CHAPTER TEN: ••• ••• KAYA sinundan ko siya, paakyat sa second floor. Ngunit napatigil ako sa panghuling baitang, naagaw ng pansin ko yung third floor. May hagdanan pagilid nun, tapos makikita ko mula dito yung kalahating itshura ng isang double wooden door. "Ate Minutes?" rinig kong tawag ni Maika. "Tara na po?" Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad. May third floor pala... Ngunit nasa second floor kami ngayon. Nang madaanan ko ang class window, ay napalingon kaagad ako sa labas at natanaw ang magandang scenery sa labas ng mansion ng mga Ferrary. Sumusunod pa'rin ako kay Maika. Matapos ang mahabang lakarin, bumaba siya sa Isang hagdanan kaya sinundan ko pa'rin siya. Pagkababa ay huminto kami nang Isang pintuan ang nakita namin. Napansin ko na may iba pang