Chapter 38: Start

2115 Words
Third Person's POV Tahimik lamang na pinagmamasdan ng dalaga ang doctor na kasalukuyang nagco-conduct ng check up sa kaniya. He really reminds him of Dos, ganu'n din kase ka OA ang kaniyang asawa. Nasa ganoong pag-iisip siya ng bigla ay bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang kaniyang asawa. Speaking of, She couldn't help but to smile widely as she stared at him walking towards her, madami itong bitbit na prutas at pagkain. Napatawa na lamang siya sa isiping iyon. “Pfft, nag grocery ka yata?” pagbibiro niya sa kaniyang asawa. “Bonita, kailangan mo nito, kailangan mong mabawi ang lakas mo...” mahinahon nitong sambit. Simula ng manganak siya ay ganito na ka-gentle mag salita ang asawa niya, pakiramdam niya tuloy ay para siyang babasagin at mamahaling vase. Ingat na ingat siya, mula sa pagkilos hanggang sa pananalita. “Where's our baby? Hindi ko pa sila nakikita...” “Dadalhin rito ng nurse mamaya, mag pahinga kana muna.” “Magdamag at maghapon na akong nakahiga, Dos...” “Kahit na, magpahinga–” natigilan ito ng sa wakas ay mapansin niya ang Doctor na abalang-abala sa pagche-check up sa kaniyang asawa. “Oh, may kasama ka pala.” “Pfft, Si Doc. Maximillian, wala yata si Dra. Cruz, kaya siya ang nagche check up sa akin ngayon.” “I see,” Abala man ay alerto pa din ang pandinig ni Jam, interestedo siya sa bawat magiging usapan ng mag-asawa. “How's your feeling, Bonita?” nag aalalang tanong ng kaniyang asawa. Napangiti naman ang dalaga, “Medyo maayos na ang pakiramdam ko,” sagot naman niya. “May masakit pa ba sa'yo? Kumain kana ba? Ito nagdala ako ng prutas, Kumain ka, tapos ito 'yung fortified milk na paborito mo, inumin mo. gulay kaya? Or kumain kana ba ng kanin–” Natigilan ito sa kaniyang pananalita ng makita niyang titig na titig kaniyang asawa sa kaniya. “W-What?” lito nitong saad. Napatawa na lamang siya kasabay ng paglingon niya sa Doctor, “See? You just like him Doc, pfft.” natatawang sambit ng dalaga. Halos takasan ng dugo ang binata, hindi niya alam ang dapat na sabihin, siguro marahil ay pareho sila ni Dos ng nararamdaman para sa dalaga kaya't halos parehas ito ng pag-uugali. It's only natural to get worried with your woman. “Huh? What are you talking about, Bonita?” takhang tanong ng kaniyang asawa. Curiosity's killing him. But Stacy didn't answer him, instead she just smiled at him widely. “Nothing, love...” iyon na lamang ang sinambit niya. Napalitan ng pagkahiya ang isipan ng binata ng marinig niyang tinawag siyang 'love' ng kaniyang asawa. Pinipigilan niyang ngumiti, ngunit ang pamumula ay hindi niya naitago. Kaya naman tuluyan ng nawalan sa isipan niya ang pagka curious sa bagay na iyon. “Love, can you feed me? Hmmm?” she then asked him. Hindi na naitago ng binata ang kaniyang pag ngiti. Para tuloy itong bakla na pangiti ngiti. “B-Bonita...” “Yes, love?” diretso nitong tanong. Kaya naman tuluyan ng nanlambot ang kaniyang mga tuhod at ngiting-ngiti na lumapit sa kaniyang asawa. Kaya naman ay napailing na lamang si Stacy, ang lakas talaga ng epekto niya sa kaniyang asawa. Ang dating mapaglaro at parang batong puso, ngayon ay singlambot na ng mamon. Napangiti siya sa isiping iyon. Ngunit habang abala sila aa isa't isa ay halos manginig sa galit ang Doctor habang nakikinig sa usapan ng mag-asawa. Paulit-ulit nitong sinasambit sa kaniyang isipan, 'That should be me...' He's a little too late, just when he decided to go confront her, they already met and flirting with each other. Leaving him brokenhearted. That made to him harder even more. Mahigpit siyang napakuyom ng kamao sa isiping iyon. Pilit niyang pinokus ang sarili sa kaniyang ginagawa at nais niya nang umalis sa lugar na iyon,they slowly killing him. They torturing him without even knowing. “Doc?” Nabalik siya sa wisyo ng marinig niya ang tinig ng dalaga. “Yes?” kunwari ay atentibo niyang sambit. “I've been calling you many times, and you weren't answering. Are you okay?” Dos then asked him. Mas lalong dumiin ang pagkaka-kuyom ng kaniyang kamao. ‘No! I want to kill you! Right here and right now!' sigaw ng kaniyang isipan. But despite that thought, he still manage to smile and respond to him normally, as if he weren't killing him inside of his thoughts. “Sorry, just little distracted, ang sweet niyo kase. Mukhang swerte kayo sa isa't-isa.” biro niyang sambit. Ngunit sa loob-loob niya ay nais niya ng bangasan ang binatang nasa harapan niya. He smiled at him fake. “Everything is normal, if this continues, She can be discharge by a week then,” “Alright, thank you Doc.” “Don't mention it.” iyon na lamang ang sinambit niya kasabay ng pagtalikod niya. Unti-unti siyang nakaramdam ng panghihina ng katawan na pakiwari mo ay para siyang kinuhanan ng lakas. Ngunit gayon pa man ay pinilit niyang maglakad paalis, he can't take it anymore. Pakiramdaman niya ay anumang oras sasabog siya at baka mapatay niya ang nasa harapan. That's the moment he realized na hindi niya talaga kayang makita na nasa piling ng ibang lalaki ang babaeng minamahal niya. All those years, and it become waste. He's the first one who loved her, but didn't have a chance to confess. And suddenly he came to think, what would happen if he confessed earlier? Would everything changed? Or will it remain as it is? No one could answer that question, it's too impossible. Regret is filling his heart. I should be the one who's with her right now, kung hindi lang ako torpe. __________ “Do you know that Doctor?” mabilis na pagtatanong ng binata sa kaniyang asawa. “No, why would you ask?” Sandaling napatitig ang binata sa kaniya, wala siyang nakitang bakas ng pagsisinungaling kaya naman ay napahinga siya ng malalim. “What's with you? Ayos ka lang ba?” “Nothing Bonita, just felt a little something weird about him.” “Pfft, ano naman iyon? Maybe because you're alike?” “What?” “Hahahaha!” Nasa ganoong situwasyon sila ng may biglang kumatok sa kanilang silid. “Come in,” iyon na lamang ang sinambit ng binata. Ngunit gayon na lamang ang gulat nilang mag asawa ng bumungad sa kanila ay ang nurse na may bitbit na sanggol. Dalawang nurse ito at magkasunuran na pumasok sa silid nila. Halos maluha-luha si Stacy ng makita ang sanggol, nakaramdam agad siya ng lukso ng dugo. Sa isiping iyon ang kaniyang mga anak. “Oh gosh...” she couldn't help but to said those words. She felt nervous. “Dos...” sambit niya. Ngunit parang natuod sa kinatatayuan ang binata, hindi niya magawang makakilos. “I-Is that our children?” nauutal na pagtatanong ng binata. Sunod-sunod namang tumango ang nurse na naroon. Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ng dalaga ng mahawakan niya ang kaniyang anak. “Lalaki po ang baby na iyan, ang inyong panganay. Ano pong ipapangalan niyo sa kaniya?” masayang bigkas ng nurse. Napangiti siya habang nakatitig sa maamong mukha ng kaniyang anak, kasalukuyan itong natutulog. He's so handsome, makikita mo talagang namana ng kaniyang anak ang matangos na ilong ng kaniyang asawa. Hindi rin ito kaputian, kayumanggi ito ngunit mas gusto niya iyon sa lalaki, malakas ang dating at nakaka guwapong titigan. Being tan is manly to her. “Napakaguwapo mo prime...” “What did you call him?” “Prime.... Prime Justine Chan, that will be his name from now on.” “Bonita...” “He's so handsome, Dos... Thank you...” “Thank you for what?” “For giving me these Wonderful gifts. No matter what happens, this will be forever carved on my heart. This is the best gift that I ever have on my whole life...” “No... Bonita, I should be the one who needs to thank you...” “Dos...” “Alam mo na sobra ka pa sa sapat, Stacy... You are more than enough, but still, you manage to give birth with our children. Hindi lang isa at dalawa pa... Isang bagay na kahit anong mangyari, hindi mababawi sa akin ng kahit na sino man dahil dugo at laman ko ang dumadaloy sa kanila.” Napangiti na lamang ang dalaga, hindi niya na kinontra pa ang asawa, at baka mapunta pa sila sa ibang bagay. “Come here,” bagkus ay iyon na lamang ang kaniyang sinabi. “Huh?” litong saad ng kaniyang asawa. Bagaman ay nalilito ngunit lumapit pa rin siya sa asawa niya. “Halika at yakapin mo sa iyong mga bisig ang ating panganay na anak, Dos...” Halos mangatal sa kaba ang binata,“S-Sigurado ka? H-hindi kaya mapitsit ko siya?” Malakas na napatawa ang dalaga. “B-Bonita naman e... N-Natatakot ako, baka mabitawan ko siya–” “Shhhh...” Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng asawa, bagkus ay dahan-dahan na iniabot sa kaniya ang sanggol, nagdadalawang isip man ngunit namalayan na lamang ng binata na dahan-dahan niyang kinukuha ang kaniyang anak. Sobrang maingat ang bawat kilos niya, halos pigil ang paghinga niya hanggang sa nasa bisig niya ang kaniyang anak. “B-Bonita...” Nanginginig ang boses na sambit niya, ngunit ngumiti lamang ang dalaga sa kaniya. “You look so handsome, Dos... While holding our child between your arms makes me want to cry...” “Bonita–” “Dahan-dahan mo siyang iduyan, pagmasdan mo ang ating anak sa iyong mga bisig, hindi ba at napaguwapo niya, manang-mana sa iyo...” Natigilan ang binata, sinunod niya ang sinambit ng kaniyang asawa. Namalayan niya na lamang ang sarili na hinihele ang sanggol sa kaniyang mga braso. Hindi niya napigilan ang mapatangis habang nakatitig sa maamo nitong mukha. “Tama ka, napakaguwapo ng ating anak... Bonita...” umiiyak na sambit niya. Sobrang saya niya, sobrang masarap sa pakiramdam ang mahawakan mo sa iyong bisig ang anak mo. Ganito pala ang pakiramdam kapag sariling anak mo na ang hawak mo. Dati lamang ay napapaisip siya na 'hindi ba napapagod ang ina sa paghawak sa kaniyang anak?' Ngunit ngayon ay alam na niya ang kasagutan. Hindi nakakapagod lalo't alam mong sarili mong anak ang hawak-hawak mo. Nakakawala ng alalahanin. Habang nasa ganoong situwasyon ang binata ay kinuha naman ni Stacy ang isa niya pang anak. “Babae po ang bunso niyong anak, Ma'am.” magalang na sambit ng nurse sa kaniya. Tinitigan niya ito, sobrang mestisa ng sanggol na ito, masasabi mong anak niya talaga dahil sa magkapareho sila ng kulay at hugis ng mata. Ngunit ang mata ay mismong namana sa kaniyang asawa, brown na brown kase ang mata nito. “Napakaganda mo anak...” Nabalik sa reyalidad si Dos ng marinig iyon. Sandali niyang nilingon ang asawa at nasa bisig niya ang bunso nilang anak. “Fyre Justine Chan would be her name.” “Bakit may justine pa?” “Bakit? Anong masama? Puwede naman sa babae ang pangalang Justine at isa pa, tanda iyon na kambal sila.” Napatango na lamang ang kaniyang asawa. “Fyre and Prime, I am looking forward to see you grow and getting older... Bonita, I'm excited as fuck.. I can't wait to see them grow... I can't wait na makita silang magpasaway at maging makulit sa atin Bonita...” “Ako rin Dos...” “Wala na akong mahihiling pa... Stacy... You're a blessing to me...” Napangiti na lamang ang dalaga habang nakatitig sa kaniyang asawa. Nasa ganoong situwasyon sila ng biglang pumasok ang magulang nila. Gulat itong nakatitig ngunit ng mapagtanto ay mabilis pa sa alaw kuwatrong tumakbo palapit sa kanila ang mga ito. “Ang apo ko...” “Ang apo ko sa tuhod...” Napuno ng tawanan ang silid, masaya ang bawat isa sa isinilang na sanggol. Isang bagong miyembro na naman ng kanilang pamilya. Habang... “Are you sure with this, Dr. Maximillian?” panigurado na sambit ng isang nurse na nakamasid sa silid kung saan ay masayang nagce-celebrate ang bawat isa. “Yes. And only you could do that... Do that for me, Piper...” nagmamakaawang sambit ng nasa kabilang linya. Huminga ng malalim ang dalaga kasabay ng muli niyang pagtitig sa mga ito. “Sige, pumapayag ako.” iyon na lamang ang sinambit niya. Kaya naman ay napangisi si Jam sa kabilang linya. “This is the start, don't be so cocky Kenji, don't celebrate yet, sisirain ko ang lahat sa iyo... Simula sa iyong panganay na anak.” To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD