Ilang araw matapos ang pangyayari inaliw ni Scarlet ang kanyang sarili sa kanyang maliit na online business at school. Malapit na rin siya mag college, fourth year siya ngayon sa susunod na pasukan ay first year na siya. Sa awa ng Dios walang bunga ang ginawa ng halimaw na lalaking iyon sa kanya
Ang kanyang kapatid naman ay nakakuha ng study now pay later plan sa kanyang pag aaral kaya medyo nakaluwang na sila. Malapit na rin matapos kapatid nya at third na sa medicine proper next year with God’s help and guidance mag PGI na siya.
“Scar kakain na tayo ng hapunan, tawagin mo din kuya mo sa silid nya”
Tawag ni Lola sa akin.
“Opo La pababa na po kami.”
Pinuntahan ko muna kapatid ko sa kanyang silid bago bumaba.
Knock knock knock
“Kuya bababa na ako sumunod ka na.”
Sumagot siya nag….
“Sige Sis susunod na ako sayo.”
“Magandang gabi po Lo La hmmm ang bango naman ng ulam La at paborito ko pa humba tsktsktsk tataba ako nito La.”
Tumawa ang dalawang matanda
“Dyos ko naman Cara mabilaukan ka, saan mo nilalagay yan pagkain ha eh ang payat mo para kang malnourish pero ang lakas kumain, kaya nagigiliw akong magluto dahil sayo pagnakikita kitang kumain ng ganyan naisp ko paano na lang kung walang pagkain baka maging stick na lang si Cara.”
Sumambulat kaming lahat ng tawa kasama si Kuya na kakapasok lang.
“Cara kumusta na online business mo, ok lang ba?”
“Sa awa ng Panginoon Kuya ok naman malakas pa rin, beauty product kasi at ako pa ang model sa ganda ko namang ito lahat ng makakita ng live ko ay naeenganyo talagang mag mine.”
“How about pag aaral mo, sigurado ka bang makakuha ka ng scholarship?”
Tiningna ko siya….
“Kuya marami akong inaplayan and nag take na ako exams nila but wala pa result but kung wala naman kaya ko naman itaguyod pag aaral ko kahit nga sayo pwede pa ako magbabayad” pagmamalaki kung sagot sa kanya.”
Umiling Kuya ko at tumawa ng marahan.
“Mayabang na babae itong kapatid ko, ano gusto mo kunin sa college mag Business Management ka ba?”
Sagot ko naman sa kanya…
“Naku hindi po, marunong na naman ako dumiskarye sa business iba naman kuya gusto ko mag Nursing para naman maging Nurse mo ako pag Doctor na kayo kung Surgeon ka dapat ako Surgery Nurse din para maging OR tandem tayo…”
Ngumiti ng malapad si Kuya Nead at tinapik ang ulo sabay sabi….
“Ganyan ang gusto ko sayo kaya mahal na mahal kita kapatid dahil sobra kang supportive sa akin but Cara wag kalimutan sila Lola at Lola sa mga plano natin kasi hindi nila tayo kaano ano binuhay nila tayo na parang mga apo nila na tunay kumayod sila para makapag aral tayo at dapat natin sila suklian.”
Seryoso ko siyang sinagot…
“Yes kuya makakaasa ka sa akin na hindi ko yan makakalimutan, ano nga pala oras ng duty mo ngayon Kuya?”
“Alas Onse maya aalis ako matapos natin kumain Lo La ingat kayo dito ha.”
Ngumiti ang mga matanda at nagpasalamat ang dalawa kay Kuya Dean.
“La ako na po magliligpit nito rest na po kayo at ito po La pandagdag gasto po natin, pagmakaluwag luwag po ako bili tayo ng washinng machine with dryer para d tayo mag problema pagsapit ng maulan na panahon at less hassle din sa inyo ni Lolo.
Binigyan ko si Lola ng five thousand pesos para pang grocery at pang palenke.
Ang nangyari sa akin ilang buwan na ang lumipas ay isang bangungot na tuwing gabi ay nagpaparamdam sa akin at parang movie na ako ang nanood kaya para naman makalimutan ko ito at magbabasakali na hindi na maulit need ko mag aral at mag online selling bago ako matulog para hindi ako dadalawin sa pagtulog. Kaya after ko magligpit ng pinagkainan namin agad nag online ako at ang mga mines ng aking mga suki ay babaunin ko sa pagtulog at ang mga inaral ang tatatak sa isipan ko para maiwasan ko balikan ang nakaraan.
Nararamdaman ko ang mga haplos nya ang kanyang mga labi dila at ngipin na pinagpyestahan ang balat ko ang nga kamay niya na nasa kasilanan ko na kahit ayaw ng isip ko pero ang aking katawan ay iba ang sinasabi
Nagising ako sa katok sa pinto ko, si Lola ginigising ako para sa umagahan… nanaginip na naman ako, at galit ako sa sarili ko na bumibigay ito palagi. Ang mga salita ko ay ayaw ko talaga minumura ko siya peri ang katawan ko nag eenjoy sa bawat dantay ng mga labi nya sa bawat masahe ng mga kamay nya at sa bawat bulong nya ay sinasang ayunan ng katawan ko.
“Susunod na po ako La.”
Lumabas ako nga kwarto at dumeritso sa kusina para kumain at ng matapos agad akong naligo para makalakad na patungong school bitbit ang mga beauty products na pinag mamine ng mga titser ko at mga schoolmates at classmates ko.
“La alis na po ako ingat po kayo sa palenke La at Lo ingat sa pag drive ng rela mo ha ayaw kung masugatan si Lola a ikaw ayaw kung mapahamak.”
“Sige anak ingat ka din.”
Pagdating ko sa school nakaabanh na silang lahat ang mga suki ko para kunin ang mga binili nila, ang iba nakapagbayad na through gcash at iba naman ay cash on delivery.
“Scarlet salamat dito ha at yun discount ko sa sunod pareho pa rin ha.”
Sabi ng aking Titser sa English…
“Of course basta ikaw po matik yan Maam.”
Kapag naglalive ako lahat ng mag regular customer ko a binibigyan ko ng five percent to ten percent discount depende kung ilang items sa kanya kaya patok ang live selling ko.
Sa isip ko ang binayad sa aking p********e na winasak ng halimaw na yun ay nagawa kung gamitin sa positibo.
“Scarlet pinapatawag kayo ni Principal.”
Hala bakit kaya nagtatanong ang isip sige para dinako mag panic puntahan ko na ngayon recess time.
Knock Knock Knock
“Pasok”
Sabi ni Principal Lopez.
Pumasok ako at kahit na kinakabahan ako may ngiti pa rin ang nga labi ko.
“Good morning po Madam Principal!”
“Maupo ka Scar madali lang ito nandito na lahat ng resulta ng scholarship exam and you are so blessed ang dami mong napasahan, lahat ata ng universitiies ay scholar ka CONGRATULATIONS karangalan din ito ng ating High School at pagbutihin mo ang iyong pag aaral strive for the best and for being the best Scarlet CONGRATULATIONS AGAIN.”
Binigay nya sa akin ang Notice Letter ng mga universties
“Madam salamat po”
Kinamayan niya ako at nagpaalam na ako sa kanya na may ngiti ang mga mata at labi.
Pagkatapos na klase namin sa hapon ay pumunta ako ng simbahan nag attend ng mass.
Habang ang mga mata ko ay nakasentro kay Papa Jesus sa center ng altar ng simbahan after ng misa …
“Papa Jesus salamat po sa grasya na iginawad nyo sa akin ngayon masyado po akong blessed gagawin ko po ang lahat na maging magaling ako sa klase para naman yun trust na binigay mo sa akin ay masuklian ko po at para maging maayos po ang buhay namin magkapatid. Alam nyo po Papa Jesus kahit wala na po kaming mga magulang andyan po ang umanpon sa amin nagpapasalamt po ako sa inyo na sa kanila po kami napunta at Papa Jesus hihirit pa po ako please po patnubayan nyo po Kuya ko siya lang po ang nag iisang kapatid ko ayoko po mapareho siya sa mga magulang namin na nawala na parang bula dahil sa mga taong walang puso.