( Chapter 36 - Ang unang araw sa gym ) Red's POV "Tubig? May dala ka ba?" tanong sa akin ni Waldo habang naglalakad na kami papunta sa gym. Naisip ni Waldo na maglakad na lang kami para ma-warm-up daw kami parehas. "Oo, mayroon dala ako." "Towel?" "Mayroon na rin." "Basta, tandaan mo, kapag nag-start na tayo roon ay bawal ang palaging may hawak na cellphone para hindi ma-distract ang ibang tao sa iyo," paalala pa niya. "Sige, hindi ko gagawin iyan." "Kapag nagsimula kang mag-gym, magiging parte na ng buhay mo ang sakit ng katawan. Huwag mo ng i-try inuman ng kahit anong pain killer kasi wala ring mangyayari. Ibuhat mo lang ulit para mawala." "Nasabi na iyan ni papa sa akin," sagot ko. "Ang unang araw matapos mag-gym ang pinakamasarap. Dito, feeling mo ginah*sa ka ng sampung beses