PROLOGUE
“Sergeant Rojales Bryle, reporting back, Sir. All members present and accounted for.” Matikas na sumaludo si Bryle sa kaniyang commanding officer.
“Masaya akong ligtas na nakabalik kayo ng team mo, Rojales.” Tinapik siya ni Major Emmanuel Gandoza sa balikat matapos nitong tugunin ang kaniyang pagsaludo.
“Thank you, Sir.” Nakangiti na ibinaba na niya ang kamay at tuwid na tuwid na tumayo.
“Ako ang dapat magpasalamat sa inyo dahil hindi niyo na naman ako binigo. Nailigtas ang probinsya ng Guadalupe mula sa terrorist threat dahil sa matiyaga niyong pagbabantay. Good job.”
“Thank you ulit, Sir.”
Isang ngiti ang iginawad sa kaniya ng nakakatandang opisyal. “Dahil diyan ay one-week muna kayong magpapahinga. Anim na buwan kayong naroon lang sa bundok kaya deserve niyo ang one-week na rest and recreation. Basta maging alerto lang kayo lagi sa maaaring pagtawag sa inyo kung sakali.”
“Copy and thank you, Sir!” Muli ay saludo ni Bryle sa major.
Ang ‘R&R’ o ‘Rest and Recreation’ ay isang panahon ng pahinga at oras para sa mga sundalo na makapag-relax, mapanumbalik ang kanilang lakas, at makapagkaroon ng personal na oras pagkatapos ng masusing trabaho sa giyera. Nagbibigay rin ng daan para sa mga sundalo na makipag-ugnayan sa kanilang pamilya, magkaroon ng sariwang karanasan, o makapagpahinga mula sa mga stress ng labanang kanilang nilampasan.
“You are dismissed, Sergeant Rojales.”
Hindi nagtagal ay nasa harapan na ni Bryle ng kaniyang mga kasamahang kawal. Matapos niyang ibahagi sa mga ito ang magandang balita na isang linggo silang out of duty ay tuwang-tuwa na nagkanya-kanya na ang lahat ng lakad.
“Sir, ayaw mo talagang sumama sa amin? Madaming chiks doon,” pag-anyaya pa sa kaniya ng isa.
“Hindi na. Hinihintay na kasi ako ng pamilya ko,” pero pagtanggi niya.
“Sige, Sir, kung gano’n. Mauna na kami.” Sumaludo ito sa kaniya na kaniya namang tinanguan.
Bumuntong-hininga siya pagkatapos at napailing habang tipid na nakangiti. Totoo kasi na balak niyang umuwi sa kaniyang nanay at mga kapatid. Ang pambabae ay nakakapaghintay naman kaya sa pamilya niya muna siya ngayon.
Matapos siyang magbihis ay nilisan na rin niya ang kanilang quarters. May mga gamit naman siya sa bahay nila kaya wala siyang dala kundi ang cellphone at wallet lang niya.
Dapit-hapon na nang halos marating niya ang lugar nila sa Batasan Hills, Quezon City. Pasakay na siya sa may tricycle sa may pilahan nang tumunog ang kaniyang cellphone. Sinagot niya muna iyon.
“Nasaan ka na, Anak?” ang nanay niya sa kabilang linya.
“Pasakay na ng tricycle, ‘Nay. Bakit?”
“Ah, wala naman. Gusto ko lang makatiyak na pauwi ka na nga. Akala ko’y niloloko lamang ako ng kapatid mo na nag-chat ka sa kaniya.”
Napangiti siya. “Huwag kang mag-alala, ‘Nay. Mayamaya lamang ay nandiyan na ako.”
“Sige, sige. Sakto at naluto ko na ang paborito mong sinigang na sugpo.”
“Sige po, ‘Nay.” At pinutol na niya ang tawag. Hindi niya masisisi ang kaniyang nanay kung sobrang excited ito na makauwi siya. Ilang buwan ba naman kasi siyang nawala. Siya pa naman ang paboritong anak ng nanay niya, kaya nga siya lang ang nakatapos sa pag-aaral.
Pinagsumikapan talaga ng nanay niya na makatapos siya kahit hirap sila sa buhay kaya naman ginagawa rin niya ang makakaya niya ngayon upang umangat siya, kahit na napakahirap at napakadelikado ang maging sundalo. Gusto niya ay maiahon niya nang tuluyan sa kahirapan ang kaniyang pamilya.
Isinuksok na niya ulit sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone, nga lang ay muntik na iyong mahulog nang bigla na lamang ay may bumangga sa kaniya mula sa likod.
Gulat na gulat at takang-taka siya na napalingon.
“S-sorry, Mister,” mahinang sabi ng babae pala. Nanghihina ang hitsura nito at namumutla ang mukha. Gayunman ay pumukaw pa rin sa kaniya ang kagandahan nito. A simple beauty that made him hold his breath for about a minute.
Nakalugay ang layered, shoulder-length na buhok nito. Wala ni anumang makeup na nakapahid sa mukha nito. Sigurado siya na natural ang mapulang labi nito na palagay niya ay kay lambot mahagkan. Maliit ang matangos nitong ilong. Mestiza at mamula-mulang kutis. Tapos…
Wake up, dumb ass! panggigising mismo sa kaniya ng sarili bago niya mai-describe ang lahat ng maganda sa mukha ng babae.
“Okay—”
‘Okay lang’ sana ang sasabihin niya dahil mukhang hindi naman sinasadya ng babae na mabangga siya subalit ay bigla na lamang itong nanlupaypay kaya hindi niya natapos.
“Oy!” At mabuti na lamang at nasalo niya ang babae kung hindi ay tuluyan na sana itong napahiga sa maduming daanang semento.
“Miss, okay ka lang?” nabahalang tanong niya habang inaalalayan ito.
Pipikit-pikit ang mga matang tumititig sa kaniya ang babae.
“Ano’ng nangyayari sa ‘yo? Gusto mo itakbo kita sa ospital?”
Mukhang tulad ng ibang tao ay allergic sa ospital ang babae kaya sunod-sunod ang ginawa nitong pag-iling. “A-ayos lang po ako. Sa-salamat po.”
Napakunot-noo si Bryle. “Pero hindi ka mukhang ayos?”
“Ayos lang po talaga ako.” Pinilit na ng babae na ayusin ang sarili. Kahit nanghihina ay iniiwas na nito ang katawan sa mga bisig niyang umaalalay rito. Sinikap nitong makatayo ng diretso.
“Hindi mo ako maloloko, Miss. Alam kong hindi ka okay kaya halika samahan kita kahit sa clinic lang. Magpa-checkup ka,” giit niya. Hindi siya mapapanatag kapag hindi niya makikitang totoong maayos ito.
Matapos humugot ng ilang hininga ay hinaplos ng babae ang tiyan nito. “Gutom lang ito. Hindi pa kasi ako kumakain,” tapos ay pag-amin nito.
Umawang ang mga labi ni Bryle. Mas tumindi ang naramdaman niyang awa rito.
“Naghahanap kasi ako ng trabaho kaya—” sasabihin pa sana ng babae pero hindi na niya pinatapos. Hinaklit niya ang isang kamay nito at hinila. “Sandali. Saan mo ako dadalhin, Mister?”
“Kakain tayo,” tipid na sagot niya.
“Naku, huwag na po. Ayos lang po ako. Iuuwi ko na lamang ito. Doon na lang po ako sa bahay kakain.”
Alam niya na nahihiya lamang sa kaniya ang babae kaya hindi niya pinakinggan. Hindi niya binitawan ang kamay nito. Hinila pa rin niya ito hanggang sa makarating sila sa isang sikat na fast food chain. Doon ay in-order-an niya ito ng pagkain at ng sarili niya.
Sabik na siya sa luto ng nanay niya pero para hindi aniya mahiya ang babae ay kakain na lang din siya.
“Mister, salamat pero sana hindi ka na lang nag-abala. Kaya ko pa naman sanang iuwi ang gutom ko,” sabi sa kaniya ng babae nang ilapag niya sa table na pangdalawahan na mga pagkain. Yukong-yuko ang ulo nito. Hiyang-hiya pa rin.
“Kumain na tayo,” tipid niya ulit na sabi. Umupo siya sa tapat nito at binuksan ang nakabalot na kanin.
Ginaya siya ng babae pero ilang sandali lang ay may sarili na itong kilos sa pagkain. Gutom na gutom na itong nilantakan ang nasa plato nito. Hindi na naitago ang labis-labis nitong gutom.
Namalayan na lamang ni Bryle na napapangiti na siya habang panay ang sulyap niya rito.
Namula naman ang mga pisngi ng babae nang mahuli siya nito. “Pasensiya ka na. Gutom na gutom kasi talaga ako. Wala kasi akong pera. Naghahanap pa lang sana ako ng trabaho.”
“Ayos lang. Kumain ka lang.”
Subalit mukhang nailang na ang babae. Ibinaba nito ang burger na kamuntikan na nitong kainin sana ng dalawang sabuan lang. Uminom ito ng soft drink pagkatapos ay tinitigan siya.
