Kumuha siya ng plato at inilapag sa mesa nang maupo si Joaquin. Sinalinan nito ang kanyang bowl at kumuha na rin ito ng sariling pagkain. "This one is taste so good. Magaling kang magluto Arabella. Tinalo mo pa ang mommy." "Sinasabi ko sa 'yo Joaquin, huwag na huwag mo 'yang ipaparinig sa mommy mo at magtatampo 'yun sa 'yo." "No, my Mom is cool. Mabait iyon and she's my favorite person." "May kapatid ka ba, Joaquin?" Naisipan niyang itanong. "No, pero magkaedad kami ng limang pinsan ko at parang magkakapatid na rin kami. Except that we're not living under the same roof." "Mga lalaki din ba sila?" Parang na-curious siya sa closeness ng sinasabi nitong mga pinsan. "Yeah, pero meron kaming nakakabatang pinsan na babae, si Bea," he sweetly mentions her name. Tumango-tango lamang siya