J-7

1154 Words
J-7 HANGGANG makarating sila ng bahay ay walang namuong usapan sa pagitan nilang dalawa ni Cole. Ayaw niya rin namang sa kanya magsimula ang conversation nilang dalawa. Nakahilata na siya sa kama at malalim ang iniisip niya. She's thinking about traveling abroad but she's too young for that. Okay sana kung kaya pa ng Lolo Miguel niya ang bumiyahe nang bumiyahe sa mga lugar na gusto niyang puntahan. Pero biglang pumasok sa utak niya ang lalaki. Hindi mawala sa isip niya ang katotohanang may asawa na pala ito. And she's balancing her emotions too. Nakakaramdam kasi siya ng disappointments at sadness. Nasuklay niya ang kanyang buhok gamit ang sariling mga daliri. "Jenny, it's time for dinner," tawag sa kanya ng lalaki mula sa labas ng kanyang silid. Agad siyang napabangon at lumapit sa pinto. Binuksan niya ito. Ang mukha agad ng lalaki ang nabungaran niya. Lumabas siya at isinirado ang pinto. Hindi niya ito pinansin. Umuna siya sa pagbaba sa hagdan at tinungo ang kusina. Umupo siya sa hapag at nagsimulang kumain. Narinig niya ang paghila nito ng silya. When she looks at him, umupo pala ito sa tabi niya. "Are you still mad at me," panimula nito habang kumukuha ng kanin. Yumuko siya at pinaglaruan ang salad sa kanyang plate. "Jenny," tawag nito sa kanya ngunit hindi pa rin niya ito pinansin. Ngunit nagulat na lamang siya nang kunin nito ang kaliwang kamay niya. Agad siyang napatitig sa lalaki. May inilagay ito sa palad niya. "Peace offering. For scolding you," anito at alanganin pang ngumiti sa kanya. Nang tingnan niya ang ibinigay nito'y agad niyang nakagat ang kanyang labi. It's a Kylie lipstick. "Lipstick?" aniya pa at pinipigilan ang sarili na huwag matawa. "Yeah. I decided to give you that so your lips wouldn't look so pale. Yeah, I know it's a girls stuff but..." Bigla itong nahiya sa regalong ibinigay nito. "Just take it," dugtong na lamang nito. "Kailan mo lang nabili ito?" usisa niya pa. "Hmm, last week. I went to a souvenir shop but I couldn't find a decent gift for a woman so I just headed straight to the cosmetic shop then I bought a set of lipstick with different shades." Tumikhim pa ito. "Don't get me wrong but the attendant offered me that and what else I could do for? I just bought it," he explained. Konti siyang napatawa but then she bitterly smiled when she realized that it's a gift for a woman. "Para sa asawa mo?" wala sa sarili niyang natanong. Again, his face became serious and look away. "No. It's for my best friend's wife. She loves to wear different shades of lipstick and her husband favored me to buy it for her." Napatango-tango siya. Kanina pa niya nahahalata na para bang umiiwas ito sa tuwing napapadako ang usapan tungkol sa asawa nito. "Salamat dito," aniya na lamang. Tipid din naman siyang tinanguan nito. Pagkatapos ng maikiling usapan sa pagitan nilang dalawa ay hindi na ito nasundan pa hanggang sa pareho na silang dalawa na natapos sa pagkain. MATAPOS ang dinner ay kanya-kanya na silang pasok sa kanilang mga kuwarto. But Jenny is still wondering about Coles whereabouts. Pakiramdam niya kasi'y napakamisteryoso ng pagkatao nito. Of course she can't deny the fact that he is a type of a man which a woman could really wish to have for but he is a bit different from any other guy. Masiyado itong ilap kapag personal na buhay na ang tinatanong. She sighed. Pakialamera man siya kung tawagin ngunit may karapatan din naman siyang malaman ang mga bagay tungkol dito. Ito na ang personal na doktor ng kanyang Lolo Miguel kaya nararapat lang na mang-usisa siya. Mariin siyang napapikit at napadilat upang titigan ang hawak-hawak niya pang lipstick. Sooner or later, malalaman niya rin kung ano nga ba ang totoong ugali at pagkatao nito. EARLY bird catches the worm. That was her Lolo Miguel always tells her, kaya naman alas quattro pa lang ng madaling araw ay gising na ang diwa ni Jenny. Bumaba siya sa kanyang kama at isinuot ang kanyang roba. Lumabas siya ng kuwarto niya at nagtungo sa kusina para ipagtimpla ang sarili ng mainit na gatas. Alam niya kasing ngayong oras na ito'y tulog pa ang mga katulong sa bahay at gusto niya rin naman iyon na siya lang ang gumagawa ng mga simpleng bagay na kaya lang nama niyang gawin. "Oh my god!" bulalas niya nang biglang sumulpot ang lalaki mula sa sa kanilang pantry. Nasapo niya ang dibdib upang pakalmahin ang kanyang sarili dahil sa biglaang gulat. "Sorry. Good morning Jenny," nakangiting bati ni Cole sa kanya. "Morning," simpleng sagot lang din naman niya. Lumapit siya sa isa sa mga kabinet upang hanapin ang lalagyan ng gatas. "Maaga ka yatang nagising," basag nito sa katahimikan. "Ahm, oo," maikli niyang sagot. "Gatas?" Doon niya nilingon ang lalaki. Hawak nito ang lalagyan ng gatas. Nahihiya na lamang siyang tumango. "Take a sit. Ako na magtitimpla." "Pero..." Nginitian lamang siya nito at pinaghila siya ng silya. Alanganin man ngunit umupo na lamang siya habang pinagmamasdan ang likod nito. Ngayon niya lang yata napagmasdan ng husto ang kabuuan nito. His broad shoulders that obviously molded in the gym. His firm muscles in his arms yet she thinks it was gentle to touch them. Matangkad din ito at may itsura. Napakasuwerte ng asawa nito. "Here," anito. Agad siyang nag-iwas ng tingin at kinuha ang gatas na bigay nito. Umupo ito sa tabi niya at humigop din ng kapeng tinimpla nito. Bigla naman nitong kinuha ang jacket na nakapatong sa mesa at ipinatong sa kanyang mga hita. "You should wear pajama para hindi ka malamigan 'pag ganitong gigising ka ng maaga." Nahihiya siyang tumango at nakagat ang kanyang labi. He's caring. "Maybe I was wrong," panimula niya at bumutong-hininga. "Hmm? About what?" Kumikit-balikat siya. "For judging you. Na hindi ka naman bastos at oo na, kasalanan ko na," pag-amin niya. Pino naman itong tumawa. "It's okay. Just don't kick any balls again," anito nang nakatawa. Hiyang-hiya naman siya sa sinabi nito. "Sino ba kasi nagpasuot sa iyo ng ganoon?" Ngumiwi siya. "Ang Lolo Miguel ko, saka gusto ni Ninang Emilda rin iyon," paliwanag niya at hindi namalayan ang pagnguso ng kanyang mga labi. Tumawa ito ulit at biglang ginulo ang kanyang buhok. "You're so cute Jenny," anito at saglit siyang natulala sa sinabi nito. Tumayo ito at kinuha ang tasa ng kape. "I'll go ahead Jenny, see you later at breakfast," paalam nito at marahang tinapik ang kanyang kanang balikat. Iniwan siya nitong lutang. Wala pa sa sarili niyang nahawakan ang kanyang ulo at agad na tinapik ang magkabila niyang pisngi. Uminit kasi itong bigla. Nakagat niya ang kanyang hintuturo. Pakiramdam niya'y may maliit na insektong umiikot sa kanyang tiyan. Weird. Dali-dali niyang inubos ang kanyang gatas at agad na tumayo upang ilagay sa sink ang baso. Bumalik siya sa kanyang kuwarto dala ang jacket ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD