SCARLETT’s POV
Two weeks later...
“Mommy! Wake up! Aalis na tayo nila daddy!”
“Uhmm...”
“Carrie, mamaya pa naman tayo aalis, Let her rest.”
“Kuya—”
“Carrie.”
“Okay,”
Napadilat ako ng makitang lumabas na silang dalawa sa kwarto ko kaya napangiti na lang at umunat na. Nahagip ko ang malaking orasan at napansin kong tanghali na kaya nanlaki ang mga mata ko tsaka ako bumangon sa kama.
Damn. Tinanghali na ako ng gising.
Tumakbo na ako sa banyo para gawin ang routine ko, hindi ko pa alam kung anong susuotin ko. Nilabas ko na lahat ng maaari kong suotin pero hindi pa rin ako makapili pero natigilan lang ako ng maalala ko kung bakit nga ba ako namimili ng susuotin?
Sasama lang naman ako para sa mga anak ko at hindi para kay Dominic. Oh, damn you, Scarlett.
Kung ano na lang napili kong damit yun na yung sinuot ko. Ah" basta bahala na hindi naman party pupuntahan ko, TSK.
Pagkatapos kong gawin lahat ng routine ko lumabas na ako ng kwarto ko para puntahan ang mga bata.
“Don’t cry, baby Carrie,”
Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Kuya Carter kaya pumasok ako sa kwarto ng kambal at napansin kong umiiyak si Carrie.
“What happend?!” Tanong ko at nilapitan ko sila. Tumingin ako kay kuya Carter na napapailing.
“Nakita niya si Dominic na umalis kasama si Sophia at ang anak nila.” sambit ni Kuya Carter kaya napakunot ang noo ko at nilingon ko muli si Carrie na umiiyak pa rin.
Kumuyom ang mga kamao ko at niyakap ko na lang ang anak ko habang pinapatahan ko siya.
Wala kang isang salita, Dominic. Binigyan na kita ng pagkakataon para bumawi sa mga anak mo pero hindi mo pa rin magawa.
“Si Sophia ang nag-aya kay Dominic na mamasyal kasama ang anak nila.” sambit ni Kuya Carter at napabuntong-hininga. “I can’t believe, Sophia use her child for this, TSK.”
Napakagat na lang ako sa labi at huminga ng malalim bago ko nilingon si Kuya Carter. “Pwede bang iwan mo muna kami kuya?” tanong ko. Tumaas lang ang kilay niya pero tumango naman siya at lumabas na ng kwarto ng mga bata.
Bumuntong-hininga naman ako at humiga ako sa tabi ni Carrie. “Anak, it’s me, mommy.” bulong ko. Sumilip naman siya at niyakap na niya ako tsaka siya humagulgol ng iyak.
Damn you, Dominic!
“M-mommy, I thought daddy wants to be with us today,” sambit ni Carrie. Hinimas ko naman ang likuran niya at hinalikan ko siya sa buhok.
“Pwede naman tayong umalis ng tatlo lang tayo, okay? Iba na kasi ang sitwasyon ngayon anak.” Ngumiti ako at pinunasan ko ang mga luha niya.
“Mom is right. We can play today with mom.” sambit naman ni Agustin kaya napalingon naman ako sa kan’ya habang ang mga kamay niya nakasuksok sa bulsa na naglalakad palapit sa amin.
Napahawak naman ako noo dahil sa kinikilos niya. Limang taon pa lang si Agustin pero parang binata na siya kung kumilos. Sumasama kasi sa mga pinsan ko kaya natututo siya ng kung anong mga bagay. They are still my babies.
"Really, kuya?" paniniguro ni Carrie sa kuya niya.
Nakangising tumango si Agustin kay Carrie na yumakap din sa'kin kaya napangiti na lang ako at pinunasan ko ang mga luha ko nang makitang naiintindihan ng mga anak ko ang sitwasyon.
"Gusto niyo mag-swimming?" Tanong ko sa kanila.Nanlaki naman ang mga mata nila at sabay silang tumango sa akin.
"Yehey!"
Napangiti na lang ako dahil excited silang nagbihis para maligo sa pool area.
"We can ask our tito and tita to teach us how to swim, kuya."
"Of course, we can."
Masayang silang bumababa ng hagdan at napatakbo na sa pool area. Nakangiti naman akong sumunod sa kanila.
Nakasalubong ko naman si nanay Lydia na nagtataka kung bakit hindi pa rin kami umaalis.
"Oh, akala ko ba mamasyal kayo?" tanong niya. Nawala naman ang ngiti ko pero pinilit ko pa ring ipakita kay nanay Lydia na maayos lang kami.
"Mag-swim na lang daw sila," sagot ko. Tumango naman siya sa'kin.
"Ipaghahanda ko kayo ng miryenda,"
Tumango lang ako kay nanay Lydia bago ako sumunod sa mga bata.
Nakita ko na ang magkapatid na kuya Erin at Rios na naka trunks na at kasama ang mga bata kaya pumunta na lang ako sa gilid para ilapag ang towel nila at umupo na lang.
"Mommy!" Masayang tawag sa'kin ni Carrie at kumaway sakin kaya nginitian ko lang siya at tinanguan.
Nawala na rin ang lungkot niya dahil sa dalawang pinsan ko na kasama nila.
"Wala kayong work today, kuya Erin?" tanong ko sa kan'ya. Umiling lang siya sa'kin at ngumisi.
"I'm the ceo, so walang problema kung hindi ako papasok," nakangising sambit niya sa'kin na napangiwi naman ako.
Edi sila na mayaman, TSK.
"Kahit na, mamaya ma bankrupt pa ang company mo!"
Ngumisi lang siya at kumindat sa akin. "Hindi mababankrupt 'yon magagaling mga empleyado ko," sambit ni Kuya Erin. Binatukan naman siya ni Rios.
"Lol! Nanakawan ka ng mga tao mo!"
"Hindi nila magagawa 'yon."
"Wow!"
Napailing na lang ako sa dalawang magkapatid na 'to. Pa easy easy lang talaga sila, ano? Kung sabagay, sariling sikap din naman kasi nila ang mga negosyo nila.
Bawat isa sa kanila may sari-sariling company na ibibigay ang chairman pero ang mga pinsan ko ayaw naman nilang i-asa ang lahat kay chairman, kaya habang binata pa sila nagpapatayo na sila ng sarili nilang business kaya mas lalo silang yumayaman, TSK.
Habang ako, pinaghirapan ko rin kung ano ang meron ako pero ang sabi ni uncle Carlito, nakapangalan daw sa akin ang mga properties ni lola na alam kong si dad ang humahawak.
"Hoy! Bakit hindi kayo nag-aaya?"
Napalingon naman kami sa dumating. Napangisi na lang ako nang makita si Lux at Ara, mukhang galing pa yata sila sa sarili nilang agency.
"Gusto ko din mag-swimming!" sigaw ni Lux at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mga anak ko. "Oh my gosh! Hi baby Carrie and baby Agustin!"
Kumaway lang si Carrie sa kanila at tinanguan lang sila ni Agustin na sobrang busy dahil nakikinig siya sa mga sinasabi ni uncle Rios niya sa kanya.
Natatawa na napapailing na lang ako dahil parang mga bata ang mga pinsan ko na nakikisabay sa mga anak ko, kaya ang mga anak ko halata sa kanila na masaya sila dahil nakasama nila ang mga tito at tita nila.
"Nakita mo na si Solen Madrid, ‘di ba?"
Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa tabi ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil para siyang kabute na bigla na lang sumusulpot.
"Minsan ipaalala mo naman sa akin na kasama ka pala namin," Inis na sambit ko sa kan'ya.
Ngumisi lang si Kuya Carter at nakapamulsa siya habang nakatingin sa mga anak ko at sa mga pinsan naming nasa may pool area.
"You met her, right?" tanong niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya.
Lumingon siya sa akin. "I mean, Solen Madrid. You met her."
Natigilan ako pero tumango lang ako sa kanya. Tinawagan ko siya nung nakaraang linggo kung kilala niya si Solen Madrid pero hindi naman siya sumagot. Minsan talaga nakakapaghinala na yung mga kinikilos ni Kuya Carter.
"Gusto niyang mag-invest sa bar pero ininsulto niya ako, TSK." I rolled my eyes at napakrus ang mga braso ko. "Hindi ko siya kilala. Wala akong kilalang Solen Madrid sa business industry." sambit ko, at nilingon ko si Kuya Carter pero natigilan ako sa ngisi niya.
"Mag-iingat ka sa kan’ya. Lalo na sa mga taong ahas." sambit niya. Kumunot ang noo ko dahil parehas sila ng sinasabi ni Rios.
"Do you know her? Anong nalalaman mo about her?" Tanong ko sa kanya. Natawa at napangisi lang siya.
"Let say, may alam ako tungkol sa kan’ya pero hindi ko pa masyadong nakukumpirmado kung sino ba talaga siya."
Napangiwi naman ako dahil minsan para talagang alien si Kuya Carter magsalita. Minsan maiintindihan mo siya, minsan naman hindi pero lahat naman yon may kahulugan.
Napailing na lang ako at napabuntong-hininga. "Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Para lahat ng mga tao na nasa paligid ko may tinatagong lihim na ayaw nilang malaman ko." sambit ko habang nakakunot ang noo ko. "Hindi ko alam kung may pagkakatiwalaan pa ba ako rito o sarili ko na lang talaga ang pagkakatiwalaan ko." Nilingon ko si kuya Carter na nawala na ang ngisi. "What do you think, Mr. Knight?" Tanong ko.
Hindi naman siya sumagot pero parang may malalim siyang iniisip. I know kuya Carter, mas sinasarili niya ang mga plano kaysa magsabi sa iba. Kaya nga bumibilib ang buong angkan namin sa kanya.
"Pinarusahan niyo si Dominic ng walang consent ko. Pinatawad ko kayo dahil alam kong karapatan niyong gawin ’yon pero..." Ngumisi ako at sumandal ako sa upuan. "H’wag niyo sanang kakalimutan na may kasalanan din ako. I deserve the punishment but you’re against it." sambit ko at bumalik ang tingin ko sa kan’ya na tahimik pa rin siya.
"Kuya, nakikinig ka ba?" tanong ko at napakurap naman siya tsaka niya ako nilingon at nilapitan para guluhin ang buhok ko.
"I’m leaving, I have something to do." sambit niya at nginitian niya ako bago siya umalis sa harapan ko pero napatingala pa siya sa terrace kung nasaan ang kwarto ng chairman kaya tumingala rin ako at nabigla ako nang makita ko si chairman.
"L-Lolo..." Bulong ko. Napalingon naman siya sa'kin at tumalikod na para pumasok sa loob ng kwarto niya.
Napaiwas naman ako ng tingin dahil umalis na rin si Carter. Napanguso na lang ako dahil hindi nanaman nagsalita si Kuya Carter, hindi pa niya nasasagot ang mga tanong ko. TCH.
Hindi ko talaga siya maintindihan, parehas talaga sila ng ugali ni Rios. Mapapaisip ka na lang din sa mga kinikilos nila.
"Scarlett."
Napalingon ako at napangit ako nang makita ko si dad. "Dad!"
Ngumiti naman siya at umupo sa tabi ko. Napatingin naman siya sa mga anak ko.
"Napalaki mo ng maayos ang mga apo ko," sambit niya habang nakangiti.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kan’ya. "Dad."
Umiling siya at nilingon niya ako.
"I'm sorry, Ven."
Natigilan ako at nilingon ko ulit siya. Bakit siya nagsosorry? Ako dapat ang humingi ng tawad sa kanila dahil ako ang nagkaroon ng kasalanan.
Bumuntong-hininga ako. "Sorry for what?" ngumiti ako. "Ako dapat ang humingi ng tawad sa inyo dahil ako ang nagkasala sa batas natin." sambit ko. Umiling siya at hinawakan niya ang kamay ko.
"I’m sorry for everything. Sorry kung tumigil ako sa paghahanap sa'yo noon." yumuko siya kaya umiling ako dahil hindi niya kailangan gawim ’yon. "Alam mong may responsibilidad din ako sa pamilya bilang panganay sa mga Knight." sambit niya. Umiwas ako ng tingin at binawi ko ang kamay ko sa kanya dahil alam ko ’yon dahil lahat kami may responsibilidad sa pamilya pero pinabayaan ko lang.
"Alam ko yun, dad. I’m old enough and I can handle myself. Ang intindihin niyo na lang si mom." sambit ko at huminga ako ng malalim. "I'm sorry pero palagi ko kayong naririnig na nag-aaway. Hindi ko na rin alam kung anong uunahin ko, yung desisyon ko, o ang pamilya ko." Ngumisi ako at naramdaman ko na lang na may tumulo nanamang luha sa mga mata ko. F-ck.
Pinunasan ko ang mga luha ko at natawa na lang ako. "Nararamdaman ko kasi parang palpak lagi ng mga desisyon ko kaya pati ang pamilya natin naaapektuhan na dahil sa mga ginawa ko." sambit ko sa kanya at ngumiti.
Napaiyak naman siya at inakbayan niya ako kaya sumandal na lang ako sa balikat niya.
"Napalaki ka nga namin ng maayos. Hayaan mong bumawi ako sa'yo at sa mga apo ko."
Niyakap ko lang siya at tumango sa kan'ya pero hindi pa rin magbabago ang pakikitungo namin ni Sophia sa isa't-isa, at gusto ko rin malaman kung anong mga sikreto ang nagagawa niyong ilihim sa'kin na ayaw niyong malaman ko.
Hindi ko rin sasabihin na ako talaga ang target ng mga kalaban at hindi si chairman hangga’t hindi ko pa tuluyan na kumpirmado.
Nagkwentuhan lang kami ni dad tungkol sa mga apo niya kaya sinabi ko na rin sa kanya ang lahat maliban lang sa kung anong meron sa’ming tatlo. Hindi na nila kailangan pang malaman dahil matagal na ring tapos ang relasyon namin ni Dominic.