bc

Lovesick

book_age18+
621
FOLLOW
2.0K
READ
possessive
second chance
goodgirl
drama
bxg
campus
highschool
football
virgin
athlete
like
intro-logo
Blurb

Aimee Jane West was a vibrant cheerleader in high school. She was a consistent honor student. And she dreamed of becoming a neonatal nurse. Because she was fond of babies.

Warren Ryle Galvez was a top student at school. He's academically gifted. And he loves playing football.

The two met during high school. But after two years of dating they eventually broke up.

What if your first love appears again? Will you give the relationship a second chance?

chap-preview
Free preview
Prologue
Aimee Magkakaroon ng high school reunion ang batch nina Aimee sa dati niyang school. Excited na siyang makita ang mga close friends niya noon. Ang mga kapwa niya rin cheerleaders noon na naging malapit sa kanya. Nang tumuntong na kasi siya ng kolehiyo ay bihira na silang makumpleto ng mga kaibigan niya noong high school. Magkakaiba na rin sila ng university na pinapasukan. Ang iba naman ay sa abroad na nag-aaral. Pero madalas pa rin silang mag kamustahan ng mga ito. Thanks to social media. Lagi pa rin siyang updated sa mga ganap ng kaniyang mga kaibigan. Tumunog ang cellphone ni Aimee sa ibabaw ng side table. Hihikab-hikab niyang dinampot iyon. Napakunot-noo siya ng makita ang isang unknown number sa kaniyang phone screen. Hindi kasi naka-register ang number na iyon sa kanyang phone list. "Hello," aantok-antok niyang wika sa kabilang linya. "Aimee, si Lauren 'to. Pasensya na, ha? Naistorbo yata kita?" wika ng kaniyang kaibigan sa kabilang linya. Nabanggit nga pala sa kaniya nito noon na nagpalit na ito ng cellphone number. "Hindi. Okay lang. Bakit ka nga pala napatawag?" nagtatakang tanong niya. Malamang ay importante ang sasabihin ng kaniyang kaibigan kaya napatawag ito ng wala sa oras. Napatingin siya sa wall clock sa tapat ng kaniyang hinihigaang kama. Teka, alas singko na pala ng hapon. Napasobra yata siya ng tulog. Ngunit hindi niya pa rin nababawi ang ilang araw niyang pagpupuyat. Pagod kasi siya dahil marami siyang school papers na tinatapos. Kaya hindi niya rin namalayan ang oras. Wala rin naman siyang pasok ngayon dahil free day niya sa school. "Naurong kasi 'yung date ng reunion natin. Hindi na bukas. Sa darating na linggo na raw ng hapon." Diyos ko, iyon lang naman pala ang sasabihin nito. Pwede niya namang i-chat na lang iyon sa kaniya. Naalala niyang kasama nga pala sa committee ang kaniyang kaibigan sa gaganaping reunion. Napabuntong-hininga na lang siya. "Pasensya na talaga, Em. Naistorbo pa yata kita. Tulog mantika ka pa naman," napahalakhak ito. "Baliw ka talaga," napairap siya sa huling sinabi ng kaniyang kaibigan. Madalas kasi siya nitong asarin noon kapag doon siya sa bahay nina Lauren nag-i-sleep over. "Joke lang. Eto talaga, hindi na mabiro," matawa-tawang sabi ni Lauren sa kabilang linya. "Siya nga pala, na-hacked kasi ang social media account ko kaya hindi ako makapag-chat sa 'yo." "Hala! Kelan pa?" nag-aalalang tanong niya sa kaniyang kaibigan. "Noong isang araw pa. Hindi ko kasi na-log out sa computer shop noong nag-rent ako para gumawa ng assignment. Nasira kasi laptop ko." "Ayan kasi. Hindi ka pa rin nagbabago. Makakalimutin ka talaga," napailing siya. "Nagmamadali kasi ako nu'n, Em. Akala ko naman na-log out ko account ko bago ako umalis," paliwanag ng kaniyang kaibigan. Em ang madalas nilang itawag sa kaniya noong nasa high school pa lamang sila. "So, pupunta ka sa reunion natin?" tanong ni Lauren. "Hindi ko nga alam, Lau. Ayaw akong payagan ni Bradley." "Ano ba 'yang jowa mo, may pagka ala-Ryle rin," napairap siya sa pangalang binanggit ng kaniyang kaibigan. "Ano ka ba? Ang layu-layo ng ugali ni Bradley sa tukmol na 'yon, 'noh!" asar na tugon niya rito. Ayaw na ayaw niya kasing naririnig ang pangalan na 'yon dahil sa kanilang nakaraan. "Ewan ko ba, Em. Version 2.0 talaga ni Ryle ang jowa mo ngayon. Mukhang mas malala pa." Ewan niya ba, pero hindi gusto ng mga kaibigan niya ang bago niyang boyfriend. May pagkakaparehas daw kasi ng ugali ang kaniyang boyfriend sa ex niya. Ayaw na ayaw kasi ng kaniyang mga kaibigan sa ex niyang si Ryle. Dahil nga sa seloso ito. At hindi naging malapit sa kanila. Ngayon naman ay sa bago niyang boyfriend na si Bradley. "Hindi n'yo pa kasi nakikilala ang boyfriend ko. Hayaan n'yo, 'pag hindi na siya busy ipapakilala ko siya sa inyo." "Okay. Aasahan namin 'yan. Basta makinig ka na sa advice namin kapag nakilala namin 'yang bago mong jowa. At kapag napag-alaman namin na hindi siya ideal boyfriend para sa 'yo. Alam mo na. Ayaw ka naming masaktan ulit." "I know. Alam ko namang matino itong si Bradley. Naniniwala akong hinding-hindi niya ako sasaktan," pagtatanggol niya sa kanyang boyfriend. Kaya naman walang dapat ipag-alala ang kaniyang mga kaibigan sa kaniya. Ilang buwan pa lang silang magkarelasyon ni Bradley. Naipakilala na rin niya ito sa kaniyang mga magulang. Maganda naman ang naging impresyon ng mga magulang niya ng ipakilala niya ang bago niyang boyfriend. Makilatis kasi ang kaniyang mga magulang sa mga nagiging boyfriend niya. At kung ikukumpara ito sa kaniyang ex, ay malayung-malayo ang ugali ni Bradley sa demonyo niyang ex. Hanggang ngayon kasi ay galit pa rin siya sa ex niya. Iyon kasi ang first love at only love niya noon. Pero dahil nasaktan ni Ryle ang puso niya noon, kinamuhian niya na ito magpa-hanggang ngayon. Ayaw niya na itong makita pa. Pinapanalagin niya na hindi um-attend ng reunion si Ryle. Pero kung sakaling magpunta man ang lalaking iyon ay wala na siyang pakealam. Ni hindi niya ito tatapunan ng tingin man lang. "Pero hawig sila sa pictures ng ex mo." "Hindi ah," napasimangot siya. "Mas guwapo si Bradley, 'noh!" pagtutol niya sa sinabi nito. Alam niyang magkahawig si Bradley at ang ex niyang tukmol. Pero hindi hamak naman na mas nagugwapuhan siya kay Bradley. Mas maganda lang ang katawan ng tukmol na 'yon dahil athletic ito. Kumpara sa boyfriend niya ngayon na tamad na tamad mag-exercise at walang kahit anong alam na sports kaya kapansin-pansin na ang pagdagdag ng timbang nito. Dahil ni hindi man lang ito marunong mag-effort na mag-gym man lang. "Mas yummy pa rin ang ex mo," tatawa-tawang wika ng kaniyang kaibigan. "He's a football star for nothing. But asshole is asshole. No matter how handsome Ryle was." Hindi siya tumugon sa sinabi ng kaniyang kaibigan. Alam niyang lapitin talaga ng babae si Ryle dahil sikat ito dati sa kanilang school. He has a boy next door look. At dahil isa rin itong football star player hanggang ngayong nasa kolehiyo na ito. But she hates hearing his name again. She thought she already moved on after their breakup. Pero bakit kapag nababanggit pa rin ang pangalan ng lalaking iyon ay may kirot pa rin siyang nadarama sa kaniyang puso. Kahit dalawang taon na mula noong maghiwalay sila nito. Ano ba 'tong nararamdaman niya? Nababaliw na yata siya! You're so stupid, Aimee!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
381.8K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.4K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.8K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook