Habang nililibot namin ang Hospital panay ang tingin sa akin ni Ma'am Flores kahit na busy siya mag explain about sa libreng panggagamot dito Hospital ay palagi pa rin niya akong sinusulyapan na akala mo mawawala ako sa paningin niya anytime.Alam ko malaking gulat talaga na makita ako na exactly like Mama ang mukha at pangangatawan at sabi pa niya pati boses ko daw ay kapareho talaga kay Mama. Narating namin ang isang ward doon para sa mga bata,pumasok kami at nakita kung meron mangilan-ngilan na admite doon na mga pasyente then meron isang Mamana lumapit sa akin at naglakas loob talagang tanungin ako if kamag-anak ko ba si Dra Love dahil daw naging pasyente daw siya nito ng buhay pa si Mama at para daw ako talaga si Mama ang deprensya lang daw ay ang mga buhok namin ang akin daw ay mahab