Chapter 28:Die? Krystal POV Nakahanda na ang lahat ngunit kabado parin ako at hindi mapakali . Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ito. Pero ito ang una kong desisyon kaya kailangan ko itong gawin. Nakita kong lumapit sa akin si Kib, may baril itong hawak halos lahat sila ay may hawak. Lumapit ito sa akin at ngumiti. "Krystal, alam kong kaya mo yan. Kapag natapos na natin itong plano na toh makakahinga ka na ng maluwag. Tandaan mo lahat ng pinaalala namin sayo ikaw lang ang tanging paraan para mabawi si Christine at para din mahuli na sila."sabi nito sa akin at pilit akong ngumiti. "Kib pano kung hindi ko magawa toh? Kinakabahan ako" sabi ko. Bigla niya akong niyakap at sinabing "Magagawa mo yan. May tiwala ako sayo, may tiwala kami sayo.. Isipin mo lang na pag may nangyaring masama nak