Nagkunwari naman na siyang abala sa pagkain.
“Sundalo ka pala?” pero mayamaya at tanong nito.
Nagtaka siyang nag-angat ng tingin.
Inginuso ng babae ang kaniyang dog tag na nakasabit sa kaniyang leeg. “Hindi ba sundalo kapag may kuwintas na ganyan?”
Tumango lamang siya bilang sagot.
“Ano’ng pangalan mo?” tanong pa ng babae.
“Ako si Bryle. Bryle Rojales,” hindi naman madamot na pakilala niya. Isa pa ay kanina na rin niya gustong malaman kung ano’ng pangalan nito. Tiyak niya na baka hindi siya papatulugin buong buhay niya kung sakali na magkakahiwalay sila mamaya na kahit pangalan nito ay hindi niya nalaman. Baka nga isumpa pa niya ang kanyang sarili. Ang kaso nauunahan siya ng pagkatorpe niya.
No doubt, her affection for the girl is undeniable.
“Ako naman si Leia Alteza,” pakilala rin nito. “May asawa ka na ba?” na sinundan nito ng mahinhing tinig pero brutal na tanong.
Kamuntikan tuloy masamid si Bryle. Hindi niya inasahan iyon. “Bakit mo natanong?”
“Napansin ko kasi na wala kang wedding ring?” tugon ni Leia habang namumula pa rin ang mga pisngi. Halatang hindi sanay na maging prangka, kitang-kita na pinipilit lang nito.
“Wala pa. Wala pa akong asawa,” nagtataka man ay sagot niya. Wala naman siyang choice dahil hinihintay talaga ni Leia ang isasagot niya.
Kumislap ang mga mata nito. “Mabuti naman kung gano’n kasi ako ay dalaga rin.”
Nagsalubong na talaga ang mga kilay niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Napakagat-labi si Leia. Mukhang bumuwelo muna upang magawa nitong sabihin kung anuman ang sasabihin nito. “A-ano kasi… hindi ko na alam kung paano ang buhay ko kaya… kaya gusto ko na lang maghanap ng asawa. P-puwede bang… puwede bang asawahin mo na lang ako?”
“Ano?!” nagulat siya pero halos pausal ang naging tinig niya.
“Pagod na kasi ako. Nahihirapan na ako sa buhay ko. Puros na lang ako kayod pero ang hirap-hirap pa rin ng sitwasyon ko. Gusto ko na sana may katuwang ako sa hirap. Wala ka pa namang asawa. Baka puwede ako? Ako na lang ang asawain mo? Huwag kang mag-alala dahil magaling akong magluto. Lahat ng gawaing bahay ay kaya ko. Pangako magiging mabuting asawa ko.”
Hindi na siya nakapagsalita.
“At saka virgin pa ako kaya natitiyak kong malinis ako,” dagdag pa ni Leia.
Animo’y naging bato bigla sa kaniyang kinauupuang si Bryle. Literal na nalaglag ang panga niya sa hindi pagkapaniwala. Mahabaging langit, ano’ng meron sa babaeng ito at ganoon ang lumabas sa bibig nito? Sana ay nalipasan lang ito ng gutom.
“S-sorry desperada lang dahil sa kahirapan. Puros na lang kasi sa impyerno ang nasasadlakan ko, sana naman kahit minsan lang ay langit naman,” matipid na paliwanag naman nito bago nagyuko ng ulo.
Gusto nang isipin ni Bryle na nababaliw na ang babae sa sandaling iyon. Ngunit nang makita niya ang isang butil ng luha nito, tapos isa pa, at isa pa, na nagsipatakan mula sa mga mata ng dalagang nakayuko ay naantig naman na ang damdamin niya. Talaga nga yata na may mabigat itong pinagdadaanan.
Humugot siya ng tissue sa tissue holder at iniabot dito.
Nag-angat naman ng tingin si Leia. Tumingin sa kaniya pero saglit na saglit lang. Mas hiyang-hiya na ito sa kaniya. Ni ang pagkuha sa tissue sa kaniyang kamay ay halos hindi na nito magawa.
“Tapusin mo na ang pagkain mo. Mamaya na natin pag-usapan ang sinabi mo,” at namalayan na lamang niyang pag-alo niya rito.
Paano nga ba naman siya makakahindi sa hiling nito gayong nakakatunaw ang mga nakikiusap na mga mata nito? Na sa ilang sandali pa lang niya itong nakakasama ay ibayong damdamin na ang nabuhay na sa kaniya para rito?
Mukhang gusto nga niyang ibigay rito ang langit, kahit na anong klase o kahulugan pa ng langit.