Lusianna NARINIG ko mula kay Adela ang lahat ng nangyari nang mawalan ako ng malay. Hindi raw ako iniwan ni Baste at ito mismo ang nag-alaga sa akin. Halos wala na nga raw itong matinong tulog. “Siguro ay natakot si Baste na may mangyaring masama sa ‘yo. Traumatized siguro siya sa aksidente mo noon bago ka mawalan ng alaala kaya kapag may nangyayaring hindi maganda sa ‘yo, akala mo ay mawawala ka na lang sa kanya bigla.” Tumatak ang mga salitang iyon sa akin mula kay Adela. But I also appreciate Baste. Alam kong may namumuo na akong nararamdaman para sa kanya pero pilit ko lamang isinasantabi. Natatakot din kasi akong aminin na nagkakagusto ako sa isang kagaya niya, ganoong hindi ko naman alam kung anong klaseng tao siya. As much as I want my memories back so I can remember him, wala