why? Hindi ba't ito ang dahilan kung bakit nandito ka sa unit ko? Hindi ba't ito naman ang gusto mo?" "Josh, hindi--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang muli nitong siilin ng halik ang mga labi ko. Halik na walang halong pag-iingat at pagmamahal, purong pagpaparusa ang halik na iyon. Nanulak ako. "Josh, ano ba?!" Hinuli nito ang magkabilang pulso ko at dinala iyon sa ulunan ko habang patuloy sa marahas na paghalik sa akin. Nababastos na ako sa ginagawa nito pero hindi ako makapalag kahit anong piglas ko. Bukod sa hawak nito ang pulsuhan ko ay inipit din nito ang mga binti ko para hindi ako makapanadyak. "Josh, please! Ano ba?" Iniiwas ko na lang ang mukha ko. "Ito naman ang gusto mo, hindi ba? Kung hindi, anong ginagawa mo rito sa unit ko?" Puno ng sarkastikong sabi nito habang nakadagan ang buong bigat sa katawan ko. "Gusto ko lang mag-sorry. Hindi ko sinasadyang saktan si Alexa, Josh! Hindi ko alam na kapatid mo siya... Akala ko siya ang dahilan kung bakit lalo kang nanlamig sa akin. Hindi ko alam na kapatid mo siya, hindi ko alam..." Imbis na maawa siya sa akin dahil tuluyan na akong napaiyak ay lalo lang dumilim ang mukha nito. "Nanlamig? Hindi ba't ikaw ang nakipag-call off sa akin noon at basta na lang umalis?" "Yes, u-umalis ako dahil nanlamig ka. Nawalan ka ng oras sa akin at akala ko may iba na dahil palihim kang nakikipagkita kay Alexa..." "Kaya gusto mo siyang patayin?!" Nagimbal ako sa tahasang paratang nito sa akin. "Kung hindi ako dumating ng oras na iyon, baka patay na ngayon si Alexa! Baka pinaglalamayan na ngayon ang kapatid ko dahil sa'yo!" Muli akong napaigik nang hawakan nito ang leeg ko at sakalin. "Kahit ibigay mo sa akin ang katawan mo, hindi magiging sapat iyon para mawala ang galit ko sa'yo. Inilagay mo sa peligro ang buhay ng kapatid at pamangkin ko! At kapag namatay ang kapatid ko, hinding-hindi kita patatahimikin! Hinding-hindi!" "J-Josh..." Kinakapos na ako ng paghinga pero hindi nito binitawan ang leeg ko. "H-Hindi na a-ako m-makahinga..." Hanggang sa unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko. Inakala kong katapusan ko na ng mga sandaling iyon dahil unti-unti na ring nagdidilim ang paningin ko. "J-Josh." Parang hangin na lang na lumabas sa bibig ko ang salitang iyon. Tila doon natauhan si Josh at mabilis na binitawan ang leeg ko. Umubo ako nang umubo habang sapo ang dibdib. "Allesa!" Bakas ang kalituhan sa mukha nito nang makitang habol ko ang paghinga ko habang umiiyak. Nasa mukha rin nito ang kagustuhang hawakan ako pero hindi nito ginawa. "Shlt!" Malutong na mura nito. "Shlt!" Walang tigil sa pamamalisbis ang mga luha ko habang naghahabol pa rin ng paghinga. Hindi ko na alintana ang kahubdan ko ng mga sandaling iyon dahil sa labis na takot. Puno ng kalituhan ang mukha nito at kapagkuwa'y gigil na sinabunutan ang sarili bago nagmamadaling umalis ng kuwartong iyon. Pagkalabas na pagkalabas nito ay doon ko pinakawalan ang hagulhol ko. Hinila ko ang kumot at nanginginig ang kamay na itinakip iyon sa katawan ko. Pakiramdam ko isa akong basura ng mga sandaling iyon. Iniyak ko na lang nang iniyak ang sakit. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong estado bago ko naramdaman ang pagbukas ng pinto at ang yabag papalapit sa akin. Nag-angat ako ng mukha. "Drink this," malamig na utos ni Josh sabay abot ng isang basong may tubig. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon at ininom. Nakaramdam ako ng kaginhawahan dahil doon. Awtomatiko akong napaatras nang tangkaing hawakan ni Josh ang mukha ko. Bigla akong natakot na baka sakalin niya ulit ako. "What I have done..." Hindi ako nakahuma nang walang anu-ano'y yakapin niya ako at siilin ng halik. Sa pagkakataong iyon ay iba ang paraan nito ng paghalik, masuyo at walang halong pagpaparusa o gigil. Banayad ang galaw ng mga labi nito. Hanggang sa hindi ko na napaglaban ang sigaw ng damdamin ko. Kusa akong tumugon at nagpaubaya sa lalaking mahal ko. Saan man kami dalhin ng init na aming nararamdaman ay nakahanda ako. Kaya nang ihiga niya ako sa kama ay nagpatianod na lamang ako at tinanggap ang bawat kapusukan ni Josh. Sa kabila ng ginawa nito sa akin kanina ay buo ang loob ko na gawin ang lahat para makuha ang kapatawaran nito at muli akong tanggapin sa buhay niya. "Josh..." Kusang nanulas sa bibig ko ang impit na ungol nang sakupin ng malapad nitong palad ang dibdib ko. Iniwan nito ang labi ko at bumaba iyon sa leeg ko patungo sa dibdib ko. Mariin akong napapikit upang namnamin ang kakaibang kiliting hatid ng mainit nitong labi at maharot na dila. He sip it, then he sucked it, habang patuloy ang palad nito sa pagsamba sa isa pang dibdib ko. "J-Josh!" Ang takot na nadarama ko kanina ay tila tuyong dahon na kaagad inilipad ng hangin. Kasabay ng mahihina kong daing at ungol ay tila inaalon ang aking katawan na napapaigtad, napapasunod sa bawat kapusukan ng palad nito. "Josh..." paos na sabi ko dahil damang-dama ko ang sumisingaw na init mula sa katawan nitong nakadagan sa kahubdan ko. At sa isang iglap, natagpuan ko na lamang ang sarili kong alipin nito sa ibabaw ng kama. Tuluyan ko nang isinuko ang buong pagkatao ko sa lalaking hindi ko na alam kung ano ang tunay na nadarama para sa akin. Kung mahal pa ba niya ako o kung puros tawag na lang ng laman ang nangyayari sa aming dalawa ngayon. Ngunit anu man ang dahilan niya ay masaya akong ipagkaloob sa kaniya ang aking sarili dahil mahal na mahal ko siya. "Allesa!" "Josh!" Sabay na sambit namin sa pangalan ng isa't isa habang magkahugpong ang mga katawan. Pabaling-baling ang aking ulo na tila ba nahihibang sa lagnat. Ang mga palad ko'y nagsimulang maghagilap ng makakapitan dahil sa pakiramdam na tila ba mahuhulog na ako sa kung saang kailaliman. Ang sapin ng kama ang nahagilap ko. Doon ako kumuha ng lakas. "J-Josh... Oh!" Tila mababaliw na ako sa walang kasingsarap na pakiramdam ng mga sandaling iyon. I don't care anymore kung anu man ang isipin niya sa akin ngayon. "Josh!" Gahol na napahawak ako sa magkabilang braso ni Josh nang tuluyan niya akong dalhin sa rurok ng kaligayahan. Mayamaya nama'y naramdaman ko na ring sumunod si Josh sa akin at nanigas sa ibabaw ko. Wala kaming imikan na parehong naghahabol ng paghinga at kapagkuwa'y muling inangkin ang isa't isa. Hindi ko alam kung gaano katagal naming pinagsaluhan ang mainit na sandaling iyon dahil wala akong ibang nasa isip noon kundi ang bigyang laya ang pagmamahal ko para kay Josh kahit hindi ko na alam kung mahal pa niya ako. At nakuha ko ang sagot kinabukasan, nang magising ako na mag-isa na lamang sa gitna ng kama. Walang bakas na naroon pa ang lalaking pinagbigyan ko nang lahat-lahat. Yes. He left me. Sa kabila ng pananakit ng aking katawan ay pinilit kong bumangon at ayusin ang aking sarili. Sandali akong natigilan habang nakaharap sa malaking salamin nang mapatingin ako sa leeg ko at makita kong may pasa iyon. Alam kong dahil iyon sa pagkakasakal ni Josh sa akin. Wala sa loob na hinimas ko ang leeg ko. Muling nag-init ang mga mata ko dahil sa pagdagasa ng mga nangyari kagabi. I'm sorry, Alexa... I'm really sorry..." Suot ang damit na suot ko kagabi ay umalis ako ng unit ni Josh na sobrang bigat ng pakiramdam. Dahil ang pag-iwan sa akin ni Josh ngayon ay isang palatandaan na wala lang dito ang namagitan sa aming dalawa kagabi. Umantak ang puso ko pero pinigilan kong umiyak. Alam kong malaki ang kasalanan ko kung bakit ginaganito niya ako ngayon, kung bakit nawalan siya ng amor sa akin. At nauunawaan ko siya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD