CHAPTER 1: First Encounter

1119 Words
Lasing na lasing na si Sundee. Hindi niya aakalaing lolokohin siya ni Robert, ang kaniyang long time boyfriend. Halos hindi niya matanggap na naroroon siya ngayon sa lugar na iyon upang saksihan ang kasal ng lalaki. Kuyom ang mga palad habang nakatanaw sa masasayang taong bumabati sa bagong kasal. "Hayop ka!" gigil na saad sabay ng tungga sa beer na iniinom. Langong-lango na siya nang biglang tila hindi makahinga kaya naisipan niyang pumunta sa roof top ng building na kinaroroonan para isigaw ang kaniyang naghuhulagpos na damdamin. Pasuray-suray siyang naglakad. May ilan-ilan din siyang nakabanggahan. May ilang kalalakihan ding nagmagandang loob na alalayan siya pero tinabig niya ang mga ito. Pare-pareho lang din naman ang gusto. Nahihilo siya at halos nasusuka na habang lulan ng elevator. "Hayop ka Robert. T*ng 'na mo ang pangit-pangit mo! Lolokohin mo pa ako," aniya ng makarating sa roof top. May swimming pool doon at patay lahat ang ilaw kaya alam niyang solo niya ang lugar. Malaya siyang sisigaw kung gusto niya. Muling tinungga ang hawak-hawak na beer hanggang maubos iyon. Nang ibaba ang bote ay saka siya dumipa at hinanda ang sarili sa pagsigaw. Isisigaw niya ang lahat nang biglang makarinig siya ng sitsit sa kung saan. Lumingon-lungon siya pero walang nakita kaya isinawang bahala iyon. "T*ng 'na mo. Ikaw pa ang may ganang manloko. Ang pangit moooooo! A—ang pangit-pangit mooo! Mukha kang bisugong lalaki. Punyeta!" inis na turan sa kawalan. Matapos noon ay nakakabinging katahimikan ang namayani. "Psssssstttt!" muling dinig kaya muling nagpalinga-linga at nang wala pa ring makita ay kinilabutan na siya. Nasa rooftop ng hotel si Samuel. Hindi niya alam kung papaano makaka-move on sa pagkamatay ng kaniyang asawa. Kakakasal lang nila at ni hindi pa nga sila nakakapag-honeymoon pero wala na ito. Nabangga ang sasakyan nito ng isang ten wheeler truck at dead spot ito. Pangalawang gabi na niya sa rooftop at pansamantalang pinasara iyon upang masolo ang lugar. Ngunit nagambala siya sa pagdating ng isang babae. Lango sa alak ang babae at may bitbit pang bote ng beer. Nakita niyang dumipa ito na tila ba sumamba saka muling tinungga ang beer. Nahihiwagaan siya sa ginagawa ng babae kaya sinitsitan ito. Luminga-linga naman ito. Ngunit muling bumalik sa pagkakadipa saka sumigaw ng malakas. Nabigla siya sa ginawang iyon ng babae ngunit mas nabigla siya ng marinig ang sinigaw nito. "T*ng 'na mo. Ikaw pa ang may ganang manloko. Ang pangit moooooo! A—ang pangit-pangit mooo! Mukha kang bisugong lalaki. Punyeta!" inis na turan nito. Hindi niya malaman kung matatawa ba siya o hindi. Ngunit nakitang nakadipa pa rin ito at nakatingala sa langit. "Ahhhhhemmmmm! Alam mo bang bawal ang sumigaw rito!" aniya buhat sa kadilimang bahagi ng kinaroroonan. "Anak ng—" putol na bulalas ni Sundee nang biglang may magsalita. 'Sino namang hirodes ito? Akala mo naman siya ang may-ari ng building,' aniya sa isipan. "At sino ka naman? Ikaw ba ang may-ari ng building na ito, ha?!" sikmat sa pinanggalingan ng boses. Natawa si Samuel sa sinabing iyon ng babae. 'Aba! At tumawa pa talaga,' gigil na wika. Maya-maya ay lumapit ang lalaki at umupo sa malapit na pool bench na naroroon. "Oo, ako ang may-ari nito," anito sabay halukipkip. Agad natamimi si Sundee at nang makabawi ay nagbunghalit siya ng tawa. "Wehhhh! Lakas ng trip mo ah! Hanep!" malakas niyang turan saka muling tumawa ng malakas. Napapantastikuhan si Samuel sa babaeng kasama. Nakitang lumapit ito at umupo sa tabi. "Umamin ka. Niloko ka rin siguro ng jowa mo, noh. Nagmumukmok kang mag-isa eh," ani ni Sundee sabay agaw sa lalaki ang hawak nitong beer at agad na tinungga iyon. Napamaang na lamang si Samuel. Matapos laklakin ng babae ang laman ng bote ay natahimik ito. Bigla ay naghari ang katahimikan. Malalim na rin ang iniisip ni Samuel nang marinig siyang sinitsitan siya ng babae. "Pssssstttt!" Hindi niya pinansin ito at nakatingin pa rin siya sa malayo. "Oyyy! Ano namang drama mo at nag-iisa ka rito?" untag ng babae. "Ako kasi, niloko ako? Biruin mo, ang pangit na nga ang pinili ko kasi sabi ko hindi ako lolokuhin pero nagkamali ako. Biruin mong naloko pa rin ako!" inis na turan. Napapailing na lamang si Samuel habang naririnig ang hinaing ng babae. "Oyyy!" muling untag nito sa lalaki. Ngunit nang hindi pa rin natitinag ang lalaki ay inakbayan niya ito na feeling close. Nabigla si Samuel sa ginawang iyon ng babae kaya napatayo siya. 'Ay sungit nito,' maktol ni Sundee sa isipan. "Kamamatay lang ng asawa ko," bungad ni Samuel. Nabigla si Sundee sa narinig buhat sa lalaki. Hindi tuloy niya alam ang sasabihin. "Ah—ahmmmm, sorry," nahihiyang wika. "Ang heavy pala ng pinagdadaanan mo. Hindi kagaya ko," nahihiyang wika sa lalaki. "Pasensiya ka na sa akin ah?! Medyo childish lang ako," dagdag pa. "Okay lang. Sige lang isigaw mo lang," yakag pang turan ng lalaki sa kaniya. "Huwag na. Sabi mo bawal ang sumigaw rito," aniya nang maalala ang sinabi nito na pag-aari nito ang hotel. "Pero totoo bang sa'yo itong hotel?" pangungumpirma rito. Hindi niya lubos mamukhaan ang lalaki dahil madilim ang kinaroroonan. "Yes! Bakit?!" tugon nito. "Ay! Ang sungit ah! Pwede bang friend na tayo. Para pag pumunta ako rito may discount ako. Oh, 'di ba? 'Di ba?" nakangiting wika sabay kapit sa bisig ng lalaki. Muling nagitla si Samuel sa pagkapit ng babae. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam sa babae. "Hindi pwede!" masungit na saad. "Ay! Ang sungit ah, baka mabilis kang tatanda niyan?" anang pa nito. Muli ay napailing na lamang si Samuel. Maya-maya ay nakaisip ng kapilyahan si Sundee. Hindi talaga siya maka-get over sa panloloko sa kaniya ni Robert. "Halikan mo nga ako?" ungot niya sa estrangherong kasama. Pumikit pa siya upang hintayin ito. Ngunit halos makatulog na siya ay walang halik buhat sa lalaki. "Oy, sige na!" Napatitig si Samuel sa mukha ng makulit na babae. Nakapikit ito habang hinihintay ang halik na hinihiling. Maliit ang bilugang mukha nito. Mahahaba ang pilik mata nito. Maliit at may katangusan ang ilong, manipis ang mamula-mulang labi nito kahit hindi masyadong maaninag ito. Hindi niya alam kung bakit tila nahila siya nito at ginawaran ito ng halik. Napagod na si Sundee kaya didilat na sana siya ng biglang lumapat ang labi ng lalaki sa kaniya. Nanlalaki tuloy ang mga mata habang ninanamnam ang masarap at nakangingilong halik nito. Sa sobrang lapit ng mukha nila ay unti-unting tumatak sa isipan ang mukha ng lalaking kanina pa kinukulit. Doon ay napagtantong ang lalaking kahalikan ay ang lalaking halos isang linggo nang sinusubaybayan. Si Samuel Del Monte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD