"Where the hell have you been?" Natigil si Bella sa paglalagay ng lupa sa paso, dahil nagulat siya sa malakas na boses ni Joaquin. Kasalukuyan siyang nagtatanim ng nga halaman dahil nababagot siya at wala siyang pinagkakaabalahan sa araw-araw. Pinahid niya ang kamay sa mukha at hindi niya alam na may putik na dumikit sa maganda niyang mukha. Hinarap niya ito. "Nagtatanim, hindi mo ba nakita?" Sabi niya, umalis kasi ito kanina at kababalik lang nito ngayon "I've been calling your phone several times, but you didn't answer my calls," tumaas ang isang kamay nito at pinahid sa mukha niyang may putik. "Nasa taas ang cellphone Joaquin, alangan naman na dadalhin ko habang nagtatanim ako." "You have to. I want you to answer my calls kung wala ako dito." "At nagagalit ka dahil lang diyan? Ma