TANGHALI na nagising si Ella, kinabukasan. Napangiti din siya, dahil namulatan niyang nakatingin sa kanya si Caleb. Hinahawi ng lalaki ang nagsabog niyang kulot na buhok, upang matanggal ito sa pagkakatakip sa kanyang mukha. "Wake up, sleeping beauty..." Malamyos ang tinig ni Caleb na pagbati sa asawa. Nakangiti din siya, habang nakatunghay sa mukha ng asawang naka tagilid ng higa. Makayakap ito sa unan na ibinigay din kanina sa kanya ni Caleb. Wala pang suot si Ella, dahil hindi na siya nakapagdamit kagabi. Umisa pa ang asawa kaninang madaling araw, kaya muli siyang nakatulog ng mahimbing, dahil sa pagod. "Aalis ka?" Tanong ni Ella sa asawa, dahil nakita niyang nakabihis na ito ng damit pang opisina. "Yes, honey. May meeting ako mamayang hapon, kaya kailangan ko nang pumasok sa offi