"SUNDEE.." wika ni Samuel sa pangalan niya habang titig na titig ito sa kaniyang mukha. Sa titig ng lalaki ay tila may nais itong sabihin ng biglang tumunog ang cellphone nito. Agad napatayo ng tuwid si Samuel saka unti-unting bumalik sa mesa kung saan nakapatong ang cellphone niya. Nang makitang ang tiyuhin iyon ay agad na sinagot. "Hello," malamig na bati sa tiyuhin. "Handa na ang pera mo. Sa warehouse ko sa'yo iaabot ng buo.." tinig lang nito saka nawala sa linya. Mukhang may pinaplano na naman ang kaniyang tiyuhin. Kailangan niyang maging alerto dahil alam niya kung gaano katuso ang tiyuhin. Hindi nito basta ibibigay ang isang bagay lalo na kung ganoon kalaking halaga ang pag-uusapan. Nang maibaba ang tawag ng tiyuhin ay agad na tinawagan si Carlos sa intercom niya. "Carlos, ihanda