KABANATA 6: STAIN

2570 Words
Lusianna “WALA kang matutulugan. Si Adela ang natutulog sa sofa.” Unlike Baste, Adela can easily and comfortably sleep on the sofa dahil maliit lang naman na babae si Adela. Siya rin naman ang nag-suggest na doon na lang siya matutulog. Pumasok si Baste sa loob ng kuwarto para makapagbihis at sinundan ko siya. “It’s fine, I don’t plan on sleeping tonight.” Nakatalikod sa akin si Baste at humuhulma sa basang shirt niya ang kanyang likod. Habang abala akong nakatitig doon, biglang naghubad ng damit niya si Baste. Nanlaki ang aking mga mata sa nasaksihan. “Anong ginagawa mo?!” Bigla akong nag-panic. My heart pulse skyrocketed, too. “Magbibihis ako. Natural lang na maghubad ako.” Humarap si Baste sa akin at nang mapagtanto niya na hindi ako mapakali dahil sa paghuhubad niya, agad siyang ngumisi. “Don’t act like you haven’t seen this, Sianna. Parati mo ‘tong nakikita noon, parati mo ring hinahawakan.” Ginawa ko ang lahat para mag-iwas ng tingin sa kanya. “Hindi ko maalala kaya para sa akin hindi ko pa ‘yan nakikita.” Naramdaman ko ang naging paglapit niya sa akin. Lalong bumilis ang pagkabog ng dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Hinawakan ni Baste ang aking baba at iniharap sa direksyon niya ang mukha ko. “Don’t you want to feel it again?” Gamit naman ang isnag kamay ay hinawakan niya ang akin at inilapat ang palad ko sa kanyang dibdib. “You were craving this every single time, sweetheart. Minsan ay wala pa tayong pahingang dalawa.” The image he painted in my head was so obscene na nakalimutan kong huminga. Marahang humalakhak si Baste at binitawan ako. “I’m just kidding. Of course, I won’t do anything to you unless you say it yourself.” Kinindatan niya ako at kumuha na nang damit pamalit niya. Naglakad siya sa may gilid ko at tumigil doon. Bago siya tuluyang lumabas ay muli siyang nagsalita. “I’ll be in the kitchen if you need me.” Lumapit siya sa may tainga ko. “I can service you, my wife.” Nagtaasan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita kahit noong umalis na siya at kahit malamig ang panahon, pinag-iinitan ako ng katawan. Simula nang gabing ‘yon, hindi ko magawang tingnan si Baste nang diretso at hangga’t maaari rin ay iniiwasan ko siya. Hindi na nga ako mapakali sa nararamdaman ko sa kanya noon sa tuwing malapit siya, mas lumala pa ngayon dahil kapag nakikita ko si Baste ay hindi ko mapigilang maalala ang mga sinabi niya at pag-initan ako ng katawan. Seriously, ano bang mga pinaggagagawa ko noon sa kanya? Wala pa akong maayos na tulog dahil ginugulo ni Baste ang buong sistema ko. Kulang na kulang ang tulog ko at ang bigat ng mga mata ko nang magising ako. Nag-aalangan pa akong lumabas ng kuwarto dahil alam ko na makikita ko siya at matapos ang mga sinabi niya sa akin noong nakaraang gabi at ang naramdaman ko sa mga salita niyang iyon? Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Huminga ako nang malalim. I get all the courage I could para lang lumabas ng kuwarto matapos kong makapagbihis. “Good morning.” Sinalubong kaagad ako ni Baste. Nagharumentado kaagad ang puso ko nang marinig ko ang malalim niyang boses. Shit! “Good morning,” bati ko kahit medyo kabado pa. “Wala pa si Adela?” Nagkunwari akong hinahanap si Adela para malihis ang atensyon niya sa akin at magkaroon din ng dahilan na umiwas sa kanya. “Naandito na siya kaina pero nagpaalam na uuwi. Tumawag ang asawa niya kaya nagmamadaling umuwi. I told her she could go. Naandito naman ako.” Nilunok ko ang kabang nararamdaman ko. Bakit ba ako kakabahan sa kanya? Dahil sa nangyari o sa mga sinabi niya noong nakaraang gabi? Oh, please. “Wala kang pasok sa trabaho?” tanong ko sa kanya. Nagtungo na ako sa kusina at kumuha nang isang basong tubig. “Wala. Off ko ngayon.” Pinapanalangin ko pa naman na aalis din siya mamaya, pero mukhang wala akong kawala sa kanya. Naramdaman ko siya sa likod ko. Napahugot ako nang malalim na paghinga nang maramdaman ko ang init ng katawan niya. He put his hands on my sides and leaned his chest against my back. “I’ll just take a shower. I already prepared breakfast. You can eat it now, but I will appreciate it if you wait for me so we can eat together.” Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. Bago pa ako makapag-react doon, umalis na siya. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto sa banyo, para bang doon lamang ako nakahinga nang maluwag. Hinila ko ang silya at naupo roon. Nilagok ko ang laman ng baso ng tubig na akala mo ay makakatulong iyon para kumalma ako. What’s gotten into me? Dahil lang sa mga salita niya ay nagkakaganito ako? My god! Hindi muna ako kumain din ng umagahan. Hinintay ko pa rin si Baste na matapos. For some reason, I can feel the loneliness seeping in my heart just thinking about eating alone. Ayoko siguro na kumakain na mag-isa. “Tao po!” Napatingin ako sa labas. Tumayo ako sa kinauupuan ko para malaman kung sino ang nasa labas ng bahay. Nakakita ako ng isang magarang sasakyan at isang lalaki sa may pinto. “Sino po sila?” tanong ko sa lalaki. Bago pa makapagsalita ang lalaki, bumukas ang pinto ng kotse at may lumabas na magandang babae. Kumunot ang noo ko, nagtataka kung sino ito. “Si Baste?” tanong ng babae. “Sino ka?” Hindi ko makontrol ang sarili. Kahit gusto kong ayusin ang pakikitungo sa ibang tao, hindi ko mapigilan lalo na kapag random na lang nilang hinahanap si Baste. “I am Grace Salazar. I’m the mayor’s daughter. How about you?” Tumaas ang kanyang isang kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Who are you and why are you inside his house?” “I’m Lusianna Zendejas,” pagpapakilala ko. “Asawa—kapatid niya.” Kinagat ko ang aking dila matapos kong sabihin iyon. Bakit ako muntikan nang magpakilala na asawa ni Baste, ganoon ako mismo ang nag-suggest na ipakilala niya akong kapatid niya sa ibang tao? Nang marinig niya ang sinabi ko, roon lamang umaliwalas ang mukha niya. Ngumiti siya sa akin. “I didn’t know Baste has a little sister. Nice meeting you.” Inilahad niya ang kamay niya sa akin pero hindi ko iyon natanggap. Tinitigan ko lamang iyon na akala mo ay isa itong dumi na gusto kong mawala sa harapan ko. Mabuti na lang at dumating din si Baste. “Sianna—” Natigilan ito nang mapansin na hindi lang ako ang tao sa may pinto. Lalong lumawak ang ngiti ni Grace nang makita niya si Baste. “Baste!” Walang pakundangan siyang lumapit dito at niyakap. Nabigla ako sa ginawa niya. As in, she acted like they were long time acquaintances and ignoring my presence. Napatingin sa akin si Baste pero umirap lang ako. Umalis na ako sa may pinto dahil naandiyan na naman ang hinahanap ni Grace. Ayoko rin na makita silang nagyayakapan. Nasusuka ako. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Baste sa babae. Naghanda na ako ng hapag-kainan. Marunong na naman ako kahit papaano na gawin ito dahil sa kakasama ko kay Adela. “May sasabihin lang ako sa ‘yo. May I come in?” Lalong bumusangot ang mukha ko sa narinig. But whatever. Buhay naman ‘yan ni Baste. Bakit ako mangingialam? Asawa ka. Asawa nga ako, pero hindi naman ako naniniwala. Alaala ko lang muna ang pagkakatiwalaan ko ngayon. Pero bakit ganoon? Naiinis na ako na hindi ko maintindihan. Tumingin akong muli sa direksyon nina Baste. Nagkasalubong kami ng tingin pero agad akong nag-iwas. “There’ll be a party on Saturday. Birthday ni Papa. Gusto sana kitang imbitahan.” Lumingkis si Grace sa braso ni Baste. Napangiwi ako dahil sa ginawa niya. Lumayo si Baste kay Grace kaya’t napabitaw ito sa kanyang braso. Ngumuso si Grace pero hindi pinahalatang nadismaya siya sa paglayo ni Baste sa kanya. “Pupunta ka naman, hindi ba? Papa is expecting to see you. Nabanggit na kita sa kanya.” Nabanggit? Bakit kailangan niyang banggitin si Baste sa kanyang ama? Is he having that kind of relationship with her? Kung ano-anong pumapasok sa isipan ko. Kahit ayokong i-entertain ang mga ideya na iyon, kusa nilang ine-invade ang isipan ko. “I can’t leave Sianna alone.” Nagulat ako nang sabihin iyon ni Baste. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at muling nagsalubong ang aming paningin. “She’s a grown-up. I think she can handle herself.” Tumingin si Grace sa akin at ngumiti. “I’m sorry, I can’t invite you. It’s an exclusive party kasi and I can only bring one as my date.” Kinagat ko ang dila ko, pinipigilan na magsalita. Pilit akong ngumiti sa kanila at itinago kung ano mang nararamdaman ko. Kailangan kong magpigil dahil pakiramdam ko ay masasaksak ko na lang ng tinidor ang babae sa kanyang mata kung hindi. “It’s okay. We’re not close rin naman para imbitahan mo ako.” Bumagsak ang ekspresyon ng mukha ni Grace dahil sa sinabi ko pero pilit niyang itinago iyon. Umirap siya at binalingan na lamang ng tingin si Baste. “So, Baste? I will expect you on Saturday—” “I can’t,” sabi ni Baste. “Sianna is sick. Hindi ko siya pwedeng iwanan ditong mag-isa.” “Nako!” sabi ko at tumawa. “Huwag mo akong isipin, Kuya. I’ll be fine here. Go, and do your thing.” Nagsalubong ang kilay ni Baste dahil sa itinawag ko sa kanya. Halata rin na hindi niya nagustuhan ang pagtawag ko sa kanya ng kuya. Nag-iwas ako ng tingin at tinalikuran sila. Nagpanggap ako na inaayos ang pagkain sa mesa kahit distracted na ako. “That’s great. See you on Saturday!” Pagharap ko sa kanila, naabutan ko pa si Grace na hinalikan ang pisngi ni Baste. Rage immediately consumed me when I witnessed that. How dare she?! Umalis na rin naman si Grace na may ngiti sa labi. Sa isipan ko, I followed her and pulled her hair for kissing Baste. Ikinuyom ko na lamang ang aking kamay dahil pakiramdam ko ay gagawin ko talaga ‘yon. Tahimik ang naging pagkain namin ni Baste. Iniiwasan kong tumingin sa kanya pero nararamdaman ko ang pagtingin niya sa direksyon ko. “I am not going,” sabi niya. Tumingin ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita na para bang iritado siya sa isang bagay. Ganito na siya magmula nang umalis si Grace kanina. “She invited you. Bakit hindi ka pupunta?” Mukha rin namang close kayo. Napairap ako nang maalala kong hinalikan ni Grace sa pisngi si Baste. “I don’t like the idea of going there without you, Sianna. People might get the wrong idea between me and her.” “Hindi mo kailangang magpaliwanag.” Ibinaba ko ang tingin ko sa pagkain ko. Gusto kong mag-focus na lang doon at tigilan ang pag-iisip na baka may relasyon sila pero ayaw lang aminin ni Baste. “Pwede kang pumunta kung gusto mo.” “And I don’t like staying away from you. End of discussion.” “Hindi rin kita pinipigilan. Mukha pa naman kayong close na dalawa ni Grace. Pumunta ka na. Baka madismaya pa siya.” “I rather disappoint her than you,” sabi ni Baste na siyang nakapagpatigil sa akin. Kinagat ko ang labi. Titigilan ko na sana ang pakikpagtalo ko pero hindi ko agad napigilan ang bibig ko. “Ayoko rin isipin ng ibang tao na hindi ka umalis dahil pinipigilan ka ng ‘kapatid’ mo. Pumunta ka na roon. Magiging maayos lang ako rito.” Nakita ko na naman ang irita sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Tinitigan niya pa ako hanggang sa mapailing siya. “Fine,” sabi niya. “I just hope you don’t regret it afterward.” Tumayo si Baste at umalis sa harapan ko. I think I pushed the wrong button this time dahil mukhang nagalit ko siya sa unang pagkakataon. Pumunta nga si Baste sa party ng Sabado. Hindi kami masyadong nag-uusap matapos ang naging pagtatalo naming dalawa noong nakaraang araw. Nagkulong lang ako sa kuwarto at si Baste naman ay umalis na. I tried to focus on other things, para lang hindi mapunta kay Baste at Grace ang atensyon ko. Maganda naman si Grace. I’m sure, kung wala lang ako ngayon ay pipiliin ni Baste ang pakasalan ang ganoong klaseng babae. She’s a from a well-known family. Ako? Hindi ko nga alam kung anong klaseng pamilya ang mayroon ako. May nabanggit man si Baste sa akin noon tungkol sa pamilya ko, pero magtataka ka na mukhang hindi naman ako hinahanap ng mga ito. Pinilit ko na maagang makatulog para lang hindi ko maisip si Baste. I’m sure, he’s having fun. Siguro ay iniisip niya na mabuti na lamang at pumunta siya at hindi nag-stay rito sa bahay kasama ‘ko. He’s having a great time with Grace. May kirot sa aking puso akong naramdaman na sinasabi ko sa isipan ko na dapat ay hindi ko nararamdaman. It’s weird to feel jealous to someone who was claiming as your husband pero hindi mo naman maalala. Sinubukan ko na makatulog, pero kahit anong gawin ko ay hindi ako nagtagumpay. Nakatulala lang ako sa kisame at hindi ko alam kung ilang oras na ako sa ganoong posisyon. May narinig akong ingay sa labas. Napabangon ako at lumabas ng kuwarto. Is it him? Nakauwi na kaya si Baste? Nang bubuksan ko na ang pinto ng kuwarto ko ay napatigil ako. Was I waiting for him? Ipinikit ko ang mga mata at binuksan ang pinto at lumabas. Nakasalubong ko si Baste. Kakapasok niya lamang sa bahay. Napatigil din siya nang makita ako. His languid eyes bore into me. Mukhang nakainom siya ng alak. Surprisingly, naalala ko ang mga ganoong klase ng bagay. Naalala ko ang mga bagay na walag kwenta at hindi ang mga importanteng detalye sa buhay ko. “You’re home,” sabi ko, wala sa sarili. “And you’re still awake,” sabi niya at tinanggal ang tie na suot niya. Hindi ko na napansin kanina na naka-suit siya dahil nagkulong lang ako sa kuwarto. Kanino niya kaya nahiram iyan? “Kumain ka na ba?” That was a stupid question. Alam ko na kumain na siya dahil party naman ang pinuntahan niya. “Yes,” sagot niya. Napatitig ako sa kanya kahit noong naupo na siya sa sofa. May mga bagay akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawang sabihin. I guess I wasn’t really vocal, huh? Habang tinititigan ko siya ay may napansin ako sa collar niya. Wala ako sa sariling lumapit sa kanya. Iminulat niya ang kanyang mga mata nang mapansin niya ang paglait ko. Hinawakan ko ang kanyang collar, and I saw a lip stain on it. Kumalabog ang puso ko sa hindi magandang dahilan. Tumingin ako kay Baste. My heart is sinking for unknown reason. “Kaninong lipstick ito, Baste?” Image of him and Grace making out flashed in my head. Para akong sinaksak nang sumagi iyon sa isipan ko, pero hindi rin nagpahuli ang matinding galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD