Lusianna HINDI rin ako nakatulog matapos umalis ni Baste sa kuwarto ko kagabi. Dilat na dilat ako at nalaman ko na lamang na umaga na nang marinig ko ang tilaok ng mga manok. Paulit-ulit sa akin ang mga salita niya na hindi siya magchi-cheat at hindi ko rin makalimutan kung paano niya ako titigan habang sinasabi iyon. I keep asking myself until now. Why it was so easy for me to trust him like that? Paniwalang-paniwala ako sa mga sinasabi niya kahit pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi dapat. Sinasabi ko sa sarili ko na hindi ako magtitiwala kay Baste dahil hindi ko pa siya naaalala. Hanggang sa wala pa ang alaala ko, he’s a stranger to me. Ngunit sa tuwing may ganitong pangyayari, that I would have doubts towards him, isang salita niya lang ay gumagaan kaagad ang nararamdaman ko.