Third Person's POV
Sa isang hapag kainan ay tahimik na kumakain ang lahat.
“So... Hijo, what's your job?” biglang tanong ng isang babae sa kaniya.
“Ahm... I'm a CEO,Madam..." nahihiyang sambit ng binata.
Ngunit kaagad natigilan ang babae sa kaniya, maging ang nakababatang kapatid ng dalaga ay natigilan. Samantalang napakagat-labi na lamang si Stacy sa isang tabi.
“A CEO, hmmm?”
“Opo..."
“So you're rich.”
“Hindi po, ang magulang ko lang po ang mayaman.”
“That made you rich as well,”
Natahimik na lamang siya, hindi niya inaasahan na ganito ka-intimidate ang nanay ng babaeng mahal niya, malayong-malayo sa ugali ng girlfriend niya.
“Anong nagustuhan mo sa anak ko?" diretso nitong tanong.
Napatitig na lamang ang binata sa babaeng nasa harapan niya. Lumipas pa ang ilang segundo ngunit hindi siya makasagot.
“Hijo?"
“Honestly, hindi ko rin po alam...”
“Anong ibig mong sabihin?”
Dahan-dahan siyang lumingon sa dalaga kasabay ng paghawak niya sa kamay nito na nasa ilalim ng mesa.
“Stacy is beautiful, she's smart, gullible and innocent, Sa dami ng babaeng na-encounter ko, nag-iisa siya na nagparamdam sa akin ng genuine na pakiramdam, she made me smile, made me laugh a lot, pag kasama ko siya, doon lang ako nagiging totoo sa sarili ko, sa mundo ng mayayaman, puro peke at plastikan ang nakasanayan ko, kaya natuto kaming makihalubilo at makisama sa bawat tao.”
“...”
“But she's different, she's just simple and I love her for being simple, she taught me many things I didn't know, Before I met her, I feel like something is not right, para bang may kulang, kahit na nasa akin naman ang lahat, kayamanan, pagiging sikat, may itsura, lahat nabibili at nakukuha ko, money can buy me everything, but not true feelings and genuine care for you.”
“...”
“I was a boy who's lost and just wondering in a midst of people, but she saved me and made me a real man. Naging ganap na lalaki ako dahil sa kaniya, she help me realized a lot of things.”
“..."
“She daw the best on me when I think I was nothing but a headache to my parents. She made me feel what genuine love is, she taught me what real love is."
“Dos...”
“I was a jerk before she met me, I'm a bad guy. Aaminin kong hindi ako perpektong tao, pero pinunan niya ng pagmamahal lahat ng flaws at imperfections ko.”
Lahat ay natahimik sa kanilang narinig, malakas na napatikhim ang ina niya.
“Ma,ayos ka lang ba?”
Bahagya nitong itinaas ang kamay niya.
“Ayos lang ako, anak...”
“Ma...”
“Halina at magpatuloy sa pagkain.”
Sumunod naman ang lahat sa sinabi ng kanilang ina.
“Anong intensyon mo kay ate?" Biglang pagtatanong ng nakababata niyang kapatid.
“Ryxsz,”
“Bakit ate? Wala ba akong karapatan magtanong?”
“Ryxsz, itahimik mo ang iyong bibig.”
“Fine, tsk.” yamot na sambit nito.
Napangiti na lamang ang binata, this boy reminds him of his sister.
He's like her.
“I want to marry your sister.”
Mabilis na nabulunan ang mag-ina, kaya naman ay dali-daling inabutan ng dalaga ang dalawa ng tubig.
“Say what?"
“Hindi ba at parang maaga naman yata? Wala pang taon mula ng magkakilala kayong dalawa.”
“Ma...”
Hinawakan ng mahigpit ng binata ang kamay niya. Matapang niyang sinalubong ang tingin ng dalawang taong nakatitig sa kaniya.
“Stacy is pregnant, at pananagutan ko po siya.”
Tuluyan ng napanganga ang dalawa at nanlalaki ang mga matang napatitig sa kanila.
“Ano?!"
__________
Dos's POV
Kasalukuyan kaming nasa living room ng bahay nila Stacy, maliit lang ang bahay nila but the ambiance is different from our mansion.
It's more lively than ours.
I wanna stay here.
Ngunit hindi ito ang panahon para magday-dream ng kung ano.
Pabalik-balik sa paglalakad ang ina nila ni Stacy, hindi naman ako kinakabahan dahil nakahanda akong harapin at tanggapin lahat ng gagawin nila.
“Ma... Stop it, nahihilo ako sa ginagawa mo--"
Hindi na naituloy ni Stacy ang sasabihin niya ng bigla ay mabilis siyang lingunin ng kaniyang ina.
Matalim itong napatitig sa kaniya kaya naman ay pigil ang tawa kong napatitig sa kaniya. Pfft.
“The audacity, ate ha.” masungit na sambit ng kanilang bunso.
Pfft, he reminds of my sister. Hahaha, he's like her.
Pinanlakihan niya lang ng mata ang kapatid.
“Stacy, Stacy, Stacy... What have you done?” gigil na sambit ng kaniyang ina.
“Ma...”
“Hindi kita pinalaking ganito kabastos...”
Napayuko na lamang si Stacy kaya naman ay hinawakan ko ang kamay niya.
“Siguro naman ay may karapatan akong magalit, hindi ba, Stacy?”
“O-Opo...”
“Hindi naman sa pinagbabawalan kita anak, nasa tamang edad ka na, pero hindi ba at parang ang bilis naman? Parang dalawa o tatlong buwan pa lang Stacy, ano 'yon nakipag chukchakan ka agad?”
“Ma!”
Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi, pero pinigilan kong ngumiti, pinanatili kong poker face ang mukha ko, pero ang hirap pala.
“Oh bakit?”
“Ma naman e,”
“Naku kang bata ka! Huwag mo akong ma, 'ma,ma,ma,' jan ha! Masasaktan ka talaga sa akin.” gigil na sambit ng kaniyang ina.
Napakagat-labi ako.
Natatawa talaga ako, pero ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi matawa, hindi ito ang oras para sa biruan.
Kung ako naman ang nasa kalagayan niya ay kakabahan din ako ng sobra, potek sobrang strikto ni Mom sa akin. Isama mo pa grandma ko.
“So anong plano niyo?”
“Pakakasalan ko po siya, pananagutan ko po ang bata--”
“Aba dapat lang, Hijo, baka gusto mong matanggalan ng kaligayahan ora mismo kung hindi mo pananagutan ang anak ko.”
Sa pagkakataong ito ay si Stacy naman ang nagpipigil ng tawa.
“O-Opo...” kinakabahan kong sambit kasabay ng paglunok ko ng sariling laway.
“Alam mo ba kung gaano ko iniingatan ang unica Hija ko? Ingat n ingat ako jan, pero tignan mo ang ginawa.”
“Ma naman e,”
“Hindi kita kinakausap, Stacy Kaye Smith. Itikom mo ang bibig mo kung ayaw mong mahampas kita.”
Pareho kaming napatikom ng bibig sa narinig.
Napatitig siya sa amin kasabay ng malalim niyang pag buntong hininga.
Kumuha siya ng upuan at umupo sa aming harapan.
“Hijo, anong plano mo?”
“G-Gaya po ng sabi ko kanina, handa po akong pakasalan at panagutan si Stacy...”
Nakatitig lamang siya sa akin, maya-maya pa ay napatitig siya sa kaniyang anak.
“Handa ka na ba maging ina?” malumanay na pagtatanong niya sa kaniyang anak.
Napayuko si Stacy, kahit ako e, kung tatanungin, hindi ko rin alam ang sasabihin ko.
“Sinasabi ko na nga ba anak e, kaya ako naiinis... Hindi ka na bata, alam kong nasa tamang edad ka na para gawin ang bagay na iyon, pero ang tanong, handa ka na ba maging ina sa magiging anak mo? Handa kana bang magkapamilya? Ikaw Hijo? Handa ka na ba maging ama sa magiging anak mo? Handa ka na ba sa buhay may asawa? Nako, iba na ang buhay may asawa, 'yung mga bagay na nagagawa mo 'nong binata ka pa, hindi mo na magagawa lahat dahil may pamilya ka na.”
Natahimik ako at napaseryoso.
“Hindi biro ang buhay may asawa, napakaraming dapat isa alang-alang, though, wala ng problema sa pera, pero maraming bagay ang dapat niyong malaman sa buhay may asawa.”
“...”
“Kaya ko kayo tinatanong kung handa na ba kayong pareho? Huwag niyo sanang masamain ang reaksiyon ko, dahil kung mabuti ang iyong magulang Hijo, ito rin ang mga sasabihin sa iyo. Ang bata niyo pa sa totoo lang.”
“M-Ma...”
“Kapag handa na kayo pareho, saka kayo humarap sa akin.” sambit nito kasabay ng pagtayo at naglakad palayo.
Napayuko si Stacy. Kaya naman ay lumapit ako sa kaniya at mahigpit siyang niyakap.
Tahimik lamang na umalis ang bunso niyang kapatid.
Kaming dalawa na lang ang natira sa living room nila, kaya naman naramdaman ko ang paghikbi niya.
Inalo ko siya.
“D-Dos...”
“Hmmm?”
“P-Pasensiya ka na kay mama...”
“No, huwag kang humingi ng pasens'ya, naiintindihan ko ang mama mo, kung tayo man ay maging magulang at nasa situwasyon niya, I think magiging ganoon rin ang reaksyon nating dalawa.”
“Pero--”
“Shh... Don't worry, naiintindihan ko ang mama mo. Para lang sa kabutihan natin ang iniisip niya,”
“Dos...”
“Ngayon tatanungin kita, handa ka na ba?”
“H-Hindi pa... Pero handa akong pag-aralan lahat para maging handa ako...”
“Bonita...”
“Aminado akong hindi pa ako handa, maging ako sa sarili ko, napapatanong e, would I be a good mother to our child?”
“Of course you are,”
“You think so?”
“Hindi lang basta sa tingin ko, pero magiging mabuti kang ina sa magiging anak natin.”
“Paano mo nasabi?”
“The way you get worried for if you would be a good mother,”
“Dos...”
“You will, and I will do my best too to become a best father to our child.”
Napayakap naman siya ng wala sa oras sa'kin.
“let's go? Harapin natin ang mama mo.”
________
Stacy's POV
Nakita ko sa gilid ng garden si mama, kaya naman ay lumapit ako, hindi ko na muna pinasama si Dos.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya, hanggang sa makalapit ako ay hindi niya ako nilingon, abala siya sa pag-aayos ng mga halaman niya.
“Ma...” pag-agaw ko ng pansin sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin.
Kaya naman ay napayuko ako, nagbabadya ang mga luha na pumatak sa aking mga mata ngunit mabilis ko 'yong pinunasan.
“Ma...”
Sa pagkakataong ito ay nilingon niya ako.
“Sorry po...” basag ang boses kong sambit.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak, dahilan para lingunin ako ni mama.
Iginiya niya ako paupo sa isang upuan sa gilid.
“Maupo ka muna.” mahinang sambit niya.
Walang bahid na kahit anong emosiyon sa kaniyang mukha.
She's mad...
“Ma...”
“Hmmmm?”
“Sorry po...”
“Para saan?”
“For disappointing you... Alam ko pong marami kang pangarap sa akin--”
“You're so silly anak...”
“Po?”
“You think I'm mad because of that?”
“Po?” lutang kong muling sambit.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.
“I'm mad at you 'cause you're keeping secrets with me, dati naman hindi, anak...”
“Ma...”
“Kinukuwestyon ko tuloy kung may nagawa ba akong mali sa iyo, bakit tila lumayo ang loob mo sa akin.”
“H-Hindi naman sa ganoon ma...”
“Kung ganoon bakit ka naglilihim sa akin, Anak?”
“Sorry po...”
“Nakakatampo ka anak, sa totoo lang... Kase hindi naman ako nagkulang sa iyo bilang magulang mo, pero bakit naglilihim ka? Malalaman ko nalang na buntis ka na at may fiancé ka na. Anak naman...”
“M-Ma...”
“Hindi ka ba kumportable na magsabi sa akin? Natatakot ka ba?”
Napaiyak na lamang ako dahil maging sarili ko ay hindi alam ang isasagot ko.
Ngunit isa ang sigurado ko, hindi 'yon dahil sa lumayo ang loob ko sa kaniya.
“Nag-iisang anak kita na babae, kaya iniingatan kita, huwag mo sanang isipin na naghihigpit ako ng sobra sa iyo, at huwag kang mag-iisip na hindi ko tatanggapin ang batang iyan, syempre, apo ko pa rin 'yan kahit na bali-baliktarin natin ang mundo, anak mo 'yan at kadugo ko...”
“Ma...”
“Nagtatampo lang ako sa iyo anak, bakit ganu'n ka? May nagawa ba akong hindi mo gusto? Gusto ko lang naman maging open ka sa akin, kase nanay mo ako... Of course I'm worried about you. Diba nga? You're my one and only princess...”
Napayakap ako ng mahigpit sa kaniya at hindi ko napigilan ang mapaiyak, para akong bata na pinapagalitan niya pero wala akong pakielam basta sa pagkakataong ito gusto kong maramdaman na anak ako ni mama at nag-iisang unica hija niya.
Isa akong batang babae na anak niya.
“M-Ma S-Sorry po...” humihikbi kong sambit.
Niyakap naman ako ng mahigpit ni mama at dahan-dahan na hinaplos ang aking likuran.
“Shh...”
“S-Sorry po... Naging makasarili ako ma... S-Sorry po...”
Patuloy lang akong umiyak sa mga bisig niya.
Like I was a little child, pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkabata, ngayon na lamang ako umiyak sa harapan ng aking ina. At sobrang sarap sa pakiramdam na maging vulnerable sa iyong ina.
Yung walang takot na huhusgahan ka o sasabihan ka ng kung ano, 'cause at the end of the day, I'm just her daughter.
To be continued...
K.Y.