"Ano — Ano! Ayaw mong tanggalin?" nakangising tanong ng nobyo na patuloy pa rin sa pagkikiliti sa kanya. "Oo na!" Sabay alis niya nang kumot sa kanyang mukha at agad naman siyang ninakawan ng halik sa labi. Gumanti naman si Maica, at itinulak niya ang nobyo at siya naman ngayon ang nasa itaas at nangingiliti. May kiliti pala si Juwi, kaya sobra itong nagpupumiglas kaya sabay ang dalawang bumagsak sa sahig. "Arayyy ..." daing ni Maica na tila nasasaktan ito dahil nauna pala ang kanyiang tuhod. Umupo naman si Juwi at tiningnan ang kaniyang tuhod sabay halik nito. "Masakit pa ba?" tanong niya matapos halikan. "Wala ... Naaaa ..." masayang sagot ng nobya na itinaas ang kaniyang dalawang kamay. Kung pagmasdan ito ay parang batang paslit. Pagkatapos ng kulitan nila ay nagpaalam muna si