NARAMDAMAN NIYA ANG PAG-KALAT NG INIT SA MAGKABILA NIYANG MGA PISNGI. Ang kaniyang mga mata’y naging mailap, ang kaniyang lalamunan ay tila biglang nanuyo.
Ano ang isasagot ko?
“Well?”
Pilit niyang ibinalik ang tingin dito. “Well, what?”
Tuwid itong tumayo, at bitbit ang dalawang cup ng kape ay naglakad ito palapit. Para naman siyang loka na napa-hakbang paatras.
Nahinto si Cerlance, lalong lumapad ang ngisi.
“Why would you tell your friend that your driver gives you butterflies, Shellany?”
“I… was just kidding.”
“Oh.” He nodded, unconvinced. Muli itong humakbang palapit. Isang metro na lang ang layo nito sa kaniya kaya muli siyang umatras. “Why are you stepping back, then?”
Hindi ko rin alam…
Hindi niya nagawang isatinig ang sagot na iyon. Isa pang hakbang ang ginawa niya pa-atras, at sa pagkakataong iyon ay umabot na siya sa pinaka-dulong maaari niyang atrasan; doon sa barandilya.
“You don’t want your coffee?” Cerlance asked, chuckling a little.
Gagong ‘to… bulong niya sa isip. Ayaw niyang nilalandi ko siya dahil nakakababa raw ng pagkatao pero tingnan mo ‘tong ginagawa ngayon…
But was Cerlance really flirting with her? Maybe he was just teasing…
Nahinto siya sa pag-iisip nang makitang itinuloy ni Cerlance ang paghakbang. Wala na siyang maatrasan, wala na siyang mapuntahan. Magmumukha siyang gaga kung aalis siya roon at iiwas.
At bakit siya iiwas?
Napatuwid siya ng tayo nang tuluyang makalapit si Cerlance. Ang ngisi nito sa mga labi’y hindi pa rin nagmaliw. Itinaas nito ang isang kamay at inabot sa kaniya ang tasa ng kapeng hawak nito roon.
Nakamaang niya iyong tinanggap. At nang mahawakan na niya iyon ay saka naman itinaas ni Cerlance ang kamay sa ibabaw ng kaniyang ulo at banayad na ginulo ang nagra-riot niyang kulot.
“I’m happy that you’re done sulking.”
Napaangat ang tingin niya rito; lakas loob niyang sinalubong ang mga mata nito.
This time, Cerlance’s naughty smile disappeared and was replaced by a soft and tender one. Ang abo nitong mga mata’y nagniningning.
“I heard what you said to your friend on the phone about you helping yourself. And I hope that meant you moving on."
She pressed her lips to stop them from quivering. Ang kaniyang mga mata’y nakatutok lang sa mga labi nito. She knew he had said something, but she was so occupied with the way he smiled and stared at her that she didn’t hear any words.
Ibinaba ni Cerlance ang kamay. “Do you still want to continue this trip?”
Napalunok siya. That, she heard.
“O-Of course…”
“Why?”
“Because…”
“You needed closure?”
Wala sa loob siyang tumango. Cerlance misunderstood what he heard. Ang sinabi niya kanina kay Ivan ay iba sa pagkakaintindi nito; and she couldn’t blame him. He just heard the last part of the conversation.
She was helping herself by distracting her thoughts… by choosing to be happy. Not because she wanted to move on. She still wanted to give Knight a chance to explain, and from there, she would decide whether or not their relationship could still be salvaged.
“I am not used to having this kind of connection with my client," Cerlance added. "But in your case, I feel like… if I saw you happy, I'm going to be happy, too.”
W-Wait—bakit siya nagsasalita ng ganito?
“I wanted you to pull yourself up from this pit of hell. Go back to the happier you. To the time before you met him." He paused and looked her in the eye. Then... he sighed. "Hindi ko rin alam kung kailan ako nagkaroon ng pakialam sa nararamdaman mo; parang kaninang umaga lang ay kay init pa ng dugo ko sa'yo. Pero siguro ay talagang napagod na akong makita kang ganiyan. Lalo na kahapon sa Guimaras. You were a wreck. At kagabi ay muntik mo nang ipahamak ang sarili mo at ipusta sa demonyo ang kaluluwa mo.”
She opened her mouth to answer him, but she didn’t know what to say that would make sense, thus, she just closed it again and met his gaze.
“We probably won’t see each other again after this booking, but I do hope that you would find the closure that you need and start on moving forward. You deserve a man who would never turn his back on you in front of many people. You deserve someone who would never make you cry.”
Tulala siyang napatitig kay Cerlance.
Ano ang… nakain ng gagong ‘to at ganito 'to magsalita ngayon?
Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong kape.
Dahil ba sa kape?
Muli niyang sinalubong ang tingin nito. “W-Why are you… being nice to me again?”
Balewala itong nagkibit-balikat. “I told you, I’m not a brute. You just happen to come into my life drunk and noisy. And I hate drunk and noisy people, thus, the rudeness.”
Napalunok siya. “Do you think we can be… friends?”
“No.”
Biglang nawala ang pagkailang sa buo niyang katawan nang marinig ang sagot nito. Ni hindi man ito nag-isip!
Nanunulis ang ngusong ibinalik niya ang cellphone nito; halos isaksak niya iyon sa matipuno nitong dibdib. At kung hindi niya napigilan ang sarili'y baka natulala na naman siya nang maramdaman ng kaniyang mga daliri ang mala-bato nitong dibdib.
“At bakit hindi?”
“I don’t befriend women who thought of me as yummy. Because I know they're just going to use that label to take advantage of me."
Sandali siyang natigilan nang marinig ang naging sagot nito. Hanggang sa napakagat-labi siya upang pigilan ang pagtawa.
Kung seryoso ang anyo ni Cerlance nang sabihin nito ang mga salitang iyon ay baka muli siyang pinamulahan ng mukha at nailang rito. Subalit hindi. Cerlance was sarcastic when he said those words.
“Sinabi ko naman sa’yong nagbibiro lang ako nang sabihin ko 'yon, ‘di ba? Iniinggit ko lang si Ivan dahil wala raw siyang nakikitang gwapong Chekwa roon sa Hongkong. Eh sinabi kong nag-i-enjoy naman akong kasama ka kasi yummy ka kahit brusko minsan.” Oh Lord, she was so thankful she didn't laugh in the middle of her lies.
“I know what I heard, okay?” sagot naman ni Cerlance na halatang hindi nakombinsi sa pang-di-deny niya. Inisuksok na nito sa backpocket ng suot na pantalon ang cellphone. “In addition, I don’t want to listen to your tragic love stories and miserable cries. At isa lamang ang mga iyon sa maraming dahilan kung bakit ayaw kitang maging kaibigan. Hindi ako magiging pasensyoso tulad ng kaibigan mong si Ivan.” Muli nitong itinaas ang kamay sa ulo niya saka ginulo ang kaniyang buhok sa pangalawang pagkakataon.
At sa muli... ay natigilan siya.
Something just hit her that made her stop. She realized that... Cerlance's gesture was so innocent… and so pure. Taliwas sa ipinapakita nitong ugali sa kaniya.
Habang nasa ibabaw ng ulo niya ang kamay ni Cerlance ay napahawak siya sa dibdib--doon banda sa may puso. She needed to calm her heart from raising so bad. Hindi niya iyon mapigilang tumibok, hind niya iyon magawang pakalmahin habang nakatitig siya nang diretso sa ngayo’y nakangiting mga mata ni Cerlance.
Hanggang sa ibinaba nang muli ni Cerlance ang kamay at inisuksok sa bulsa ng pantalon ay hindi siya tuminag. Humakbang pa ito palapit at tumabi sa kaniya. Nakaharap ito sa dagat nang muli nitong dalhin sa bibig ang styro cup ng kape.
She turned to him slowly, and a deep sigh came out of her throat once more. Ang araw ay unti-unti nang nagtatago sa ilalim ng dagat, at ang kulay ng langit ay nag-iiba na rin. Ang liwanag mula sa haring araw ay bahagyang tumatama sa mukha ni Cerlance, at doon ay may napagtanto siya.
His eyes were the lightest shade of grey. His lashes and the hair on his cheeks looked like gold shimmering splendidly under the sun.
Para itong isang panaginip…
Isang panaginip na nais niyang maranasan kahit isang beses lang…
Kahit ngayon lang.
“Hey, Cerlance…”
Muli siya nitong binalingan. “What?”
“Can we meet after the booking? Like… we’ll grab some coffee and catch up?”
“No, I don’t want to.”
“Why not? Ako naman ang magbabayad, eh.”
“It’s not about who’s paying.” Ibinalik nito ang pansin sa dagat. “Hindi ko lang maintindihan kung bakit natin gagawin iyon.”
“I’ll tell you why.”
Lalo siyang lumapit kay Cerlance at halos idikit ang braso sa braso nito.
Napalingon ito sa kaniya nang may kunot sa noo.
“Totoo ang sinabi ko kay Ivan. I find you… delectable.”
Hindi ito sumagot—subalit ang mga kilay ay halos magdikit na sa pagkakakunot.
“And you give me butterflies.” She continued to get closer to him, pressing her right arm to his left.
“Are you flirting with me again now, Shellany?”
“No, I’m just telling the truth. At kaya ko sinabing gusto kong magkita tayo pagkatapos ng booking ay para… alam mo na. I wnted to know you more.”
“And then what?”
“Who knows what will happen next?” Knight, patawarin mo ako. Hindi ko rin alam kung ano ang mayroon sa lalaking ito. He’s… driving me crazy.
“You’re crazy.” Umusog si Cerlance palayo sa kaniya at muling itinuon ang tingin sa dagat. Dinala nito ang cup na hawak sa bibig saka humigop. Makaraan ang ilang sandali ay muli itong nagsalita. “Once you got the closure you needed, move on with your life and focus on self improvement. Hindi sagot sa problema ang sumakay sa isang lalaki pagkatapos mong bumaba sa isa.”
Napa-ismid siya. Muling umusog palapit dito. “You know what? Makakatulong sa akin na lalong sumaya kung magpapakatatotoo ako. At simula ngayon, magpapakatotoo na ako.”
“Good then.” Muli nitong dinala ang cup sa bibig.
“At alam mo ba kung ano ako kapag nagpapakatotoo, Cerlance?”
Ibinaba nito ang cup at sinulyapan siyang muli. “You are being playful?”
“Yes. At gusto kong maging ganito kaysa ang magmukmok at malungkot at isipin si Knight, don’t you agree?”
“And you want me to just go with the flow while you flirt with me. Is that what you wanted to suggest?”
Ngumisi siya. At imbes na sagutin ang sinabi nito’y tumingkayad siya.
Yes, she had decided to look on the fun side kaysa ang magmukmok siya. And this man was driving her crazy. She wondered what it was like to play fire with him?
Muling kinunutan ng noo si Cerlance sa pagkakatingkayad niya, at nang humawak siya sa barandilya upang doon kumuha ng balanse ay nag-akma itong aatras.
Subalit…
“Sige, kapag umatras ka ay matutumba ako."
"Fall then."
"With you?"
Napangisi siya nang makita ang panggilalas sa mukha ni Cerlance. At habang nakatulala ito sa pagkamangha ay sinamantala niya ang pagkakataon.
She tiptoed and puckered her lips in an attempt to kiss the guy, when suddenly... Cerlance placed the cup of coffee between their faces.
Kaya imbes na sa mga labi nito dumampi ang mga labi niya'y doon bumagsak sa bahagya pang mainit na styro cup ng kape.