NAKA-ILANG TIKHIM NA SI CERLANCE HABANG NAKA-UPO SA KABILANG KAMA; pasulyap-sulyap sa kasamang nasa isang single bed naman at kanina pa hindi makausap.
Cerlance had no idea what to say. It wasn’t his fault that he panicked after seeing her naked breast, for fvck’s sake?!
Si Shellany na nakabalot pa rin ng kaparehong kumot ang hubad na dibdib at may dalawang naka-siksik na cotton balls sa magkabilang butas ng ilong ay masama ang tingin kay Cerlance.
Her nose broke after it crashed on the handbrake. Kahit kailan ay hindi pa ito nagkaroon ng injury sa katawan, ngayon pa lang!
Well… her nose didn’t really break. Blood just oozed from the inside and the pain she felt was somehown tolerable. Buti talaga at napa-tukod ito sa front seat sa biglang pag-prenong iyon ni Cerlance, kung hindi ay baka nagpulot ito ng mga ngipin sa sahig at ang ilong ay baka tuluyang humiwalay sa mukha.
Thank heaven, still, because other than her pretty nose and her burn, she had no other injuries.
Si Cerlance ay muling tinapunan ng tingin ang kasama kasunod ng pagpapakawala ng malalim na buntonghininga.
He felt really sorry. But he wouldn’t admit that it was his fault, eigther. Nagulat ito nang makita ang pagtanggal ni Shellany ng takip sa hubad na dibdib, at bago pa nito na-kontrol ang reflexes ay napa-apak na ito bigla sa preno.
And it wasn’t his fault when her skin got burnt with the semi-hot coffee?
“Okay, look.” Itinaas ni Cerlance ang mga palad sa ere nang makitang hindi pa rin tumitigil si Shellay sa pagtitig dito nang masama. “I’m sorry, I didn’t mean it. Pero hindi ka pwedeng magalit sa akin dahil hindi ko ginustong mangyari ‘to—”
“Kung iisiping mabuti ay kasalanan ito ng pagiging ipokrito mo.” Shellany gritted her teeth in annoyance. “Hindi sinasadyang nabuhos ang mainit na kape sa akin dahil sa pagpapakipot mo. Ano ka, virgin? H'wag kang ipokrito, boy. At tingnan mo 'tong mukhang kong ito... nakikita mo? Humampas ang mukha ko roon sa handbrake ng sasakyan dahil sa pagiging ipokrito mo—”
“Iprokrito?” ulit ni Cerlance, salubong na rin ang mga kilay.
“Yes. Ipokrito. Kung magulat ka’y para bang ako ang unang babaeng nakita mong walang saplot! Apaka-arte nitong—aray...”
Biglang sinapo ni Shellany ang ilong nang makaramdam ng pag-kirot mula sa loob niyon. Muli itong napaungol ito.
“See… both my face and my body are suffering right now. At kasalanan mong lahat ng ito.”
“That’s unfair—hindi mo pwedeng isisi sa akin ang mga kalokohan mo.” Si Cerlance ay pilit na pinahinahon ang sarili. He thought this wasn't the right time to argue, lalo kung hindi maganda ang lagay ng ka-argumento. “Sinong matinong babae ang magpupumilit na halikan ang lalaking ilang ulit na siyang tinanggihan? Daig mo pa ang tambay sa kanto na naka-drugs at pinipilit ang sarili sa dalagang dumaan, ah? At sino ring matinong babae ang magpapakita ng hubad niyang katawan sa lalaking hindi niya ka-relasyon?” Sandali itong natigilan, may napagtanto. “Wait a minute… did you do that to flirt with me again?" Cerlance scoffed in controlled anger. "Why, kahit na may iniinda ka nang sakit sa katawan noong mga sandaling iyon ay ayaw mo pa ring paawat!”
Imbes na sumagot ay inis na dinampot ni Shellany ang unan sa kamang kinauupuan at binato kay Cerlance na kaagad na nakaiwas.
“May naisip lang ako kanina kaya bigla kong inalis ang takip ng katawan ko!” depensa ng dalaga. “Malay ko bang pasulyap-sulyap ka sa akin?”
“I was just checking on you—”
“You were probably just waiting for the blanket to slip down and see my boobs!”
“Ha!” Napatayo si Cerlance. “Sa’yo na ang boobs mo!”
He then turned his back and marched toward the restroom. Pabalya nitong binuksan ang pinto at pahampas din iyong ini-sara.
Si Shellany na naiwan sa silid ay nakasimangot na tinanggal ang pagkakabusal ng cotton bud sa isang butas ng ilong. Magmula pa kaninang nilagyan iyon ni Cerlance ay sa bibig na ito humihinga. And her throat was getting itchy now, probably due to the dust that she got from inhaling through her mouth. Nang matanggal na nito ang cotton ay napangiti ang dalaga nang makita ang pulang-pulang dugo na ni-absorb niyon mula sa loob. Ang isang rolyo ng tissue na madaling kinuha ni Cerlance kanina sa banyo ay hinablot niya mula sa side table na nakapagitan sa dalawang single beds. She took a few roll and tried to blow her nose.
Makalipas ang ilang beses na pagsinga ay ibinaba nitp ang hawak na tissue at akma na sanang kukuyumusin nang makitang halos naging pula na ang kulay niyon sa dami ng dugong umagos mula sa ilong ng dalaga.
Shellany’s eyes grew in horror—at kasabay ng pagbukas muli ng pinto ng banyo ay ang pag-tili nito.
Si Cerlance na nagpupunas ng kamay gamit ang puting hand towel ay napa-sugod. Nang makita nito si Shellany ay sandaling nahinto. Umaagos ang dugo mula sa kaliwang nostril nito at tumutulo sa hawak nitong tissue. Her eyes were wide open and filled with tears.
“I’m going to diiieeee...” iyak ng dalaga.
Mabilis na lumapit si Cerlance at kinuha ang tissue sa kamay ni Shellany saka itinapon na lang sa kung saan kasama ang bitbit nitong face towel. Naupo ito sa tabi ng dalaga na ngayon ay ngumagawa na sa takot at pag-aalala, bago inabot ang rolyo ng tissue at muling kumuha doon ng sapat na ipangpapahid.
Banayad na pinunasan ni Cerlance ang dugong umagos sa ibabaw ng bibig ni Shellany, bago muling kumuha ng cotton mula sa plastic na nakapatong sa side table. He had it from his small first aid kit. Nang akma na nito iyong isisiksik sa dumudugong nostril ay bahagyang ini-atras ni Shellany ang ulo. At sa mangiyak-ngiyak na tinig ay,
“Pagod na akong huminga gamit ang bibig ko…”
Cerlance glared at her. “You have to bear with it even just for tonight. Kung ayaw mo’y dadalhin na kita sa ospital ngayon—”
“Ayaw ko rin sa ospital…”
“Then stop complaining.” Umangat pa ang isang kamay ni Cerlance sa batok ni Shellany upang hakawan ito roon at siguraduhing hindi na muling ia-atras ng dalaga ang ulo. Cerlance focused on aiding her. Shellany chose to shut her mouth and stare at Cerlance’s deep grey eyes.
At habang titig na titig doon si Shellany ay muling nagsalita ang binata.
“Kapag hindi pa tumigil ang pagdurugo nito hanggang mamayang madaling araw ay kailangan na nating pumunta sa ospital.”
“Sabing—”
“Whether you like or not. Kung magmamatigas ka ay tatalian kita at kakaladkarin patungo roon.”
She smirked at him. “I’d like to see you try.”
“Oh, don’t challenge me, Shellany. Marami na akong itinali at napasunod na mga babae gamit ang paraang alam ko, and they were all—” Bigla itong natigilan at napatitig sa kaniyang mga mata. Tila napagtanto nitong may mali sa mga sinabi.
Nang rumehistro sa isip ni Shellany ang sinabi ng kasama ay napangisi ito sa kabila ng mababaw na pagluha. At doon ay natauhan si Cerlance, umiwas ng tingin saka tumayo na.
“Bakit hindi mo tapusin iyong sinabi mo?” nakangising tanong ng dalaga habang nagpapahid ng luha.
“I’d rather not. Alam kong iba ang iniisip mo sa ibig kong sabihin," ani Cerlance sabay iling. Bilib ito sa bilis ng pag-transition ng mood ni Shellany.
“Talaga bang nagkakamali ako ng iniisip? Come on, Cerlance. I would like to hear how good you are at driving, not only with a car but with women. At gusto ko ring itali mo ako at pasunurin katulad ng mga ginawa mo sa—”
“Shut up, Shellany. Wala ako sa mood sa mga kalokohan mo.” Ini-itsa ni Cerlance ang plastic ng cotton pabalik sa side table.
“Lagi ka naman talagang wala sa mood, eh. Kailan mo ba sinakyan ang mga kalokohan ko?”
Hindi na nag-abala pang sumagot si Cerlance. Tuluyan na itong tumalikod at lumayo sa kasama. Hinablot nito ang susi ng kotse at cellphone na nakapatong sa round table na nasa harapan ng pinto ng banyo. “Hihintayin ko ang cream na pinabili ko sa staff ng hotel kanina. You needed that for your burnt skin. Habang wala ako ay maghugas ka ng sarili—o maligo. Just use cold water for now para hindi mo maramdaman ang masyadong hapdi sa iyong balat. If the cotton in your nose gets soaked, just take them off and put a new one. I’ll be back in 30mins.”
Naka-ngusong sinundan ng tingin ni Shellany ang kasama habanggang sa mawala ito sa paningin.
NAKANGIWING PINAGMASDAN NI SHELLANY ANG PULANG MARKA NA KUMALAT mula sa ibabaw ng kaniyang kaliwang dibdib pababa sa ibabaw ng kaniyang pusod.
Habang naka-ilalim siya sa shower kanina at naliligo sa malamig na tubig ay bahagyang nabawasan ang hapding kaniyang naramdaman sa balat. Subalit nang umahon na siya at nagpunas ay doon muling nag-umpisang uminit ang pakiramdam niyon, at nang makita niya ang pinsalang natamo mula sa mainit na kapeng nabuhos sa kaniya'y lalo siyang nanlumo.
Nasa harap siya ngayon ng salamin sa banyo at sinusuri ng tingin ang sarili. Tila redmark na nakikita sa mga bagong silang na sanggol ang pasong kaniyang natamo, at kapag hinahawakan niya’y nagiging sensitibo.
Mukhang hindi siya makakapagsuot ng bra sa susunod na mga araw…
Inalis niya ang tingin sa dibdib at ibinalik sa mukha. May panibagong cotton na naman siyang inisiksik sa mga butas ng kaniyang ilong dahil may kaunti pang dugong lumalabas mula roon. At hindi niya alam kung ano ang itatawag sa itsura niya sa mga sandaling iyon. Kulang na lang ay maglagay siya ng tali sa kaniyang ulo para magmukhang bangkay na hindi na-embalsamo at naka-handa nang ilibing.
Ahhh, damn it. At ang tapang mong lumandi, muhka ka namang tanga r'yan sa itsura mo! tuya niya sa sarili.
Inis siyang tumalikod at hinablot ang puting roba na ini-sabit niya sa hook na nasa likod ng pinto ng banyo. Inisuot niya iyon at mahigpit na ni-tali. Mula sa vanity bag na dala niya’t nakapatong sa ibabaw ng lababo ay kinuha niya ang kaniyang hairbrush saka inumpisahang suklayin ang mahaba’t kulot na buhok. Wala siyang dalang conditioner o coconut oil, kaya naman hirap siyang pasadahan iyon. She would normally just blower her hair, pero itong motel na ni-book ni Cerlance ay wala niyon kaya napilitan siyang magsuklay na lang.
After a while, naumay siya. Sa kada pag-galaw ng kaniyang mga braso upang hawiin at suklayin ang kaniyang buhok ay kumikiskis ang roba sa sensitibo niyang balat, at nakapaghahatid iyon ng hindi komportableng pakiramdam sa kaniya. Dagdagan pang napipikon na siya sa mga nag-knot niyang buhok.
Inis niyang ini-itsa ang brush pabalik sa vanity bag, at dahil napalakas ang hagis niya’y umusog iyon sa edge ng lababo hanggang sa ang iyon ay nahulog sa tiled floor. Napa-mura siya nang makita ang mga laman niyon na kumalat sa sahig— ngayon ay kailangan naman niyang magpulot!
Sunud-sunod siyang nagmura saka yumuko upang damputin ang mga nagkalat na gamit sa sahig. She shove them back to the vanity bag as she continued to curse under her breath. Tuluy-tuloy siya sa pagpulot hanggang sa may mahuli ang kaniyang tingin.
May nakita siyang isang supot ng mga rubber bands. Kinuha niya iyon at bumalik sa pagkakatayo. Sandali siyang nakipagtitigan doon bago nakapagpasiya ng gagawin.
Ilang sandali pa’y hinubad niya ang roba upang hindi iyon maging sagabal sa plano niyang gawin. Sunod ay kinuha niya ang brush saka muling nagsuklay; sa pagkakataong iyon ay hinabaan niya ang pasensya.
She decided to braid her hair. Sa ganoong paraan ay hindi iyon maging sagabal sa bawat pag-galaw niya, lalo ngayong hirap na hirap siya sa kaniyang sarili.
Makalipas ang halos kalahating oras na pananatili niya sa loob ng banyo ay lumabas siya nang may ngiti sa mga labi. Ini-itsa niya pabalik sa loob ng naka-bukas niyang maleta ang vanity bag saka hinablot ang remote control ng flat screen TV na nakadikit sa pader paharap sa mga kama. Surprisingly, there were many channels to choose from, and she was looking for a certain channel that shows newest, five-star movies.
Habang abala siya sa paghahanap ng magandang channel ay saka bumukas ang pinto. Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang pagpasok ni Cerlance bitbit ang ilang mga plastic bags. At kahit hindi siya lumingon ay naramdaman niya ang sandali nitong pag-hinto.
Lihim siyang napa-ngiti.
Surprised at my new look, huh? she thought.
"Ang tagal mo," kunwari ay reklamo niya. "Akala ko'y aamagin na ako rito."