Nagising ako sa sobrang sakit ng puson ko, Pucha! Ito ‘yong ayaw ko sa pagiging babae, eh! Kung mayroon lang sanang switch option sa buhay natin, magpakalalaki na lang ako. Bumangon na ako sa kama dahil hindi puwedeng magtagal pa ako sa higaan kasi baka matagusan lang ‘yong bedsheet, more hassle pa!
Pagtayo ko ay saktong napatingin ako sa salamin, hawak-hawak ko ang puson ko at ang mukha ko ay namimilipit sa sakit ngunit medyo napangiti ako dahil ang ganda ko pa rin kahit nasasaktan!
Dumiretso na ako sa baba pagkatapos kong ayusin sarili ko. Tiningnan ko ‘yong oras sa wall clock namin ngunit 3:30 AM palang! Badtrip naman! Ang aga-aga pa tapos sobrang sakit pa ng tiyan ko. Sinuot ko na lang ‘yong blouse no’ng uniform namin kahit maaga pa ngunit sinampay ko lang ‘yong jumper skirt kasi baka magusot.
Humiga lang ako sa sala ng nakadapa pero dahil sa sobrang pamimilipit ko sa sakit ay nakatulog na lang ako.
Nagising lang ako sa ingay nila mama at papa kanina ‘tsaka ko inayos sarili ko. Bago ako pumasok ay uminom ako ng gamot at nagdala na rin ng gamot para may mainom ako mamaya kapag aatakihin na naman ako ng cramps.
“Okay ka lang?” Tanong ni Gon, iyong isa naming barkada ni Deborah.
Inirapan ko lang siya kasi wala ako sa mood para makipag-usap sa mga tao. Sobrang sakit kasi ng puson ko pero ayaw ko talaga lumiban sa klase kasi nakakapanghinayang ‘yong lesson.
“Alanna, ipinapatawag ka ng kuya mo. Puntahan mo raw siya sa tambayan niyo!” sigaw no’ng secretary namin dito sa room na super fan ni Kuya. Nginitian ko lang siya; sign iyon na papunta na ako kung kaya’t umalis na siya.
“WOW!” biglang sigaw ni Gon kung kaya’t nagulat ako at bigla ko siyang binatukan.
“Anong problema mo Gon?! Pake ko ba kung nakalabas ka sa finish line!”
Tinitigan lang ako ni Gon ‘tsaka siya tumawa ng malakas. Inirapan ko na lang siya ‘tsaka na ako tumayo para mapuntahan ko na si kuya.
“Ingat ka Alanna! Isa ka pa namang misandrist, baka makapatay ka ng half population nitong school natin!” Sigaw niya ‘tsaka tumawa ulit.
Paano naman ako naging misandrist?! Mukha ba akong nangangain ng boys?! Sino ba sila para pagtuunan ko ng pansin? Mga salot lang naman sila sa lipunan, pare-pareho lang mga ugali nila, mga masamang d**o! Charot lang po susej!
Hindi na masyadong masakit puson ko kung kaya’t itinakbo ko na ang daan papunta sa tambayan naming ni kuya dito sa school. Nasa likod lang naman iyon ng music room kaya malapit lang.
Pagpunta ko palang sa entrance no’ng tambayan namin ay naririnig ko na ang tawanan nila kuya ‘tsaka no’ng isang lalaki na ewan ko kung sino kasi kakarating ko palang. Naramdaman na siguro ni kuya ‘yong presensya ko kaya sila napatingin sa’kin.
Biglang sumikip ang dibdib ko matapos ko makita ang mukha no’ng kasama ni kuya. Siya ‘yong lalaking ginamit ako noon para lang makaiwas doon sa jeje niyang fan girls. Hindi ko naman siya masisisi kasi kahit ako matatakot kapag hinabol ako ng mga babae na minor pa lang sobrang dark na ng shade ‘yong liptint tapos nasa malayo ka palang amoy mo na agad ‘yong dapat hindi maamoy.
Alam ko namang body odor is normal, pero I would never tolerate it! Bakit pa nagkaroon ng word na ‘proper hygiene’ kung hindi rin naman gagamitin? Is it hard to take a bath properly and check yourself after a long sunny day?
Hindi na lang ako nagreact kasi baka malaman pa ni kuya na tumakas ako noong time na ‘yon kung ipapaalala ko pa ‘yong insidente. Ayaw kasi ni kuya na gumagala ako or pumapasok kapag may masakit sa akin.
“Ano ‘ya? Wachu prob lodikiks?” I asked with some alien words.
“I-tour mo ‘tong punyetang ‘to,” He replied, sabay turo roon sa mabangong nang-corner sa akin.
Nginitian lamang ako no’ng punyeta kaya inirapan ko siya. Binigyan ko naman nang masamang tingin si kuya dahil alam niya kung gaano ako kailap sa mga lalaki tapos ako pa ‘yong naatasan niyang magtour diyan sa alaga niya? Ha! Rold tabang!
“Bakit hindi na lang ikaw kuya? Total alaga mo naman ‘yan!”
“Wala kang matatanggap na panibagong libro ‘tsaka mga damit at sapatos sa pasko kapag hindi mo sinunod favor ko,” He said, ‘tsaka niya kinuha bag niya.
“Kuya!” reklamo ko ‘tsaka ako nagpagulong-gulong sa damohan, charot!
“Alanna Kier, take it or leave it?”
Wala na akong magagawa kaya inirapan ko na lang siya ‘tsaka ako pumunta sa tabi nitong punyetang ‘to. Kung hindi lang talaga ‘to mataas at mabango baka pinabayaan ko na lang ‘yong blackmail ni kuya eh!
“Tol, sabihin mo sa akin kapag inaway ka niyan ha? ‘tsaka ‘yong bilin ko kanina ‘wag mong kakalimutan… Una na ako sa inyo Kier, may reportings pa kami.” sabi ni kuya ‘tsaka niya inirapan itong lalaking hindi ko kilala.
“So bakit mo kaibigan kuya ko?”
Ginaya niya ‘yong pwesto kong nakapamewang ‘tsaka niya rin ako tinaasan ng kilay. Aba! Aba! Sumasapaw!
“Kasi ako si Havoc Yvon Medina,” He stated.
“Oh nasaan?”
Tumayo siya nang maayos at inayos ‘yong pagkakakapit niya sa bag niya.
“Anong nasaan?”
“Nasaan pake ko Yvon Medina?” I replied ‘tsaka ko siya inirapan… ulit, napahagikhik naman ako kaunti.
“Mamayang hapon na tayo mag start or sa Saturday na lang kasi baka may practice kami mamayang hapon ng volleyball and puwede rin namang pumunta rito kahit sabado, huwag lang linggo. Okay?” I added.
Tumando lang siya ‘tsaka niya ako tinitigan, parang tanga amputcha!
“May kahawig ka,” He blurted ‘tsaka ko rin siya tinitigan.
Habang tumatagal ‘yong pagtitig ko sa kaniya ay hindi lang ‘yong aura niya ‘yong nagiging familiar, pati na rin ‘yong features niya.
“Weh? Who?”
Nagkibit-balikat lang siya. “Ayokong sabihin, baka majinx… By the way, mauuna na rin ako kasi nagugutom na ako or sabay na lang tayo sa canteen?” he asked ‘tsaka na siya naglakad agad.
Okay din naman ‘yong suggestion niya kaya tumando na lang ako kahit hindi niya ako nakita dahil sa nakatalikod siya.
I am bothered because of what he said. Mas magiging bothered pa ako kung familiar din ba ‘yong aura ko sa kaniya.
“Nga pala, I still haven’t introduced myself properly to you,” I said ‘tsaka ko mas binilisan pa ang paglalakad para makasabay siya.
“Nasaan?”
“Anong nasaan?” I asked.
Parang tanga amp, bigla-biglang magtatanong kung ‘asan, napaka layo sa topic—
“Nasaan pake ko?” he cut me off ‘tsaka siya natawa pagkatapos no’n.
Tinigil ko na lang bigla ang paglalakad ko… tatlong lakad na ang naging pagitan naming dalawa bago niya napansing wala na siyang kasabay. Medyo hindi ko ‘yon nagustuhan ngunit wala akong karapatan para magreklamo kasi ‘yon din naman ‘yong ginawa ko sa kan’ya kanina.
Kinalma ko na lang ang sarili ko ‘tsaka ako tumakbo papalapit sa kaniya na hininto naman ang paglalakad matapos mapansing hindi ko na siya sinasabayan.
“Pero seryoso, my name is Alanna Kier and basing on the color of my uniform, grade 10 pa lang ako,” I stated ‘tsaka ko siya binigyan no’ng pangmalakasan kong smile.
“Okay.”
Ang tipid amputcha, hindi naman sana siya guwapo! Charot!
Inirapan ko na lang siya ‘tsaka ako naglakad ng mabilis, bahala siya riyan. Anong sabay-sabay? Walang magsasabay mag lunch dito.
“Sige lang Ali, pabayaan mo ako rito at wala kang matatanggap na libro sa pasko!” sigaw niya no’ng medyo kalayuan na ako sa kanya.
Kahapon pa ako nabibwiset sa lalaking ‘to. Cinorner na nga ako tapos iba-blackmail pa ako? Isama mo pa ‘yong pag-iba niya ng pangalan ko? Sino ba siya? Hah! Ano’ng Ali? Kailan pa ako naging Ali?
Kinamot ko ng marahas ‘yong ulo ko ‘tsaka ko siya hinintay na mapalapit sa akin. Bigla niya naman akong inakbayan noong nakalapit na siya sa akin ngunit pinabayaan ko na lang kasi bumabalik na naman ang sakit ko sa puson.
Nandito na kami sa canteen at nakaupo na ako sa nahanap naming pwesto ngunit nakayuko lang ako dahil sa umatake na naman sakit ko sa puson, nakalimutan ko pa naman ibulsa ‘yong gamot ko kanina.
“Masakit ba puson mo?” tanong nitong kumag na kaharap ko kaya tumango na lang ako kahit na gusto ko pa siyang
irapan.
“Bakit ka pumasok? Isusumbong kita kay Kiel!” He said ‘tsaka siya natawa ng parang demonyo.
Wala na akong nagawa at ipinikit ko na lang ang mata ko habang nakayuko dahil hindi ko na kaya ang sakit. Nanghihina lahat ng katawan ko… nanlalamig din.
Narinig ko pa ang mga pagtawag ni Havoc pero bahala siya riyan, hindi ko na kaya ‘yong sakit putcha!