Sa kahabaan ng Maharlika Highway between Agusan del Sur and Surigao del Sur may bumabaybay na isang black heavily tinted na Toyota Hilux sa loob nito ay ang mag asawang Dean and Love Morales at sa likod ng sasakyan ang kanilang dalawang anak na si Nead and Evol. Masayahin silang pareho, si Dean ay isang Mining Engineer at ang asawa naman nitong si Love ay isang Doctor.
Ilang sandali sa walang kabahayan na lugar pinaulanan ng bala ang kanilang sasakyan at yun ang dahilan ng pagka disgrasya nito.
Nang makita ng mga salarin ang sitwasyon ng sasakyan ininspekyon nila ang mga pasahero at nakita nila na wala ng buhay ang mag asawa ang anak na lalaki nito ay maraming sugat pero ang 2 years old na babae ay tulog na tulog sa kanyang car baby crib walang kamalay malay sa nangyari.
May tinawagan ang leader ng grupo sa phone niya
"Boss wala na ang mag asawa pero ang lalaking anak may mga sugat pero hindi naman delikado nawalan lang ng malay at ang bunso na babae ay tulog sa crib nya walang kamalay malay."
Narinig nya ang pagmumura ng kabilang linya.
"Wala akong alam na may kasamang mga bata, dalhin mo sila sa clinic ni Dra Benitez sa Butuan malapit na ba kayo ilang oras kaya?"
Sumagot ang leader ng grupo
"Around 30 minutes pa Boss."
"Sige go na men baka maabutan pa kayo ng Papa November dyan..linisin ang lugar...."
"Yes Boss."