CHAPTER 3

1027 Words
Chapter 3: Interest YRON's P.O.V Nasa kalagitnaan na ko ng tulog ko nang maalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa may sala kaya naisipan kong bumangon ng makita kong 12 AM na ng hating gabi. Napabuntong hininga akong bumangon saka lumabas ng kwarto ko ng makita kong nasa sala sila Yros, Chiko at Kianna. Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan ng makita kong masaya silang tatlong nagkwe-kwentuhan. "Di mo sinabi sakin na madaldal pala 'tong kapatid mo hon," natatawa na turan ni Chiko kaya naman nakita kong napahagikgik si Kianna. "Sinabi mo pa, pero matanong nga kita Ana... Inaway kaba ni Yron kanina?" sabi ni Yros na para bang nag-aalala. Nakita kong namula ang mga pisngi ni Kianna saka napangiti. "Mali ako ng akala ko Kuya Yros... Mabait naman pala si Kuya Yron eh kahit di halata." sinserong sabi niya ng makita kong magkatinginan ang magkasintahan. "Paano mo naman nasabi? Di mo ba alam na sobrang snobero nung kuya Yron mo?" takang sabi naman ni Chiko. Nakita ko ang sunod-sunod na pag-iling ni Kianna na para bang kumokontra sya. "Iba naman ang nakikita ko kay Kuya Yron eh. Kahit na mukha syang nakakatakot dahil sa pagiging suplado at cold niya iba padin ang pinapakita't pinaparamdam nya sakin ang gwapo nga niya eh!" kinikilig na sabi ni Kianna dahilan para kumawala ang mga ngiti sa labi ko at saka sila pinakatitigan. "Uy wag mo sabihin na mas gusto mo pa si Kuya Yron mo kaysa sakin Ana." parang batang nagtatampong sabi ni Yros sa kanya. "Hindi naman Kuya, kaso mas gwapo talaga si Kuya Yron kaysa sayo eh hihi." bumubungisngis sya ng sabihin ang mga yun kaya na tawa ako ng mahina na para kong baliw na tumatawa mag-isa. "Alam mo Kianna, sa tingin ko ikaw ang kauna unahang babaeng mapapalapit sa puso ni Twin." sabi ni Yros kaya naman natahimik si Kianna. "Bakit Kuya? Pansin ko nga din eh wala syang girlfriend... Anong meron kuya? Torpe ba si Kuya Yron?" curious na sabi ni Kianna kaya natawa si Chiko at Yros sa sinabi niya. "Hindi ah, ang totoo nga nyan eh mas marami pang babae na dinedate yun kaysa sakin. Loyal kasi ako sa Ate Chiko mo kaya nga lang si Kuya Yron mo kasi wala sa bokabularyo nun ang magseryoso sa isang babae. No strings attached kumbaga." sabi ni Yros kaya parang nakaramdam ako ng hiya. Gusto ko sanang sapakin si Yros para matigil sa paninirang puri niya sakin! Sinasayang nya ang good image ko kay Kianna eh tsk. "Baka naman kasi di pa talaga naiinlove si Kuya Yron, Kuya kasi sinabi ni Mommy sakin malalaman mo lang na in love ka sa tao pag bumibilis ang pagtibok ng puso mo sa kanya kapag namimiss mo sya tapos kapag nakakaramdam ka ng mga paru-paro na nagliliparan sa loob ng tiyan mo." sabi ni Kianna kaya naman napaisip ako. Is it possible that I'm falling in love with our step-sister? Damn it! This can't be happening. Dang! "Ang talino mo siguro Ana, ganyang-ganyan ako sa Ate Chiko mo eh pero sabagay may punto ka di pa siguro nahahanap ni Twin ang makakatapat niya." natatawa na sabi ni Yros. Nakita ko namang napabaling si Yros kay Kianna at saka muli itong nagsalita. "Kianna kung papayagan kitang mag boyfriend anong klase ng lalaki ang gusto mo?" nakangiti na turan ni Yros. Gusto ko tuloy magpasalamat kay Yros dahil napakainteresting ng tinanong niya kay Kianna. "Hmm, gusto ko yung marunong magluto, gwapo, may abs, hindi masyadong sweet, yung ginugulo ang buhok ko at yung magpupunas ng mga luha ko." nakangiti na turan ni Kianna. Di ko alam kung bakit umabot ng hanggang tenga ang ngiti ko. Pakiramdam ko kasi ako talaga yung tinutukoy nya eh. Ang sarap lang sa pakiramdam, hindi ko pa kasi nararamdaman 'to kahit kailan ngayon lang talaga.  "Hmm, good job Ana mukhang magaling kang mamili ng lalaki haha. Pero maiba tayo, kailan ba ang birthday mo?" sabi ni Yros kaya naman lalo kong napatitig sa kanila. "September 12 kuya." nakangiting turan ni Kianna kaya naman natigilan ako. Sa susunod na buwan na ang birthday niya. "Eh ano namang gusto mong regalo sa birthday mo?" sabi ni Yros. Nakita ko namang lumawak pa ang ngiti nito sa labi. "Basta stitch na bagay okay na sakin kuya... Pero mas maganda kung phone yung makuha kong gift tapos may phone case na stitch." sabi ni Kianna kaya naman agad kong tinype yun sa notes ng phone ko.  "Edi ang magiging theme ng birthday mo stitch din? Pati yung cake mo stitch din ganon ba?" natatawa na turan ni Yros tumango-tango naman si Kianna habang tumatawa. "Eh kuya kailan kayo ikakasal ni ate Chiko?" takang tanong naman ni Kianna sa kanilang dalawa. "Di pa namin alam eh, wala pa kaming stable career. Pero pag kinasal kami ikaw ang gagawin naming bridesmaid ng ate mo." nakangising turan ni Yros. Nakita ko namang napangiti din si Kianna. ** Umabot ng 3 AM ang pag-uusap nila at ng makita kong nagsipasok na sila sa kanya kanyang kwarto nila ay pumunta ako sa kwarto ni Kianna. Kumatok ako don dahil nakasara at nakita kong bumukas yun kasabay nun ay niluwa si Kianna mula sa loob. "K-kuya Yron? M-may kailangan kaba?" nagaalinlangang tanong ni Kianna sakin kaya naman napailing ako at seryosong tiningnan sya. "Can i sleep here? I can't sleep in my room because my aircon is broken." sabi ko kaya naman napayuko si Kianna bago tumango. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya puro stitch nga ang nasa loob. Maski ang pintura sa ding ding ay stitch art. Pati ang pintuan niya ang may mukha ni Stitch.  "Kuya sa sahig ka nalang ah?" sabi ni Kianna saka nahiga ng patalikod sakin sa kama ngunit ngumisi ako saka tumabi sa kanya at niyakap siya sa baywang. Napaharap siya sakin at muntik ng maglapat ang mga labi namin kaya napalunok ako dahilan para gumalaw ang adams apple ko. Nakita kong titig na titig din sya sakin. "Can you allow me to sleep here in bed beside you?" sabi ko sa kanya. Nakita ko kung paano ang mukha niya saka pumikit. "S-sige." sabi niya sakin saka ako niyakap sa bewang ko. Pinaunan ko sa kanya ang braso ko saka siya sumiksik sa leeg ko. This will be great. I will sleep well. --- To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD