Stacy's POV
Hindi na ako makatulog, kaya naman napagpasiyahan kong lumabas at maglakad-lakad sa labas, napatingala ako at nakita ko ang buong-buo na buwan.
Maliwag na maliwanag, kaya hindi ko na kinailangan na mag-ilaw pa.
Bawat bahay na madaanan ko, pinagmamasdan ko, at napapangiti na lamang ako, soon... Magkakabahay rin kami nila mama, mas maganda pa sa mga nakikita ko ngayon.
Hindi ko namalayan na sa kakalakad ko ay nakarating ako sa convenience store.
Napagpasyahan kong pumasok at pumili ng makakain. Hindi pa kase ako nakain.
Pinili ko ang Ramen na nasa gilid, kasabay ng pagkuha ko ng malaking delight.
Dinala ko 'yon sa counter at binayaran, matapos ay nilagyan ko ng mainit na tubig at mabilis akong lumabas at umupo sa mga upuan na naroon.
I missed doing this, madalas bago ako umuwi galing work, laman ako ng convenience store na ito, at ganitong ganito ang ginagawa ko.
Tinimpla ko ang bawat condiments na kailangan at saka hinayaan na mababad sa mainit na tubig. I've waited for almost ten minutes saka ko napagpasiyahan na kainin.
I was busy eating when a random car parked on my side. Hindi ko nalang pinansin kase medyo malayo ang distansya niya sa akin.
Kaya naman nagpatuloy ako sa pagkain.
But then...
Akma kong isusubo ang Ramen ng bigla ay may kung sino na umupo sa aking harapan. Hindi ko na sana pagtutuunan pa ng pansin ng bigla ko siyang makilala.
Napatulala ako.
Nasa harapan ko lang naman 'yung lalaking iniyakan ko ng dalwang araw.
Nang matauhan ako ay hindi ko siya pinansin, casual akong kumain gaya ng ginagawa ko, trinato ko siya na parang hangin na hindi ko nakikita pero ramdam ko yung bigat ng atmosphere niya.
Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.
“Bonita...” paos niyang sambit.
Natigilan ako saglit ngunit mabilis rin akong nakabawi.
“Why are you acting like this?” muli niya pang tanong.
Sinaid ko ang Ramen na kinakain ko hanggang sa walang matira, kasabay ng pag inom ko ng delight. Sandali pa akong napadighay.
Kasabay ng pag-unat ko ng aking mga mga braso.
Kasabay non ang pagtalikod ko at paglakad palayo.
“Bonita!” sigaw niya.
Ramdam ko ang paglapit niya ngunit hindi ko pa rin siya pinansin, itinapon ko ang cup noodles ng Ramen na kinain ko kasabay ng pagtalikod kong muli at paglakad palayo.
Uuwi na ako.
I don't think na kakayanin ko kung mananatili siyang nasa paligid ko.
Nagsimula akong maglakad palayo sa kaniya.
“Bonita--”
Mabilis akong nagpumiglas sa ginawa niyang paghawak sa akin. Masama ko siyang tinignan.
“Bitiwan mo ako,” madiin kong sambit.
Kita ko ang pagbalakas ng gulat ar pagtatakha sa kaniyang mukha.
Sandali pa akong napatitig ng diretso sa kaniyang mga mata ngunit mabilis rin akong nag-iwas ng tingin at nag diretso sa paglakad.
“Bonita, what's wrong with you?” he then asked me.
Hindi ko ulit siya pinansin, ramdam ko ang pagsunod niya sa akin, hinayaan ko lang siya.
“Stacy, can we talk? Please...” nagmamakaawa niyang sambit. Natigil ako sa akmang pag hakbang ko palayo.
Kinuha niya 'yong pagkakataon at mabilis na humarang sa daraanan ko.
“Wala.” iyon na lamang ang sinagot ko.
Akmang lalampasan ko s'ya ng mahigpit niya akong hinawakan sa aking siko.
“Ano ba Dos? Nasasaktan ako! Binitiwan mo ako!” malakas kong sigaw.
Hindi niya ako binitawan bagkus ay pinanuod niya akon magpumiglas at pilit na kumawala sa kaniyang pagkakahawak kahit na mahigpit.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong buhatin at sapilitan na pinasakay sa kaniyang sasakyan.
“Dos! Ano ba?!” inis kong sigaw ngunit parang wala naman siyang naririnig.
Inis akong napatitig sa kaniya hanggang sa maisakay niya ako. Umikot siya kasabay ng masama kong pagtitig sa kaniya.
Hanggang sa makasakay siya sa driver's seat at pinukulan ko siya ng masamang tingin.
“Saan tayo pupunta? Nababaliw ka na ba?! Ibaba mo ako, uuwi ako!”
“Hindi ka uuwi hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung anong problema.” kalmado niyang sambit.
Malakas akong napasinghal sa sinambit niya. “Tanga ka ba Dos o sadyang bobo ka?” inis kong sambit.
Sandali siyang nagulat at napatigil sa pagmamaneho.
“Manners, young Lady. Do you want me to shut your mouth?” nakangisi nitong sambit.
“You know very well I shut woman.”
“Oh, f**k you! Dos! I fuckin' hate you!” inis kong sigaw.
Tuluyan niyang itinigil sa gilid ang kaniyang sasakyan.
“Bonita ano bang problema mo?”
“Problema ko? Gago ka ba? Tangina mo Dos...” hindi ko napigilan ang bugso ng aking emosyon.
Nagsimula akong maging emosyonal kasabay ng paghampas ko sa kaniya, hindi niya ako pinatulan.
“Bonita...”
“F-For real Dos? Tatanungin mo ako kung anong problema ko? Ilang araw ka bang hindi nagparamdam sa akin?”
“Stacy...”
“Mahigit isang linggo...”
“...”
“Wala man lang ni, 'hi' ni, 'hello' tapos gago ka? Susulpot ka bigla sa harapan ko na parang wala lang? f**k you!” inis kong sigaw sa kaniya.
“Bonita, I'm so sorry, okay? I have a lot of things na kailangan asikasuhin.”
“Sino babae?”
“What?”
“f**k you, Dos... Don't you ever dare na ipagkaila, I saw the both you...”
“Bonita...”
“While waiting for you, mukha akong tanga... Samantalang ikaw magpapakasaya kasama ng babae mo. Sabagay, sino ba naman ako hindi ba? Para i-text mo at i-update mo man lang na, 'hello, buhay pa'ko Bonita.'”
Hindi ko alam kung bakit pero nagawa niya pang tumawa. Kaya naman sa inis ko ay malakas ko siyang sinuntok.
“Ano bang problema mo?! Nakita mo ng seryoso 'yung tao tapos tatawanan mo!”
“I apologize, can't help it. You look so cute a while ago, pfft...”
“Hindi gagana sa akin 'yang mga ganiyan mo, Dos.”
“What?”
“Tsk.”
“Hindi ko alam kung anong nakita mo, pero wala lang 'yon. Kung masaya man ako, mas masaya ako kasama ka. Bonita... Sobrang na-miss kita... Pasensya ka na, hindi ako nakapag-update sa iyo. May mga bagay lang na gumugulo sa aking isipan...”
“Tsk...”
“Kaya hindi kita ma-update, it's my fault. I'm sorry.”
Bigla naman akong nahabag.
“Sino 'yung kasama mo?”
“Saan?”
“Huwag kanang magkaila, Dos.”
“Saan mo nga kami nakita?”
Napasinghap ako sa naging tanong niya. “So iba-iba pala ang babaeng kasama mo araw-araw?” gulat kong pagtatanong.
Sandali siyang napakamot sa kaniyang batok.
“Dos...”
“They're just my fling. nothing more,”
“How about me, huh? Am I your fling too?”
“No...”
“Then what am I to you?!”
“You're special to me,”
“Special what? Special Child?” pilosopo kong pagtatanong.
Napatawa siya ng bahagya. “Huwag mo akong tawanan, gusto mong sapukin kita?” asar kong sambit.
“You're different from them, Stacy... I like you.”
“You just like me, Dos. Kaya alam mo, mas mabuti pang bago lumalim ang lahat sa pagitan natin, putulin na natin, dahil ayokong umiyak at masaktan,”
“Bonita...”
“Magkakasakitan lang tayo, masasaktan mo lang ako kung ipagpapatuloy mo 'yang fling-fling na iyan e.”
“...”
“Sabihin mo ng madamot ako or selfish, but I don't share what and who's mine. Hindi naman kita pipilitin e, hindi rin kita hahabulin. Just go, huwag mo na akong guluhin pa. Dahil ayokong humantong sa puntong magkasakitan pa tayong dalawa.”
“...”
“P-Pakakawalan naman kita e, magsabi ka lang... H-hahayaan kita kahit sobrang mahal kita... Kahit sobrang gusto kita, kahit gustong-gusto kong piliin mo ako at iwanan mo silang lahat, h-hindi ko kaya e...”
“Bonita...”
“Kase kung talagang gusto mo ako, iiwanan mo sila ng kusa, hindi ko na kailangan pang sabihin sa iyo...”
“...”
“Hindi mo ba kayang mag-stay sa iisang babae lang, Dos?”
“...”
“Bakit? Gano'n din pa tatay mo at lolo mo? Madami silang extra bukod sa lola't mama mo?”
“Hindi sa gano'n --”
“Then why?”
“Bonita...”
“Hindi ko kase maintindihan kung bakit may mga lalaking gaya mo, na hindi marunong makuntento sa iisang babae?”
“...”
“Sa pagkakaalam ko, pare-pareho lang naman ang p**e e.”
Malakas siyang napatawa sa sinambit ko, tuloy ay maging ako ay natatawa.
“Pfft. You and your mouth, Stacy... Hahaha. That... I miss that bold mouth of yours.” natatawa niyang sambit.
“Ha Ha Ha Nye Nye Nye,” inis kong sambit.
Malakas lamang siyang tumawa, naiinis akong napahalukipkip kasabay ng pagtitig ko sa salamin ng kaniyang sasakyan.
Bahala siya sa buhay niya.
Naiinis ako, hindi dapat ako matuwa e, pero bakit natutuwa ako? Nakakainis... Ang rupok ko.
Pero syempre hindi ko dapat ipahalata.
Maya-maya pa ay dahan-dahan siyang tumigil hanggang sa mapatikhim siya.
Naipikit ko na lamang ang aking mga mata kasabay ng pagtalikod ko sa kaniya.
“Bonita...”
Hindi ko siya pinansin. “Patawarin mo na ako... Pangako, hindi na mauulit. Iiwasan ko na lahat, okay? Hayaan mong patunayan ko sa iyo na gusto kita...”
Sa tuwing naririnig ko na gusto niya ako, para bang may kirot sa aking puso, gusto niya lang ako? Pero syempre ayokong itanong 'yan, baka mamaya sabihin niya pang pinipilit ko siya.
'yan ang ayokong gawin kahit na gaano ko siya kamahal.
Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin mula sa aking likuran, mahigpit na mahigpit niya akong niyakap na wari mo ay ayaw niya akong pakawalan.
Sandali akong natigilan.
“I missed you... Hindi mo alam kung gaanong pagtitiis ang ginawa ko, para lang hindi ka kausapin dahil alam kong masasaktan kita, pero hindi ko maitatanggi ang nararamdaman ko.”
Napatulala ako.
“Sobrang namimiss kita, sa bawat gagawin ko, ikaw ang naaalala ko, sa bawat minutong lumilipas na parang torture sa akin dahil hinahanap-hanap kita... Hinahanap-hanap ko presensya mo. Hinahanap-hanap ko lahat ng nasa iyo.”
“...”
“Sinubukan kong abalahin ang sarili ko, ngunit sa tuwing wala na akong ginagawa, naalala pa rin kita. Kaya hindi puwede na wala akong gawin, dahil paniguradong mamamatay lang ako sa pagkamiss ko sa'yo... Bonita...”
Dahan-dahan akong napaharap sa kaniya, wala na... Talo na naman ako, nagpadala na naman ako sa damdamin ko, wala e... Mahal ko siya, isang sorry, isang akap, isang halik niya lang sa'kin alam kong okay na ako.
Yun bang kausapin niya lang ako e, nagiging panatag na ako.
“D-Dos...”
“Everything I do reminds me of you, lahat-lahat.”
Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay at hinawakan ang kaniyang pisnge.
“Bonita...”
“Dos...”
“Let me make it up to you, Hayaan mong bumawi ako, I'm really sorry... I tried so hard na bumalik sa kung ano ako dati, lahat ng mga nakasanayan ko at mga nakagawian ko, pero wala e... Malabo ng bumalik ako sa kung ano ako dati, ang hirap na...”
“...”
“Dati naman, nakakaya kong magsabay-sabay ng mga babae, araw-araw, iba-iba pa, naka-schedule pa 'yon sa loob ng isang araw, pero ngayon... I feel like I'm cheating on you whenever I'm touching other woman, kahit nga i-entertain e, hindi ko magawa, siguro kausap lang, pero hanggang dun nalang 'yon.”
“Really?”
“Yes.” diretso niyang sambit sa akin, nakatitig lamang ako sa kaniyang mga mata, I couldn't detect anything.
Mahal ko siya, at ngayon naman na nararamdaman ko ang sinseridad sa kaniya, ay patatawarin ko siya.
Mahigpit ko siyang niyakap.
Kasabay ng pagpikit ko ay ang pagbura ko sa alaala ng nakita ko, it will not matter anymore, susubukan kong magsimula muli.
“I love you, Dos...”
“Stacy...”
Napahiwalay ako ng pagkakayakap sa kaniya, hanggang ngayon hindi niya pa rin maamin sa sarili niya na mahal niya ako. Pfft.
“Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko, basta namimiss kita, bawat minuto... Hinahanap-hanap kita... Hindi ako mapakali pag hindi ka nakikita at pag di kita kasama para bang ang bagal ng takbo ng oras, ang hirap mag-adjust 'nung bumalik tayo sa mga dati kong nakasanayan.”
“Dos...”
“Nakakabaliw ang ganitong pakiramdam, Stacy... Ayoko nito, sobrang uncomfortable, buong linggo ko, hindi ako mapakali,”
“...”
“Stacy... If this is the thing that you called love, then I think I'm in-love with you...”
Napatulala ako sa sinambit niya, hindi ko magawang kumurap o kumilos man lang, tumigil ang pagtibok ng puso ko sa narinig.
Kasabay ng pagbilis ng pagtibok ng puso ko.
*Dugdug dugdug
I think I have an illness, hindi na yata ako normal.
To be continued...
K.Y.