I CAN’T FALL FOR HIM. SUSME, wala pang beinte-cuatro oras simula nang mabuo ang agreement namin, tapos ganito na ang takbo ng isip ko? This can’t be happening!
Napatitig siya sa pinto ng banyo saka umiling-iling upang alisin sa isip ang kalokohang naglalaro roon.
I just want him for one thing and that is se.x. We both agreed na iyon lang ang tanging bagay na mamamagitan sa amin, kaya tama siya—bakit ako kikiligin?
Huminga siya nang malalim saka ipinikit ang mga mata. Sunud-sunod siyang humugot nang malalim na paghinga upang huminahon. Nadadala lang siya marahil ng mga salitang binitiwan ni Cerlance kanina nang huli silang magniig sa sasakyan. He was whispering sensual words that drover her nuts.
Words like…
You are so fu.cking gorgeous, Shellany…
You are amazing…can’t get enough of you.
You are soaking wet and you’re driving me crazy.
At marami pang iba na hindi na niya maalala dahil ang buong atensyon niya ay natuon doon sa pag-abot ng mga bituin.
At dahil marupok siya’y akala niya, may iba nang ibig sabihin ang mga salitang iyon.
Gah. Hindi na siya natuto.
Muli siyang nagpakawala ng malalim na paghinga saka lumapit sa kama at naupo roon. It was soft and the linen smelt fresh and clean. Her mind was ready to rest but her body and soul weren't. And she knew why.
Of course, she knew why.
Maryosep, ano ba itong nangyayari sa akin. Hindi ako ganito noog kami pa ni Knight.
Muli niyang ipinilig ang ulo at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Dumapo ang kaniyang mga mata sa maletang dinala ni Cerlance doon. Sa maletang iyon naroon ang mga bago niyang biling mga damit kanina sa mall ng Danao. Wala sa loob na tumayo siya at nilapitan iyon saka hinila pabalik sa kama. Binuhat niya ang maleta saka inilapag pahiga sa ibabaw ng higaan bago buksan.
Nagkarambola na ang mga gamit sa loob dahil sa kung paano na lang niyang ipinasok ang mga iyon doon. Inilabas niya ang mga pinamiling damit na naka-silid pa sa paper bag saka naghanap ng maisusuot para bukas.
Sa loob ng ilang minuto'y inabala niya ang sarili sa pagtanggal ng mga price tags mula sa mga bagong damit hanggang sa mapasulyap siyang muli sa loob ng maleta at makita ang mga damit ni Knight na ginamit niyang pantulog sa nakalipas na mga araw. She stared at them for a while, at habang naka-mata siya sa mga iyon ay biglang pumasok sa isip niya ang balitang sinabi ni Ivan nang magkausap sila nang araw na iyon.
Did Knight have already move on from her?
Wala na nga ba talaga itong pakialam sa kaniya?
Masaya nga bang talaga ito na sa wakas ay nakalaya na ito mula sa kaniya?
Why? What did I do to him? she bitterly asked herself.
I was never controling, I was never jealous. Hindi ko siya hinawakan sa leeg; ibinigay ko ang lahat sa kaniya. I was clingy, yes, but that was because I loved him so much. Kaya saan manggagaliing ang konseptong nakalaya na siya sa akin? Kahit kailan ay hindi ko siya ini-kulong sa relasyon namin!
Nakaramdam siya ng pag-guhit ng hapdi sa kaniyang dibdib.
Tama si Ivan…
Ano'ng karapatan ni Knight na mag-post ng ganoon sa social media matapos ang ginawa nito sa kaniya? Wala na ba talaga itong konsensya? Ito na ang nanakit pero ito pa ang may ganang mag-drama?
The audacity!
She filled her lungs with air and lifted her chin up. Kailangan niyang huminahon.
Magkakaalaman kami bukas ng umaga. Kung naroon siya sa bahay ng mga magulang niya ay hindi ako aalis ng Tacloban nang hindi ko nakukuha ang lahat ng paliwanag na kailangan ko.
Muli siyang humugot nang malalim na paghinga bago ipinilig ang ulo upang muling alisin sa isip ang dating nobyo.
Ayaw niyang masira ang mood sa gabing iyon. She and Cerlance had something to do for the whole night... and she should be in her best mood.
Nagtayuan ang mga balahibo niya sa naisip. Parang hindi na niya kilala ang sarili. She was never this lustful until she got a taste of Cerlance Zodiac. Para itong masarap na pagkain na matagal niyang pinaglawayan at nang tuluyang matikman ay ayaw nang tantanan.
Muli siyang napasulyap sa pinto ng banyo. Naririnig niya ang pagbagsak ng tubig mula sa shower; ibig sabihin ay naliligo si Cerlance. Kailangan na niyang bilisan ang ginagawa; ayaw niyang sa paglabas nito ay makita ang mga kalat niya sa ibabaw ng kama. At ang ibig niyang sabihin ay ang mga maruruming damit ni Knight na nagamit na niya at naka-patong sa ibabaw ng kama.
Isa-isa niyang hinablot ang mga iyon, at imbes na ibalik sa loob ng maleta ay kaniyang ini-silid ang mga iyon sa paperbag na pinag-sidlan ng mga bago niyang damit. Pati ang ibang malinis pa ay inisama niya sa loob ng paperbag-- totally removing them out of her luggage bag.
Dahil sa bigla na lang nawalang parang bula ang gagong iyon ay hindi na nagawang hakutin ang mga gamit na naiwan sa condo. Ngayon ay kailangan niyang bitbitin ang mga iyon papunta sa kinaroroonan nito.
The heck. Bakit ba siya nagpapagod?
Para siyang basurerang nag-hakot ng basura para dalhin sa dumpsite.
She should have just thrown them away a long time ago.
Wait….
Muli siyang natigilan sa takbo ng isip.
Why am I thinking about this?
Hindi ba’t kaya ko dinala ang mga damit na ito ay dahil gusto kong ayusin namin ni Knight ang problema? He still needed these clothes and these stuff that he bought for our wed—
Nahinto siyang muli.
Gusto niyang sapukin ang sarili.
Her thoughts were getting inconsistent as days passed by. She was being inconsistent!
One moment she wanted to get back with Knight, the next second she wanted to throw him and his memories away to the dumpster and jump to bed with Cerlance.
Gah. What kind of woman had she become, really?
"Putragis." Inis siyang nagpakawala nang malalim na paghinga. Tuluyan nang nasira ang mood niya. At sa inis ay nagdadabog niyang ibinuhos ang laman ng maleta sa ibabaw ng kama at hinayaang mahulog ang ibang mga gamit sa sahig.
Nagpalingon-lingon siya; may hinanap. At nang makita iyon ay kaagad niyang nilapitan saka dinakma patungo sa kama.
It was a small, empty trashbin. Itatapon niya roon ang ibang mga gamit ni Knight. Ang ititira lang niya sa maleta ay ang ilan sa mga personal niyang mga gamit at ang mga gamit sa dapat ay para sa kasal nila na binili nila nang mahal. She would keep them and sell them online.
At habang abala siya sa pagpili ng mga ibabasura at sa pagkakalat sa ibabaw ng kamay ay lumabas si Cerlance mula sa banyo. Hindi niya ito tinapunan ng tingin; nagpatuloy lang siya sa ginagawa. Pansin niya ang mabangong amoy ng bathsoap na ginamit nito pero hindi pa rin siya nag-abalang sulyapan ito. She was busy tossing all of her ex-boyfriend’s clothes into the trashbin—kahit na napuno na iyon ng iba pang mga gamit na initapon na niya at ang iba’y sa sahig na bumagsak. Nasa tabi na rin ng trashbin ang mga paperbags kung saan niya ini-silid ang ibang mga damit ng dating nobyo; ipahahakot na lang niya ang mga iyon bukas sa staff ng BnB.
Ang sunod niyang hinablot at binuksan ay ang box kung saan naroon ang wedding rings at engagement ring na binigay ni Knight sa kaniya. At nang bumungad sa kaniya ang mga iyon ay sandali siyang natigilan.
The image of Knight on his knees as he proposed to her at their favorite restaurant came to mind. At habang pumasok sa isip niya ang mga alaalang iyon ay naramdaman niya ang muling pag-guhit ng sakit sa kaniyang dibdib. Na sinundan ng paninikip ng kaniyang lalamunan at paglabo ng kaniyang tingin. Lalo niyang hindi namalayan ang paglapit ni Cerlance at ang pagyuko nito sa sahig na tila may dinampot.
Kung noon ay naiiyak siya sa labis na lungkot at panghihinayang sa nangyari sa relasyon nila ni Knight, ngayon ay hindi na. Naiiyak siya dahil sa sama ng loob; sa galit.
That stupid man promised to love me forever, tapos noong araw ng pag-iisang dibdib namin ay biglang maglalahong parang bula. And then, he would re-appear and post something on social media about freedom? Apaka-gago!
Suminghot siya at inis na ini-sara ang box saka itinaas ang kamay upang sana'y itapon iyon sa basurahan. Pero nabitin sa ere ang kaniyang kamay dahil sandaling pagdadalawang-isip.
“Bakit hindi mo pa itapon?”
Napa-igtad siya nang marinig ang tinig ni Cerlance. Doon lang niya napagtantong nakalapit na ito sa kama.
Ibinaba niya ang hawak na box at pa-itsa iyong ibinalik sa maleta. Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang alisin ang mga namuong luha bago siya lumingon kay Cerlance. Ibinuka niya ang bibig— pero dagling nawala sa isip ang gustong sabihin nang matuon ang kaniyang tingin sa hubad nitong dibdib.
Santisima!
Cerlance wasn’t wearing anything but a white towel wrapped around his waist. Ang tubig mula sa basang buhok ay tumutulo pa sa magkabila nitong mga balikat. At ang mga tattoo sa magkabila nitong mga braso’y nagpatigil sa paghinga niya. Those inks were making Cerlance looked lika a mafia boss— dangerously cool. At ang maskulado nitong mga braso na tila handang-hand na siyang durugin ay nagpabilis sa t***k ng kaniyang puso.
Pigil-hiningang inilipat niya ang tingin sa matitipuno nitong dibdib.
Oh, she could still remember how they felt against her palm and her breasts. Ilang beses bang kumiskis ang dibdib niya sa mga iyon kanina habang nakapatong siya rito sa driver’s seat?
Wala sa loob na napakaga-labi siya nang bumaba pa ang kaniyang tingin sa flat abs nito.
Damn this guy— ginugutom ako.
Patuloy pang bumaba ang kaniyang tinging hanggang sa ugpungan ng puting towel, at doon ay muli niyang napigil ang paghinga. Ang manipis na linya ng buhok mula sa pusod nito hanggang sa ugpungan ng towel ay nanunukso sa kaniya; parang magnet na humihila. At habang nakamata siya roon ay para siyang uod na binuhusan ng bleach—hindi mapakali.
His body is driving me crazy… and I want him again.
Dumiin ang pagkakakagat niya sa ibabang labi nang bumaba pa ang kaniyang tingin sa bahagyang namumukol na bahaging iyon sa pagitan ng mga binti nito.
And her desire escalated all the more.
Is he hard already? Is he ready for me again just as how ready I am for him?
Humugot siya nang malalim at mahabang paghinga. And she was about to stand up and run to the restroom to wash quickly when suddenly, Cerlance showed her something he was holding in his hand.
“Found this on the floor and thought you might want to hide it.”
Napatitig siya sa hawak nitong mahabang bagay na kulay violet. She thought it looked familiar; something she used to see in an adult film and—
Napasinghap siya.
Cerlance was holding the vibrator Ivan gave to her as a wedding gift!
Why the hell was it out of the box?
“I don’t think you would still be needing this, Shellany.”
Sumunod ang kaniyang tingin sa vibrator nang ni-itsa iyon ni Cerlance pabalik sa maleta. Para siyang loka na napatitig doon sa pagkamangha.
“Would you?”
Inalis niya ang tingin sa vibrator saka tumingala kay Cerlance. “H-Huh?”
Cerlance’s face was empty, and his tone was serious when he said, “Would you still be needing it?”
Napakurap siya. Hindi kaagad makasagot.
At dahil wala siyang maisagot ay nagpatuloy si Cerlance. “I hate to admit this, but I have never felt so envious until I saw that toy. Does it really give you an or.gasm?”
Napalunok siya. “Do you... want to find out?”