When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"Bitiwan n'yo ako, mga pangit kayo! Mga amoy tsiko!" umiiyak na sigaw ni Aarah nang bigla siyang hawakan ng mga tauhan ni Lord Raccoon para ilayo kay Clara. Kausap kasi nito ang bestfriend niya at nakakaistorbo na raw siya. "Bitiwan n'yo ako sabi, eh! Kapag hindi n'yo ako binitiwan, isusumpa ko kayo! May lahi akong mangkukulam!" Hindi na umaasa si Aarah na maiintindihan siya ng mga taong pilit na kumakaladkad sa kaniya palabas sa kuwartong iyon. Pero wala siyang alam na sabihin. Kahit naman siguro maintindihan siya ng mga ito ay hindi pa rin pakikinggan si Aarah. Dahil kahit nga nag-i-English na si Clara ay hindi rin pinapansin. Si Lord Raccoon nga na nakakaintindi at nakakapagsalita pa ng Filipino ay hindi rin nadadala sa pagmamakaawa nila. Para itong demonyo na tawa lang nang tawa sa ka