Sa halip na matakot ay namangha si Aarah nang makitang halos triple ang ganda at ayos ng pinasukan nilang stockroom kumpara sa barung-barong nila. Ang buong akala niya kasi ay madumi at madilim iyon. Katulad ng mga nakita na niyanh stockroom sa Quiapo. Inilibot niya ang tingin sa malawak at malinis na paligid. Napakatahimik. Walang ibang tao roon ng mga oras na iyon kundi sila lang ni A. At dapat ay kabahan na si Aarah. O kaya'y pag-isipan si A na pinagsasamantalahan siya nito. Ngunit hindi iyon maramdan ni Aarah dahil alam niya sa sarili na desisyon niya ang sumama rito. Dahil batid ni Aarah na gusto niyang umuwi ng Pilipinas na kahit papaano ay masaya, at may mababaon na magandang alaala. Time out na siya sa asaran at bangayan nila ni A. "Stak rum n'yo lang 'to?" hindi makapaniwalang