48 - No Regrets

2061 Words
ALAS SINCO NG HAPON NANG UMALIS ANG VESSEL mula Danao City Seaport patungong Isabel, Leyte kung saan naroon ang karugtong na seaport. Ang kanilang kotse ay pumarada sa isang open space parking ng vessel katabi ang ilan pang mga pribadong sasakyan. At habang naghihintay na makadaong sa kabilang isla ay nanatili sila sa upper deck kasama ang ilang mga pasahero. Cerlance was holding a styro cup of hot coffee, sipping a little while staring at the vast ocean water. Papalubog na ang araw at nag-iiba na ang kulay ng langit na rumi-replika sa tubig dagat. “Stop staring,” suway ni Cerlance sa katabing kanina pa nakangisi habang nakatitig sa kaniya. Shellany was standing next to him, arms on the railings and eyes sparkling in silent laughters. “Parang tinititigan ka lang, eh,” nakangising sagot ni Shellany, ang tingin ay hindi inalis. Cerlance continued to sip his coffee, trying to avoid her eyes. Matapos ang milagrong ginawa nila sa kotse ay bumaba sila upang maghanap ng drugstore sa loob ng mall at bumili ng kailangan nila. After which, they went back to the car, had a quick se.x on the driver’s seat, and left. Saktong pagdating nila sa seaport ay dumating ang vessel na magdadala sa kanila sa kasunod na isla, and since then, they haven’t spoken yet. He tried to act normally after what they did in the driver’s seat of his car at the mall’s parking area when the truth was... he was beginning to get really uncomfortable. Not in a bad way, though. Shellany's stare was making him feel so conscious; na tila ba may pinapahiwatig ito sa paraan ng pagkakatitig sa kaniya. And he couldn't meet her eyes. Why; he had no f*cking idea. Shallany’s se.xual drive matched his, and he couldn’t believe how they acted so thirsty for each other. Sa isang araw ay ilang beses silang gumawa ng milagro sa loob ng sasakyan. He had never done that before for goodness' sake! “Kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na. Quit staring like a creep.” Ipinatong na rin niya ang mga braso sa barandilya at hinayaang hipan ng hanging-dagat ang umuusok pang kape. “Nagagandahan ka ba sa akin, Cerlance?” Shellany used a sexy tone in an attemp to tease him. Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakikita niya ang abot-tainga nitong ngisi. “You’re not ugly," he said in a flat tone. Hindi niya alam kung ano na naman ang ideyang pumasok sa isip nito kaya nagtanong ng ganoon. “But do you find me pretty?” “You’re alright.” Tsk, this woman. Muli niyang dinala ang styro cup sa bibig at marahang humigop. “Talaga? Bakit ang sabi mo kanina habang naka-patong ako sa’yo sa driver’s seat—, ‘Shellany… you are fu.cking gorgeous’.” Muntik na niyang maibuga ang hinigop na kape sa narinig; he couldn’t decide whether to laugh or reprimand her, lalo at ginaya ni Shellany ang tono at paraan ng pananalita niya kanina. Tono at paraan ng pananalita na ginagamit lang niya sa tuwing nasa kalagitnaan ng pagniniig. Doon na niya ito nilingon, at nang makita ang malapad na ngisi ng dalaga’y napa-iling siya. He knew it; she was just teasing him. “You’re not the prettiest woman who got involved with me, but you are pretty nonetheless. There. Happy?” Napanguso si Shellany. “Bakit hindi mo sabihin sa akin iyan nang may feelings tulad ng paraan ng pagkakasabi mo kapag naka-hubad ako? Ang snob mo talaga.” “Hindi ka dapat namimingwit ng papuri. Walang pagkakaiba ‘yan sa taong nagmamakaawang mahalin sila ng mahal nila. Let compliments come your way, don’t look for them.” You have such a lonely soul, Shellany... MASUYONG NAPANGITI SI SHELLANY sa seryosong pahayag ni Cerlance, at kung hindi kaagad inalis ng huli ang tingin sa katabi ay nakita sana nito ang pagdaan ng galak sa mga mata ng dalaga. Sa muli ay namayani ang katahimikan sa kanila. Nagpatuloy sa pag-inom ng kape si Cerlance, habang si Shellany ay inituon naman ang tingin sa malawak na dagat. The scene was striking— the sky was changing its color to red-orange which also reflected on the water. Hindi maalon ang dagat sa mga oras na iyon at malinaw ang tubig; she could clearly see some corals under the water which indicated that the sea level was not too deep. Ang paligid ay maingay hindi lang dahil sa mga nag-uusap na mga pasahero na naka-upo sa bench area dalawang metro mula sa likuran nila, kung hindi pati na rin sa tunog ng makina ng vessel, at sa mga along humahampas sa malaking bangka. Pero hindi iyon inalintana ng dalawa. Para kina Shellany at Cerlance ay kay payapa ng mga sandaling iyon dahil ang kanilang buong pansin ay nasa magandang tanawin sa kanilang harapan. The two remained quiet for a long period of time. Malapit nang maubos ni Cerlance ang laman ng styro cup nito nang basagin ni Shellany ang katahimikang namagitan sa kanila. “You know what? Nagpapasalamat akong nakilala kita.” Ang akmang muling pagdadala ni Cerlance ng styro cup sa bibig ay naudlot nang marinig ang sinabi ng katabi. Muli nitong nilingon si Shellany at doon ay nakita ang seryosong anyo ng dalaga. Ibinaba ni Cerlance ang hawak saka itinuon ang pansin sa katabi. Nagpatuloy si Shellany. “You wanna know why?” Sandali munang pinag-aralan ni Cerlance ang ekspresyon sa mukha ni Shellany, bago sumagot. “Yes. Why?” “Because you put sense in my head. Marami kang sinabi nitong nakaraang mga araw na tumatatak sa akin, and just a while ago, you said something again that made me think twice.” Shellany let out a sad smile. “When Knight and I were still together, naalala kong lagi na lang akong namimingwit ng papuri mula sa kaniya. I would always ask him to tell me how much he loved me… or how pretty I was in his eyes, or how nice my clothes were. Minsan, kung hindi naman papuri ay oras niya ang hinihingi ko. Just now… I realized that if he truly loved me, I wouldn’t have to beg for his time. I wouldn’t have to ask for his attention. Because… a person who was trully in love would always find time. He would always make an effort. And Knight never did.” Huminga nang malalim si Shellany, ang malungkot na ngiti'y hindi napawi. “Minahal ko siya nang higit sa kaya kong ibigay. At napagtanto kong mas mahal ko siya kaysa siya sa akin. His love never exceeded mine; ni hindi nga napantayan man lang, eh. Dahil kung pantay o mas higit pa ang pagmamahal niya sa akin, hindi niya ako iiwan nang basta na lang. Hindi niya hahayaang mapahiya ako o magmukhang tanga sa harap ng maraming tao, doon sa harap ng altar habang hinihintay ang pagdating niya. Higit sa lahat... hindi sana niya ako sinaktan nang ganoon.” Cerlance decided not to comment on that anymore. He just listened and allowed Shellany to pour out all her frustrations. Besides, he was not in the position to provide a comment, lalo at hindi nito kilala si Knight at hindi nito alam ang rason ng lalaki kung bakit ginawa ang ginawa. At sa tingin din ng binata'y hindi kailangan ni Shellany ng opinyon sa mga sandaling iyon. Cerlance believed that Shellany only wanted someone to listen... Dahil minsan... iyon lang naman talaga ang kailangan ng ibang tao. Tenga na makikinig sa mga hinaing at problema. “I flirted with you because I was lonely and desperate," Shellany continued. "Napagtanto kong maliban sa malungkot ako’y desperada rin akong mapansin ng iba. Desperada akong makakuha ng atensyon at pagpapahalaga. Believe me, Cerlance; hindi naman talaga ako likas na ganoon. At alam kong mali, and I shouldn’t have done those things to a stranger. But then, hindi rin naman ako nagsising ginawa ko ang kabaliwang iyon.” Her grin came back when she turned to him again and met his gaze. “Somehow, wala akong pagsisising naramdaman sa mga ginawa at ipinakita ko sa'yo sa nakalipas na mga araw. Because I've had fun and I know that one day, when I get older, I will remember the days I've spent with you and smile because it was a crazy experience not all women could ever do." Nanatiling nakatitig si Cerlance sa mga mata ni Shellany; pilit na inaarok ang damdaming nakapaloob sa mga iyon. Subalit muling nagbawi ng tingin si Shellany at ibinalik ang pansin sa dagat bago pa man mabigyan ni Cerlance ng pangalan ang mga nakitang emosyon sa mga mata ng dalaga. "Higit sa lahat... hindi ko pinagsisihang sa iyo ako nagpakita ng motibo. I have no regret because I know that I’m safe with you.” Nagpakawala nang malalim na paghinga si Cerlance. He didn't want her to continue; he was worried she'd say something that would break their agreement. “Shellany—” “I didn’t mean it like that, ‘no. Loko ka." Bahagya itong natawa dahil sa naramdamang tensyon mula kay Cerlance. "I didn’t mean it in a romantic kind of way. What I meant was… safe ako sa’yo kasi alam kong walang lokohang nangyayari. Dahil sa umpisa pa lang ay alam na natin ang score, at sa umpisa pa lang ay ni-prangka mo na ako. Alam kong hindi mo ako sasaktan at hindi mo ako basta-basta tatalikuran. I know one day, we will get tired of this set up and of each other. And we both know that one day, this connection is going to come to an end. Knowing you— I’m sure hindi ka mawawalang parang bula. I’m sure magsasabi ka muna sa akin na ayaw mo na bago mo puputulin ang koneksyon nating dalawa. The same goes with me, of course." Doon lang ito muling tumingala kay Cerlance. "That’s what I meant. I am safe with you because I know that this set up has no emotions involved. It’s purely… an agreement. Like a business one. And for that reason, hindi ako nagsising ikaw ang kasama ko sa mga sandaling ito..." Hindi na nakapagsalita pa si Cerlance. Nanatili na lamang itong nakatitig sa dalaga, hanggang sa nagpakawala ito nang malalim na paghinga at ibinalik ang tingin sa dagat. Si Shellany ay hindi na rin muling nagsalita pa at inituon na lang ang pansin sa langit. Sa loob ng mahabang sandali ay pareho silang tahimik—ang isa sa kanila'y pinag-iisipan kung paano sasabihin nang tama ang nasa isipan, habang ang isa'y inalis ang lahat ng alalahanin sa isip at inituon ang buong pansin sa kalangitan. Ilang sandali pa’y narinig nila ang announcement ng kapitan ng barko. In ten minutes, the vessel would arrive in Isabel, Leyte. Pinaalalahanan nito ang mga pasaherong manatili sa upuan at hintayin ang hudyat kung kailan maaaring bumalik sa mga dalang sasakyan. Matapos ang announcement ay pumihit paharap si Cerlance sa bench area, habang si Shellany ay pinanatili ang tingin sa kabilang direksyon. Cerlance rested his elbows on the railings and turned his head to Shellany. Sandali nitong pinagmasdan ang ngayo'y nakangiting mukha ng dalaga bago muling nagsalita... “For the record… I really think you’re gorgeous.” Natigilan si Shellany sa narinig, at nang rumehistro sa isip ang mga sinabi ni Cerlance ay pumihit ito paharap sa binata. Her face lit up in glee when she said, “You only think?” Cerlance smiled back. “Let me rephrase that.” Initaas nito ang isang kamay upang alisin ang hibla ng kulot na buhok ni Shellany na tumabing sa pisngi saka iyon inipit sa likod ng tenga ng dalaga. “You are gorgeous, Shellany. And don’t let others make you feel otherwise.” Shellany was stunned at the sincerity in Cerlance's voice. Her gaze wandered over his face as she thought of a fitting way to respond to him. Muling napangiti si Cerlance nang walang maitugon si Shellany. Ang kamay nitong nasa pisngi ng dalaga ay dahan-dahang bumaba patungo sa mga labi ni Shellany, at doon ay masuyo nitong dinama ang mga iyon. Then, without another word, he bent his head and claimed her lips for a sweet and gentle kiss. Ang mga pasaherong nakaharap sa direksyon ng dalawa'y natahimik. None of them knew that they had just witnessed something that would last forever...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD