Chapter 3

1921 Words
"OH, BA'T GANYAN ang mukha mo? Mukha yatang tumakbo ka ng ilang metro. Tapos late ka pa, ah? Saan ka ba galing?" salubong agad sa akin ni Marce. Katabi niya ang kaibigan pa naming dalawa na bakla na si Cardoy. Inis kong inilapag ang bag ko sa aking upuan at pasimpleng nakinig sa lektyur ni Mrs. Ventura ang guro namin sa asignaturang Matematika. Umirap ako sa hangin saka busangot na tinapunan sila ng tingin. Papaano ba naman kasi at bumalik na naman sa isip ko ang nangyari sa akin kanina sa kagagawan ng lalaking Enfakid na iyon. Kung magkikita talaga kami, pinapangako kong makakatikim siya ng isang suntok mula sa akin. Nakakabanas ang ugali, akala mo kung sinong gwapo. Pumuti lang naman siya! "Ay, naku 'day. Sa itsura mo na iyan mukhang makakapatay ka na ng tao. Huwag kami ni beshy," biglang sabi ni Cardoy sabay paypay ng hawak nitong pamaypay. "May electric fan na nga, Cardoy. Nagpapaypay ka pa diyan?" sita sa kanya ni Marce. Umirap naman ang bakla saka hindi pinansin ang isa. Ako naman ay nakinig na kay Mrs. Ventura. Mahirap na ang walang masagot mamaya kapag magtanong siya. Bahala na ang gatas na maputing iyon. Makakaganti rin ako sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Tingnan natin! "Ngayon, pwede mo na sa amin ikwento ni Cardoy ang nangyari sa iyo kanina, kung bakit ka na-late." "Huwag mo nga akong tawaging Cardoy, Marce! Ang bantot eh! Mas okay na ang Cary!" reklamo ni bakla habang nagpapaypay pa rin. Nasa bench kami rito sa mini plaza ng school namin. Dito ang tambayan namin sa tuwing wala kaming klase, o kaya naman ay kung break time. Inilapag ko ang coke sa mesa matapos kong maubos ang laman niyon. Bumuga ako ng hangin mula sa aking bibig saka napapikit. Pinapakiramdaman ang hangin na dumadampi sa aking pisngi. "Kahit ano pa man ang itawag ko sa iyo, bakla. Lalaki ka pa rin! Makakabuntis ka pa rin ng babae dahil wala kang matres! Narinig mo iyon? Walakang matres, lalaki ka! Kaya tama na ang pagiilusyon mo diyan!" sigaw na ganti naman ni Marce sa kaharap. Napapikit ako nang mariin. Naririndi ako sa sigaw nilang dalawa. Minsan nagtataka ako kung bakit ko naging kaibigan itong dalawa na'to. Kasi ang isa sa pinakaayaw ko sa lahat ay ang maingay. Pero heto at napunta ako sa maiingay na ito. Si Marce ay nakilala ko siya noong unang araw ko rito sa senior high. Siya ang unanv limapit sa akin noon, dahil nga transferee ako, hindi ko pa kabisado ang bawat room noon. At ang swerte ko dahil pareho kami ng seksyon. Sa araw na iyon naging kaibigan ko siya. Hanggang umeksina si Cardoy na walang ibang ginawa kundi magpapansin sa amin ni Marce. Iyon pala magpinsan silang dalawa. And that is how our friendship start. "Pwede ba. . .huwag kayong magsigawan diyan. Para kayong mga bata, ang tatanda niyo na." Natahimik naman silang dalawa pero matatalim ang tingin sa bawat isa. Napabuga ulit ako ng hangin at pinili na lamamg na maging tahimik. Sigurado akong magbabato rin silang dalawa niyan mamaya at magpapansinan. "Idlip muna ako ng saglit. Gisingin niyo na lang ako kapag oras na ng sunod nating klase," sabi ko sabay hikab. Kailangan kong umidlip kahit na saglit lang. Kulang ang tulog ko kagabi dahil sa paglalako ng balot. Iyon palagi ang gawain ko. At marami pa. - "Oy! Milkita! Gising ka na! Next class na natin!" Niyugyog ako sa balikat nila Marce at Cardoy. Dumilat naman ako at agad na inayos ang sarili. Napatingin ako sa orasan at mayroon pa pala kaming labinglima na minuto, para makapunta sa room namin bago magsimula ang klase. Huminga ako nang malalim saka tumayo na sa aking kinauupuan. "Hali na kayo," anyaya ko sa kanilang dalawa na agad naman nilang pinaunlakan. Mabilis ang lakad naming tatlo. Para bang may hinahabol kami na kiumg ano. "Ano ba bakla! Bilisan mo diyan! Huwag ka nang pabebe!" sigaw ni Marce sa pinsan na parang binitiwan na pagong. Napailing ako, "Bilis! Male-late tayo sa klase!" sa halip na dagdag ko. Binilisan naman ni Cardoy ang paglalakad nito pero nasa hulihan pa rin siya. Pagkarating na pagkarating ko sa room namin agad na may lumapit sa akin na isa sa kaklase ko. Ang lapad ng ngiti nito at nagniningning ang mga mata. Si Vangie, isang babae na sa tingin ko ay may gusto kay Cardoy. Hindi naman kasi maikakaila na gwapo ang pinsan ni Marce, pero bakla nga lang. Iyon lang ang problema. "Milkita! May naghahanap sa iyo, ang gwapo!" tili nito na isinama pa ang paglukso. Napakunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahan na bibisita sa akin ngayon o may pupunta man. "Sino?" malamig kong tanong. Lumabas ito ng room namin saka hinila ako at pinasunod ako sa tinuturo niyang direksyon. Sa bulletin board. Na pinapalibutan ng mga kababaehan at ganoon rin ang mga kalalakihan. "Diyan siya, Milkita. Naghihintay pa siya sa iyo kanina diyan. Si 'Kid' raw siya. Ang gwapo, Milkita! Sabihin mo naman sa akin kung saan mo nabingwit iyon!" Mas lalong kumunot ang noo ko. Sinong Kid? Napatingin ako sa bulletin board. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang humawi ang mga nagkukumpulang mga kababaehan at paraanin ang taong hinahanap ako. "Milkita Salazar! Finally, I found you!" Shit! Anong ginagawa niya rito?! *** NAPAUPO ako sa gilid ng kalsada habang nakatanaw sa mga sasakyan at mga taong dumadaan. Mga ugong ng sasakyan ang aking naririnig. Mga sigawan ng mga batang palaboy sa gilid ng kalsada. Naamoy ko ang iba’t ibang usok ng mga gasolina mula sa mga sasakyan at pabrika. Napahinga ako nang malalim habang tinatanaw ang buong paligid ng syudad rito sa Nestle Village. Hinawakan ko ang dalawang basket ko na may laman pang ilang balot. Huminga ulit ako nang malalim. Hindi ako makakauwi hangga’t hindi ko pa nauubos na itinda itong lahat. Tumingin ako sa orasan kong suot at napapalatak nang makita ko kung anong oras na. Pasado alasiete na ng gabi. Kaya pala kanina pa kumakalam ang tiyan ko sa gutom dahil hindi pa pala ako kumakain. Hindi ko naman pwedeng bawasan ang balot na tinitinda ko dahil bilang lahat ni tiyo ang laman ng dalawang basket na ito. “Kung minamalas ka nga naman,” palatak ko habang napapakamot sa aking ulo. Wala pa akong dalang pera para pambili man lang ng lugaw o tinapay. O kaya pambili man lang ng kwek-kwek o fishball. Bakit hindi ko na lang dinala ang bente pesos na natira sa pera ko kanina? Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan saka tinanaw ang mahabang kalye. Pinagmamasdan ang mga taong nagdaraan sa aking harapan. Pero ni isa sa kanila hindi ako pinapansin. Buti na lamang at may isang māmā kanina na bumili ng napakaraming balot na paninda ko. “Balot! Balot!” sigaw ko habang naglalakad na. “Balot! Balot kayo diyan! Balot!” Napahawak ako sa aking tiyan nang tumunog ito dahil sa walang laman. “Makisama ka naman. . .” Tumingin ako sa kabilang kalsada. Natanaw ko ang plaza. Nakakamangha ang ganda niyon, lalo na at punong-puno ng ilaw ang maliit na garden. May bench na nakakalat sa lugar. Iba’t ibang klase ng mga tao ang naroroon. Mayroong magpamilya, mag-jowa, magkaibigan, mga bata , estudyante at mga matatanda. Naghahanap ng peace of mind sa Plaza de Nestle. Lakas loob akong tumawid sa malapad na kalsada papunta sa plaza. Panigurado akong may bibili sa paninda ‘kong balot dahil sa mga taong nakatambay ngayon rito. “Balot! Ba—” Nanlaki ang mga mata ko nang may dalawang lalaki sa magkabilaan ‘kong gilid na tumayo. Ang isa ay nakamasid sa paligid habang ang isa ay nakatuon sa akin ang pansin habang may kutsilyong hawak-hawak. Nakatutok iyon sa aking gilid. Napasinghap ako at napalunok ng ilang beses ng aking sariling laway. Wala na nga akong kinain! Mabibiktima pa ako ng holdap! “Ibigay mo sa amin ang pera mo,” bulong ng lalaking may hawak na kutsilyo. Naka-jacket sila ng itim at puti. Ang isang nakamasid sa paligid ay katamtaman ang katawan. May kulay itim na cap itong suot samantalang ang kasama niya ay wala. mabigote naman ang lalaking may kutsilyong nakatutok sa akin. Medyo nasa mid of 40’s na rin silang dalawa sa tiyantya ko. Gusto kong humingi ng tulong. Pero naunahan ako ng takot. Nawalan ako ng lakas at nanghihina ang mga tuhod ko. Pati mga kalamnan ko’y nanginginig. “M-maawa po kayo sa akin, wala po aking pera. Kailangan ko po itong ibigay sa tiyo ko,” pagmamakaawa ko sa kanila. Hindi ko napansin na sa mga oras na iyon ay tumutulo na pala ang mga luha ko dahil sa kaba at takot. Mas diinan ng lalaki ang kutsilyong hawak nito sa aking tagiliran. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko na ang matulis na dulo ng kuktsilyo sa aking balat. “Sumunod ka sa amin. Pupunta tayo sa likod ng plasa,” mahinang sambit ng lalaking nagmamasid sa paligid. Sumenyas ito na magsimula nang lumakad. Para sa kasiguraduhan ng aking buhay ay pinilit kong sumunod sa kanila hanggang sa likod na kami ng plasa. “Ibigay mo na ang pera mo, Miss. Para wala nang problema pa.” Pikit mata akong hinugot ang maliit na pitaka sa aking bulsa saka nanginginig ang kamay kong iabot sa kanila. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko at sa paghikbi. “Huwag mo sa kanila ibibigay, magiging tamad lang sila niyan.” Napalingon kaming tatlo sa pinagmulan ng boses na iyon. Mula sa madilim na parte sa likuran ng plasa ay unti-unti ko na ring naaninag ang mukha niya. At ganoon na lamang ang pagkasinghap ko nang makita siya. “Enfakid. . .” Tumawa ang lalaking may hawak na kutsilyo. “Hahaha! Aba bata! Ang lakas ng loob mo, ah! Kilala mo ba itong babaeng ‘to? Anong akala mo sa amin, matatakot sa iyo?! Hahaha!” Ngumisi si Enfakid na siyang nagdala sa akin ng kilabot sa buong katawan. Hindi ko alam kung totoo o guni-guni ko lang ba ang pag-aalalang aking nabasa sa mga mata ni Enfakid nang tingnan niya ako. “Bitawan niyo siya...” Puno ng pagbabanta ang boses niya. Napalunok ako ng aking sariling laway. Umiling-iling sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na umalis na siya at huwag na akong alalahanin. Pero mukhang ayaw niya yata akong sundin. “Mamatay muna ang babaeng ‘to.” Akma na sana akong babarilin ng isa sa kanila nang agad na naagapan ni Enfakid nang lahat. Pero hindi iyon hinayaan ni Enfakid. Dali-dali niyang sinipa sa panga ang lalaking may hawal na kutsilyo sa aking tagiliran. Iyon ang dahilan para matumba ito sa lupa at mabitawan ang kutsilyong hawak. Napasinghapa ko nang atakihin pa siya ng isang lalaking nagmamasid kanina sa paligid. “Waaah!” sigaw ko dahil sa kaba. Nakipagbuno siya sa dalawa. Sipa at suntok ang pinapakawalan niya sa kaaway hanggang sa dumating ang mga tanod at hinabol ang dalawang lalaki kanina. Agad akomg lumapit kay Enfakid at inalalayan siya. May dugo pa siya sa gilid ng labi. Iyon lang ang galos niyang natamo at wala na. “Sira ulo ka ba?! Paano kung nasaksak at napatay ka ng mga iyon?!” sermon ko sa kanya. Nabitawan ko na ang dalawang basket ng balot ko. Ngumisi siya saka pinahid ang dugo sa gulid ng labi niya. Pinulot niya ang dalawang basket na dala ko kanina at hinila ako palayo sa plaza. “Ano ba?! Saan mo na naman ako dadalhin?!” Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa pulso ko pero hindi niya ako binibitawan. “You will going to heal my wound, Milkita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD